“Marissa?” gulat kong sambit nang makita ang mukha ng sekretarya ni Carl Wayne. Namulat ako sa lugar na puro dilim ang nakapaligid. Hindi ko alam kung nasaan kami, ang tanging naaalala ko lang ay may mga taong bigla na lamang sumulpot sa bahay at sinikmuraan ako. “Marissa, ano ‘to?” Nagpapapalag ako upang kalagin ang taling mahigpit na nakatali sa aking katawan. Nakaupo ako sa upang kahoy at sobrang higpit ng pagkakatali sa’kin na para bang ayaw talaga nila akong pakawalan. “Ikaw ang dahilan kung bakit ayaw na ni Carl Wayne gawin ang sinimulan naming trabaho!” bulyaw sa’kin ni Marissa sabay pisil sa magkabilaang pisngi ko. “Walanghiya ka! Sinasabi ko na nga ba na hindi ka mapagkakatiwalaan!” angil ko sa kaniya. “Sinira mo ang magandang plano namin. Akala ko ikaw ang mabuting bagay

