The land of magic

1777 Words
Finally, tahimik narin sa wakas! Naglakad lakad ako sa gubat para maghanap ng maganda-gandang pwesto. Yung wala akong ingay na maririnig mula sa academy. Sumasakit kasi ang ulo ko. Napahinto lang ako sa paglalakad nang may makita akong paa na nasa likod ng halaman. May patay pa ata! Mabilis akong tumakbo papunta sa likod ng halaman. Isang babae ang nagma-may ari ng paang nakita ko. "Miss?" Umupo ako sa tabi niya pero napatigil din ako agad. Para akong na estatwa sa kinauupuan ko. My body shivers all of a sudden, Bigla akong natakot sa babaeng nasa harapan ko. S-sino sya? Bumalik ako sa sarili ko nang gumalaw siya bigla. "Hmm." Kumunot ang noo niya na parang may nangyayari sa panaginip niya. "Miss?" Sinubukan ko nalang siyang gisingin pero kahit anong yugyog ko ay tulog na tulog talaga siya. "Hindi kaya may spell na kinast sa kaniya?" I said to myself. "Oo nga!" Mabilis akong tumayo. Ang bobo ko talaga minsan! Mabilis akong gumawa ng isang malaking snowflakes sa hinihigaan ng babae at pinalutang ko ito. Hinawakan ko ang kamay niya at nag teleport papunta sa clinic ng school. Pagdating namin sa loob ng clinic nakita agad kami ng nurse dahil kami lang naman ang tao sa loob ng clinic. "Anong nangyari sa kaniya?" Tanong ng nurse pagkalapit samin. "I don't know. Nakita ko siyang wala ng malay," I inform her. "Ibaba mo siya dito." Lumapit siya sa pinaka-malapit na kama kaya dinala ko dun ang babae at dahan-dahang binaba. Tinapat ng nurse ang kamay niya sa katawan ng babae. "Wala kang dapat ipag-alala. Nawalan lang siya ng malay," sabi ng nurse pagkatapos ng ilang segundo. "Mabuti naman kung ganon. Tawagan mo nalang ako kapag nagising na siya," paalam ko bago mawala sa harapan niya. Ano kaya ang nangyari sa babaeng yun? Student ba siya dito sa Academy? _____________ BRIELLA Nagising ako sa loob ng isang kwarto. Puro puti ang nakikita ko at nakahiga ako sa isang malambot na kama. Sa tingin ko nasa hospital ako. Siguro dinala muna ako nila mommy at papa sa hospital dahil bigla nga akong nahimatay sa gubat. Wala naman akong nararamdaman na sakit sa katawan ko kaya umupo na ako at tumayo. Naglakad ako hanggang sa dulo ng kama ko para makita ko kung nasa hospital nga ba ako. Infairness sa hospital na to, parang sa korea. May takip ang mga kama sa gilid na nagsi-silbing hati sa bawat kama. "Gising ka na pala." Isang babae lang ang nakita ko sa loob ng kwarto. Nakasuot siya ng puting dress na may gold na lines. "Ipapatawag ko lang si Miss Vien." Ano daw? Vien? Siya ba ang doctor? Tsaka parang hindi naman ako nasa hospital. Ang liit namang hospital neto. "Patawag narin yung parents ko," I said to her. "Ang mga magulang mo? Pasensya na ngunit hindi ko sila kilala pero wag kang mag-alala dahil ipapatawag ko na si Miss Vien," nakangiting sabi niya sa'kin. Yun ba ang doctor dito?" I asked her. "Doctor? Anong doctor?" Naguguluhang tanong niya. May amats ba to? Hindi niya alam ang doctor? "Doctor. Ahmm... Yung ano, gumagamot sa may sakit," I explained. "Ako yun," she answered. "So doctor ka?" I asked her again. "Pasensya na ngunit hindi ko maintindihan ang doctor na sinasabi mo." Nakagat ko ang dila ko dahil sa sinabi niya. Naiinis nako sa babaeng to, ah. Siya daw yun pero hindi alam ang doctor. Sa mental hospital ata ako dinala ng mga magulang ko. Baliw na ba ang tingin nila sa'kin? Kaya ba umiiyak sila bago ako mawalan ng malay? P*ta! Paano ako