Sa takot na matamaan ko si Krishna, hindi ko magawang mapaputukan ang hayop na Samuel kaya sinadya ko na lamang patamaan ang gulong ng kaniyang sasakyan upang hindi sila tuluyang makalayo. Iniwan ko ang nanghihinang si Marco sa loob ng sarili kong sasakyan upang malapitan ang sasakyang kinalulunan nila Samuel. “Bitiwan mo ako!” rinig kong sigaw ni Krishna. Kulang na lamang ay liparin ko ang paglapit sa kanila upang mailigtas na ang babaeng pinakamamahal mula sa kamay ng hayop na ama-amahan nito. Nasaksihan ko ang ginawang paghalik ni Samuel kay Krishna at gusto ko na siyang patayin agad. Nanlilisik ang mga matang hinampas ko ng baril ang bintanang nasa pwesto mismo ni Samuel at saka marahas ko siyang hinala palabas ng sasakyan. Nandidilim ang mga mata ko habang binibigyan ko siya ng

