Nakakailang bilang na ako ng mga taong pumapasok sa may pintuan ng canteen pero wala pa rin si Atasha. “Nasaan na kaya ang babaeng iyon?” napapabuntonghiningang usal ko sa hangin sabay palumbaba. May usapan kaming kakain ng sabay dahil pareho kaming bagong sahod ngayon. Pagsapit pa lang ng alas dose ay agad na akong umalis sa loob ng opisina ni Fynn para maka-reserve ng upuan at mesa. “Ang bruhang iyon talaga!” may panggigigil kong bulong sabay tayo at lakad patungo sa may counter. Um-order na ako ng pagkain at saka nanghahaba ang ngusong bumalik sa upuang nireserba ko. Ganoon na lamang ang pagkagulat ko nang makitang nakaupo roon si Fynn. “Hi!” Magiliw niyang bati sa akin na animo'y hindi kami nagkita kanina sa loob ng kaniyang opisina. “H-hi?!” ‘D ko malaman kung pa'no iyon s

