Aagawin ko na sana ang burger mula sa kamay ni Aning ng maagap akong hinila ni Atasha sa kamay at saka magalang siyang nagpaalam sa aming mga boss. “Ano bang pinaplano mong gawin, Margherita?” tanong pa niya ng tuluyan kaming makalabas mula sa loob ng kanilang departamento. “Susugurin si Aning!” walang kiyeme kong sagot. “Ay g*ga! Suicide ang gusto mong gawin!” maarteng wika ni Atasha. “Suicide? Ito suicide!” pinong kinurot ko siya sa kaniyang braso. “Aray!!!” nakangiwi niyang ungol. “Alam mo bang ang tagal-tagal kong naghintay sa iyo sa may kainan tapos wala ka man lang pasabi kung ano na nagyari sa iyo o darating ka pa ba,” nandidilat ang mga matang saad ko. “Sorry. Nakita mo naman may inuutos pa sa akin si Aning,” nakalabi niyang tugon. “Kaya nga dapat hinayaan mo na lang akong