naging baliw?! "Sino ba yung Miss Vien?" Tanong ko nalang. "Siya yung babaeng nag dala sayo dito kanina." Huh? Iba yung nagdala sa'kin dito kanina? Asan na ba talaga ang mga magulang ko?! "Nasaan na ba ang mga magulang ko?" Medyo inis na sagot ko na sa kaniya. "Tsaka nasaan ba ako?" "Nasa clinic ka." "Clinic? Hindi to mental?" Bulong na tanong ko sa sarili ko. "May sinasabi ka ba?" Tanong niya sa'kin. Narinig niya siguro ang boses ko. "Wala. Hindi mo pa ba tatawagin yung. . . Si . . . Ano ulit pangalan?" Tanong ko ulit. "Vien." "Oo, yun. Hindi mo pa ba tatawagin?" "Tinawag ko na siya," she replied. Huh? Baliw na ata talaga siya. Hindi ko naman nakitang humawak siya ng cellphone o kung ano man. Bago pa ako makapag tanong may pumasok ng babae na nakasuot ng dress na hanggang hita niya lang at may cloack na hanggang braso niya lang, medyo open rin yung cloack kaya kita ang top ng dress niya. Bakit ganyan ang damit nila? Nasa mental ba talaga ako? Hindi pa naman November pero naka Halloween costume na sila. "Gising na siya," ani ng babaeng naka-dress na puti sa babaeng kadarating lang. Tumango lang ito at lumapit sa'kin. "Wala ka na bang nararamdaman?" She asked. "Wala. Nasaan ang magulang ko?" Tanong ko agad. "Magulang? Ikaw lang ang nakita ko sa gubat," sagot niya. Ano! Iniwan ako nila mommy?! Bakit naman nila ako iniwan dun?! "Nasaan ba ako?" Tanong ko. "Sa academy," tipid na sagot niya. Hampasin ko kaya siya? Sa dami ng academy sa earth! "Saang academy?" Medyo inis na tanong ko. Kanina pa ako naiinis ah. Isa nalang bi-binggo na sila sa'kin. "Zeraph Academy." Zeraph Academy? Yung boarding school? Eh baka kaya nila ako iniwan dahil nakita na ako ng student? Ewan! Tatanungin ko nalang mamaya. "Ito ba yung boarding school?" I asked her again. "What school? Boarding? Ano yun?" Para akong may sinabing alien words dahil litong-lito ang mukha niya. Pati boarding school hindi nila alam? Mabuti pa sana kung ang sagot niya ay hindi, ibig sabihin wrong school napuntahan ko kaso mukang ngayon lang nila narinig yung word na boarding dahil pati si ate na naka-puti eh kumunot ang noo. "Boarding school. Ano ba? Nasa bundok bako? Bakit hindi niyo alam yung mga sinasabi ko? Ano ba to mental hospital?" Inis na tanong ko. Hindi ko na naitago ang pagka-inis ko dahil sobra na talaga. "Mental Hospital?" Sabay pa na tanong nila. Gusto kong sumigaw sa inis. Kingina, pintagtri-tripan ata ako ng dalawang baliw na to. "Baliw ba kayo? O sadyang trip niyong asarin ako? Hindi niyo ba ako sasagutin ng maayos?" I asked super annoyed. "Maayos ang tanong namin, ikaw ang hindi namin maintindihan," seryosong sagot ng kaharap ko. "Hinga El. Kaya mo to, pampahaba ng pasensya to!" I motivated myself. Siguro nga nasa bundok lang ako. "Nasaan ang school na to?" Tanong ko ulit. Halata namang maling school ang napasukan ko. Kailangan kong maka-uwi ulit. "Zeraph kingdom," sagot ng kaharap ko. Sa expression ng muka niya parang nagtataka na siya na wala man lang akong ka alam-alam sa paligid ko. "Ano? Kingdom?" Tumango lang siya at hindi sumagot. "Saang kingdom? Kailan pa nagka-kingdom sa bansa natin? At anong kingdom to at nasaan?" Sunod-sunod na sagot ko. Nalilito na talaga ako. "Matagal ng may kingdom dito at nasa Zeraph Land, the land of magics." Parang nag hang ang utak ko dahil sa sinabi niya. Patawa talaga. Land of magics daw. Tinalikuran ko siya at kinuha ang gamit ko na nasa kama. Hahanapin ko na