"Makakabalik saan? Saan ka ba nanggaling?" She asked.
"Wag mo ng itanong, panaginip ko lang naman to," balewalang sagot ko sa kaniya.
"Panaginip? You're not dreaming Miss. I'm a real magic user. Base on your reaction, hindi ka pa nakakakita ng magic no?" Tanong niya.
"Wala pa talaga dahil wala namang ganyan sa--" Napahinto ako nang bigla kong maalala ang mga kwento ni lola.
"Apo, alam mo ba. May mundo na para satin. Para sa mga taong may espesiyal na abilidad."
"Biniyayaan ka ng espesiyal na kakayahan. Hindi ka lamang isang normal na tao apo, may espesiyal sayo."
Totoo ang mga sinasabi ni lola sa'kin?!
"Hulaan ko, sa mundo ng mga tao ka galing?" Tanong niya ulit.
Wala sa sariling tumango ako.
"I see. Nakapasok ka dito so ibig sabihin may magic ka."
Magic? Kaya ba iba ang bilis ko kaysa sa mga normal na tao? Kaya ba malakas ang pandinig ko?
"Wait!" I shouted. It's too much information. Kailangan ko munang i-process ang mga nalalaman ko.
So, ibig sabihin hindi ako nagkamali ng napuntahan. Ang Zeraph Academy ay hindi boarding school kundi School of magic! At wala nako sa earth?
"Nasa earth pa ba ko?" Tanong ko kay Vienna.
"No, ibang mundo to," she replied.
Tumango ako bilang sagot.
So, wala nako sa earth. Nandito nako sa mundo nila. Hindi ako nababaliw at mas lalong hindi ako na-comatose.
"Pisilin mo nga ako," I requested to her.
"Pisilin?" Parang na-wirdohan siya sa request ko.
Tumango lang ulit ako.
"Okay?" Alanganing sagot niya at lumapit sa'kin tsaka pinisil ang braso ko.
"Ouch!" Daing ko. Grabe naman to! Ang pino nya kumurot. "Thank you," I still thanked her.
"Totoo nga to, hindi ka nananaginip," inis na sabi niya.
"Paano ako makakabalik sa mundo ko?"
"Sa headmaster," she answered.
"Headmaster? You mean principal?"
"Oo."
"Headmaster siya sa Zeraph Academy?" Tanong ko pa ulit.
"Oo," tipid na sagot niya.
"Dalhin mo ko sa kaniya," diretsong sabi ko.
"Hindi pwede ang outsider sa loob ng school," she answered.
"Hindi naman ako outsider." Binuksan ko ang bag ko at nilabas ang invitation na nakuha ko. "Here." Pinakita ko sa kaniya ang letter ng school.
"Invitation?" Halatang nagulat siya.
"Bakit?" Kunot noong tanong ko. Parang gulat na gulat siya na may invitation ako.
"N-Nothing." Hinawakan niya ako at sa isang iglap lang nasa harap na kami ng isang malaking pinto.
Napanganga ako sa nangyari. Hindi parin talaga ako makapaniwalang totoo lahat to. Na totoong may magic at isa rin ako sa kanila.
"You okay?" Bumalik ako sa sarili ko when I heard Vien's voice.
"A-Ah oo," I stuttered.
Tumingin ako sa pinto na nakabukas na pala. Hindi ko napansin kanina dahil nawala ako sa sarili ko.
Nauna na siyang pumasok sa loob kaya sumunod ako.
Pag pasok namin sa loob ng kwarto, nakita namin ang isang lalaki na naka-upo sa lamesa at may binabasang kung ano.
Napahinto agad ako when I saw him dahil iba ang nararamdaman ko sa kaniya. Masyado siyang intimidating.
"Do you need anything Vien?" Tanong niya sabay tingin samin. Napansin niya agad ako at nanatili sa'kin ang tingin niya.
"Who's this young lady beside you?" He asked while still looking at me.
Hindi ako nag-iwas ng tingin at nanatiling diretsong nakatingin sa kaniya. Nakaka-intimidate ang nilalabas niyang aura pero nilabanan ko ang takot ko.
Hindi ko na hinintay mag salita si Vien. Hindi niya naman ako kilala kasi hindi pa ako nagpapakilala sa kaniya kaya anong sasabihin niya.
"Nakakuha ako ng invitation para mag-aral sa school na to." Binaba ko ang envelope na hawak ko sa lamesa niya.
"I see." Kinuha niya ang invitation at tiningnan ang loob nito tapos tumingin ulit sa'kin. "What's your magic?"
"She's from the mortal world headmaster. She has no clue that magic exist," si Vien ang sumagot kaya napatingin ang headmaster sa kaniya.
"So you don't know your magic?" Tumingin ulit sa'kin ang headmaster.
"Uh, speed? Malakas din ang pandinig ko, I can hear everything," I answered.
"That's only your ability, not your magic. Yun lang ba ang kaya mong gawin? Wala ng iba?" Tanong niya pa ulit.
"Wala na?" Hindi siguradong sagot ko. Yun lang naman kasi ang kakaiba sa'kin.
"So, I assume you don't know your magic yet kaya paanong nangyaring may invitation kang natanggap." Bumaba ang tingin niya sa envelope.
"Ano bang meron sa invitation?" Tanong ko.
Kanina nagulat din si Vien sa invitation na natanggap ko. Tapos yung headmaster din. Hindi niya man lang ba tinitingnan kung sino ang mga binibigyan nila ng invitation?
