Chapter 24

1067 Words

Nakakalat ang mga tauhan ni George sa gitnang bahagi ng kaniyang hardin upang bantayan ang duwag nilang amo. Sunod-sunod na pagpapaputok ng baril ang ginawa ko nang mamataan ang isa niyang tauhan na namukhaan kong sumuntok kay Krishna noon sa bahay. Lumipad naman ang isa kong binti sa mukha ng isa pang tauhan ni George nang magtangkang lumaban. “Nasaan ang duwag mong amo?” nagngangalit ang mga ngipin kong tanong sa lalaki. “Hindi ko alam!” matigas niyang tugon sa’kin. “Sinungaling!” Matigas na tumama ang dulo ng baril ko sa kaniyang mukha kung kaya mabilis na nagkalat ang dugo sa pisngi nito. Inilinga ko ang mata sa paligid at wala na halos buhay ang ibang tauhan ni George dahil pawang kinitil ko na ang mga ‘yon. Naramdaman ko ang mga matang matalim na nakatitig sa’kin mula sa likur

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD