“PAPA, KUNAN MO AKO RITO,” sabi ko. Hawak ni Papa ang telepono ko sa kadahilanang gusto kong magpakuha sa kaniya ng larawan. Batid ko lang na may matatanaw ako sa tuwing hahanap-hanapin ko ang amoy at ganda ng dagat. Sigurado akong hahanapin ko ito sapagkat bahagi na sa puso ko ang lugar na ito. Dito lang naman sa lugar na ito ang una naming pagsasama ni Papa nang matagal. Iyong tipong alam kong siya ang aking ama. Iyong tipong dito sa lugar na ito ko unang naramdaman ang pagmamahal niya bilang ang totoo kong ama. Pumurma na ako. Iyong tipong para akong isang modelo na kinukunan dito sa dalampasigan. Nakahawak ang kaliwang kamay ko sa tiyan habang nakahawak naman sa leeg ang kanan. Hindi muna ako tumingin kay Papa para kunwari ay nakaw na larawan ito. Panay porma lang ako kahit wala ak

