Hindi ko alam kung ano ang magiging reaksyon ko dahil para akong na-trap sa patibong ng mag-ama. Dumating si Fiona kasama ang kaniyang amang walang ibang ginawa kundi ang ngumiti nang ngumiti ng ubod ng tamis sa akin. Iyong ngiti pa naman niya ay parang nakakaloko. “Alam mo po Ate Margherita nang sinabi sa akin ni Daddy na ikaw ang kaniyang bagong secretary, tuwang-tuwa ako!” Pagkukwento pa ni Fiona. Alanganing ngiti ang nakapaskil sa aking labi at pilit na pilit pa iyon dahil si Fiona ang kaharap ko, pero kung wala siya ay tiyak na uulanin ang kaniyang ama ng sermon mula sa akin. Sino ba kasi ang nagsabing dalhin niya ang kaniyang anak dito sa opisina gayong hindi naman ito playground?! “Nagpumilit si Fiona na pumunta rito dahil mayroon daw siyang ibibigay sa iyo na regalo,” wika n