"Kapag nakatanggap ka ng invitation mula sa Academy ibig sabihin malakas na mahika ang meron ka," Vien answered.
"Pero hindi ko maramdaman ang mahika mo," ani ng headmaster kaya napatingin kami sa kaniya. "Samahan mo muna siya sa labas Vien. May titingnan lang ako."
Tumango naman si Vien at lumingon sa'kin. "Tara."
Sabay kaming lumabas ng office ng headmaster. May bench sa labas kaya dun kami na-upo.
"Hindi pa lumabas ang kapangyarihan mo kahit isang beses?" Biglang nag salita si Vien.
"Nope," I shook my head.
"Kahit nung ten years old ka?" Tanong niya pa ulit.
"Nope," sagot ko ulit. "Bakit anong meron?"
"Lumalabas ang powers ng mga magic users sa edad na sampu," she answered.
Wala akong matandaan na may nangyari nung ten years old ako pero--- OMG!
"Bakit hindi tayo lumabas?" Tanong ko kila mommy, papa at lola. Tuwing birthday ko lagi kaming lumalabas pero ngayon nandito lang kami sa bahay. Pinapanood lang nila ako mag hapon.
"Bukas nalang, anak. Hindi kasi tayo pwedeng lumabas ngayon," sabi sa'kin ni mommy tapos tumingin kay lola.
Ang weird talaga nila ngayong araw. Kanina nilagay nila ako sa harap ng apoy, sa harap ng tubig, sa puno, kung saan-saan nila ako pinaharap ng ilang minuto.
"Okay!" Masayang sabi ko.
"Apo, wala ka bang nararamdaman?" Tanong ni lola sa'kin.
Napasimangot ako dahil sa tanong niya. Kanina pa kasi nila sa'kin tinatanong yan.
"Wala nga po lola. Wala naman akong sakit," I answered.
Nagkatinginan na naman silang tatlo tapos biglang umuling si lola. "Baka hindi pa lumalabas," aniya.
"Ano pong lalabas?" I asked.
"Yung worm sa tyan mo pag kain ka ng kain ng hindi healthy na pagkain," pananakot sa'kin ni mommy.
"Niloloko mo lang ako mommy," nakasimangot na sabi ko.
Kaya ba ang weird nila ng araw na yun? Nakabantay sila sa'kin dahil hinihintay nilang lumabas ang kapangyarihan ko!
"Tinatawag ka na ng headmaster."
Hindi ba talaga ako nananaginip? Totoo ba talaga to?
"Tinatawag ka na." Bumalik ako sa sarili ko nang maramdaman kong may umalog sa balikat ko.
"H-huh?"
"Tinatawag ka na ng headmaster," ulit niya.
"Okay." Tumayo na ako dala ang mga gamit ko at pumasok sa loob ng office ng headmaster.
Pagpasok ko biglang sumara ang pinto kaya bahagya akong nagulat. Mukang ako nalang ang kailangan sa loob dahil hindi na pumasok si Vien.
"Welcome to the academy Miss Briella, I'm sorry for keep you waiting. I'm Yunus, the headmaster of this academy. You can call me headmaster or headmaster Yunus." Nakangiting aniya.
"Tanggap nako?" I asked.
"Yes. Here's your dorm room and key. Ang uniform mo ay nasa kwarto mo na. Eto ang map para sa buong school, eto naman ang schedule mo pati ang information mo. Nag start na ang school year kaya bukas ay magsi-simula ka na. Here's a letter from your parents, I hope this can answer your question about magic."
"Pwede ba kong bumalik sa mortal world any time? Paano ako makakabalik?" Tanong ko.
"Makakabalik ka gamit ang portal, makakabalik ka lamang sa katapusan ng school year o tuwing may okasyon ang school. Maaari ka ding makabalik kung may mission ka sa mortal realm."
Kumunot ang noo ko sa narinig ko. Mission? Akala ko ba school to?
"Mission?" Patanong na sabi ko.
"Nabibigyan ng mission ang mga studyanteng nasa 'elua at eno ang mahika."
Ano daw? Elu-- what?
Magtatanong pa sana ulit ako pero nakarinig kami ng katok mula sa labas.
"Kung may tanong ka pa maaari mong tanungin si Vien tutal magka-klase kayo," he smiled.
Tumango nalang ako at kinuha ang susi at apat na papel na nasa lamesa niya bago lumabas. Hays, akala ko pa naman makakauwi ako.
____________
HEADMASTER
Pinanood ko siya habang papalabas siya ng pintuan. Isang misteryosong studyante na naman ang pumasok sa skwelahan ko.
Nararamdaman ko ang kapangyarihan niya pero napaka-hina nito. Mahina lang siya pero hindi ko alam kung bakit nakakatakot ang aura na dala niya.
Nakasalubong niya paglabas ang secretary ko na napahinto at natulala kay Briella. Sa reaksyon niya palang mukang naramdaman narin niya ang aura na nilalabas ng bagong studyante.
"H-headmaster." Lumapit siya sa'kin. "S-siya ba ang new student?" Nauutal na tanong niya.
Tumango ako bilang sagot sa tanong niya.
"May ibibigay lang po ako." May binaba siyang folder sa harapan ko. "I'll investigate her identity right away headmaster Yunus."
"Okay. You can go."
Yumuko siya bago lumabas ng opisina ko.
Ang letter na hawak niya ay hindi mula sa academy. Anim na letter pa lang ang pinamigay ng academy at ang seal sa invitation na natanggap ni Briella ay mula sa kingdom. Ibig sabihin ay importante siyang tao.