“Carl Wayne!” Patuloy ako sa paghikbi habang nakayakap sa katawan ng aking asawa. Akala ko ay matapang na ako sa pagharap sa mga kalaban kaya malakas ang loob kong sundan ang bawat galaw ni Carl Wayne. Alam kong inalis niya ang inilagay kong device sa kaniyang telepono at sasakyan upang hindi ko siya ma-monitor sa bawat galaw niya. Hindi ako nagpadaig sa kagustuhan ni Carl Wayne na lubayan ko siya sa nais niyang mangyari kung kaya inilagay ko sa loob ng bulsa ng suot niyang pantalon ang maliit na device at saka ko siya sinundan. Ang hindi ko lamang inaasahan na makikita sa lugar na ito ay si Sammy, ang kakambal ni Papa Samuel. “It’s okay, Baby girl. He's gone!” saad ng aking asawa habang masuyong hinahagod ang likuran ko. “P-paano nangyaring buhay pa siya?” nanginginig ang boses kon

