“PAALAM, PAPA,” naluluhang sabi ko. Niyakap ko siyang muli nang mahigpit sa loob ng sasakyan bago bumaba. Pinaulanan ko rin siya ng mga halik habang nagsisimula nang mangilid ang luha sa aking mga mata. Hindi nagtagal, tuluyan na ring tumulo ang mga iyon. Hindi pa man kami nagkakahiwalay, dama ko na agad ang lungkot. Ibinigay na niya sa akin ang numero niya at nakalagay na rin sa telepono niya ang numero ko, pero iba pa rin ang makausap at mayalap ko siya nang personal. Hindi rin ako basta-bastang makatatawag kung kailan ko gusto; kailangan pa ng abiso o hudyat mula sa kaniya. Hindi nga pangalan ko ang nakalagay sa telepono niya—ibang pangalan, at lalaki pa. “Huwag ka ng umiyak. Nalulungkot ako,” sabi ni Papa. “Pero puwede po ba iyon? Mahal lang kita at masakit po sa akin na maghihiwa

