“You really like her, huh?” tanong ko sa anak habang magkasabay naming pinagmamasdan si Margherita mula rito sa loob ng opisina ko. “Yes, Daddy!” tugon sa akin ni Fiona. “Ano ba ang nagustuhan mo sa kaniya?” patuloy kong tanong sa anak. “Ang bait po kasi ni Ate Margherita.” “Pero mababait din naman ang mga yaya mo, hindi ba?” “Iba po si Ate Margherita sa kanila.” Tumayo si Fiona mula sa kaniyang inuupuan at saka lumapit sa akin Kinandong ko naman siya sa aking lap saka hinagod ng mga daliri ko ang kaniyang buhok. “Gusto ko pong maging mommy si Ate Margherita,” malambing na wika sa akin ni Fiona dahilan para masamid ako. “M-mahirap yata iyang kahilingan mo, Baby princess.” “Bakit naman po, Daddy?” inosenteng tanong sa akin ni Fiona. “Hindi natin hawak ang kaniyang emosyon at mar