ang doctor! "Saan ka pupunta?" Tanong niya. "Tabi!" Hindi ko siya sinagot at hinawi ko lang siya para umalis sa dadaanan ko. Ubos na ang pasensya ko. Baka mabasag ko ang maganda niyang muka kapag nagtagal pa akong kausap siya. Paglabas ko may dalawang hallway sa magkabilang gilid at may puno naman sa harap. Ang ganda ng puno, ang sarap titigan. Ha-hakbang palang sana ako pero nagulat ko dahil nagkaroon ng yelo sa paa ko. Wtf? Pano nangyari to?! Tumingin ako sa langit pero maaraw naman. Saan nanggaling to! "Hindi ka pwedeng maglibot dito sa academy. Outsider ka." Mula sa likod ko naglakad yung babaeng kausap ko kanina papunta sa harapan ko. Kung tama ang pagkaka-alala ko ay Vien ang pangalan niya. "Wala rin akong balak mag libot," sagot ko at tumingin ulit sa nasa paa ko. I tried to move my feet pero ayaw talaga. "Ano ba to? Bakit nagkaroon ng ganito?" bulong na tanong ko sa sarili ko. Siguro namamalikmata lang ako. Baka nababaliw narin ako kasi kumausap ako ng mga baliw? "Woah!" Sigaw ko nang unti-unting mawala yung nasa paa ko. "Baliw na ba ko?" Kinurap-kurap ko ang mga mata ko. Kinusot-kusot ko pa. "Ako ang may gawa nun." Napatingin ako kay Vien nang mag salita siya. "Huh? Panong ikaw?" Nagtatakang tanong ko. "With my magic." She raised her hand and may nakita akong light blue na parang aura na umiikot sa kamay niya. "H-how?" I asked shocked. Bahagya pang bumuka ang bibig ko dahil sa gulat. Totoo ba ang nakikita ko?! Baka naman nasa wow mali ako at effects lang yun? "I told you, it's the land of magic. Bakit parang gulat na gulat ka? Saan ka ba nanggaling?" She looked confused. "Ano bang land of magics? Hindi naman totoo yun! Nasaang segment bako? Pwede ba itigil na to kasi nag pa-panic nako," mabilis na sabi ko habang lumilingon sa paligid ko para hanapin ang camera. "Hindi kita naiintindihan," kunot noong sagot niya lang sa'kin. "Anong planeta to? Wala nako sa earth?!" Hysterikal na tanong ko. "Totoo ba talaga to?!" Tumango lang siya bilang sagot. Hindi, siguro panaginip lang to. O kaya na-aksidente ako tapos comatose yung katawan ko. Tama! Na-comatose ako! Siguro 50-50 na ang buhay ko kaya kailangan kong makabalik! Lumapit ako kay Vien. "Dalhin mo ko kung saan mo ako nakita." Hinawakan ko siya sa magkabilang balikat niya at diretsong tiningnan sa mga mata niya. Napahinto siya at natulala sa'kin. "Hoy Miss." Bahagya ko siyang inalog. "S-sige," sagot niya. Sa isang iglap lang wala na kami sa harapan ng clinic. Nasa gubat na kami. "The hell?!" Gulat na sigaw ko habang nakatingin sa paligid. Paano nangyari yun? Pumikit lang ako pagdilat ko nandito na ako?! Hindi bale. Hindi ko na iisipin yun. Ang kailangan ko makabalik sa katawan ko. "Paano mo ako nakita?" Tanong ko ulit kay Vien. "Nakahiga ka diyan." Tinuro niya ang lupa. "Okay." Humiga ako sa tinuro niya at pumikit. Hindi ako dumidilat hangga't hindi ko naririnig ang boses nila mom at papa o kahit ang doctor na nag re-revive sa katawan ko. "What are you doing?" Napadilat ako nang marinig ko ang boses ni Vien. "Wag kang magulo imaginary friend, kailangan ko nang bumalik sa katawan ko dahil for sure umiiyak na nang sobra ang magulang ko," saway ko sa kaniya. Hindi naman na siya sumagot kaya nag concentrate nalang ulit ako. "Seriously? What are you doing?" "Ikaw parin?! Bakit hindi pako bumabalik?" Nag pa-panic na ako. Paano ako babalik sa katawan ko?!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD