“Carl Wayne...” agaw pansin ko sa kaniyang pananahimik. Nakaupo siya sa may tabi ng kamang kinahihigdaan ng kaniyang ama habang tulalang nakatitig dito. Masuyong pumisil ang kamay ko sa kaniyang balikat na agad naman niyang kinuha. Dinala niya ang kamay ko sa tapat ng kaniyang labi at saka pinaulanan iyon ng maliliit na halik. Alam kong nalulumbay siya at ang tanging magagawa ko lamang ay ang aluhin siya. “Baby girl...” malungkot niyang sambit. Yumakap ako mula sa likurang bahagi ng kaniyang katawan saka pinatakan ko siya ng maliliit na halik sa tuktok ng kaniyang ulo. “Magiging maayos din ang lahat.” Mga salitang binitiwan ko para kalamayin ang kaniyang kalooban. “Palagi kong sinasabi noon sa aking sarili na patutunayan ko sa kaniyang mali siya ng sapantaha sa iyo. Mali siya sa

