Chapter 79

1126 Words

‘Di ako makapaniwala sa napanood kung kaya agad kaming nagtungo ni Krishna sa kaniyang ama upang kumpirmahin ang balita. Si Florante mismo ang sumalubong sa amin pagkababa pa lamang namin ng sasakyan ni Krishna. “Papa!” Agad na tumakbo palapit sa kaniyang ama ang aking asawa kung kaya naudlot ang anumang itatanong ko. Nagyakapan silang dalawa na animo ay ngayon lamang nila nasilayan ang isa’t isa. “Halika, pumasok na muna tayo sa loob ng bahay!” yakag sa amin ni Florante. Ang dating malamig na titig niya sa akin ay napalitan ng init na kagaya nang pagtingin sa kaniyang anak. Parang hinaplos ang puso ko ng mainit na palad nang ngumiti siya sa akin. Hindi ko tuloy malaman kung ano ang gagawing kilos dahil bigla akong nailang sa kaniya. Sino ba naman ang hindi maiilang kung ang isa

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD