“TITO, MARA, MAUNA na ako,” sabi ni Papa Fernando. Lumapit ako kay Papa Fernando. Niyakap ko siya nang mahigpit. Gusto ko lang iparamdam sa kaniya ang pasasalamat ko. Isa siya sa nandiyan para sa amin ni Papa Alejandro sa simula pa lang. Kahit nagsinungaling siya kay Mama, naiintindihan ko siya roon. Ginawa niya lang ang tingin na makabubuti sa akin. “Tila ba ay ayaw mo akong umalis,” sabi ni Papa, natatawa. Kumalas ako sa pagyakap at tiningnan siya sa mga mata. “Salamat sa lahat, Pa. Mag-iingat ka sa pag-uwi. Pwede po ba akong humiling?” Tipid siyang ngumiti. “Ano iyon?” “Puwede ninyo po bang daanan ng kakanin si Parker? Pakibigay po sa kaniya.” Napatango siya, nakangiti. “Walang problema. Basta huwag mo lang kalimutan iyong usapan natin. Kung nais mong umuwi nang hindi pa oras, t

