Napailing na lamang ako bago inalis ang pagkakatitig sa salaming pader kung saan kitang-kita ko si Fynn na nakayuko sa harapan ng kaniyang office table. Napakarami niyang folder na kaharap at para bang wala ng bukas na gawin ang iba sa mga iyon. Ipinikit ko nang mariin ang mga mata ko dahil sa hanggang ngayon ay may ngitngit pa rin akong nadarama. 'Di ko pa rin ma-feel ang bagong trabaho at talagang naiinis ako. Ang dali lang naman talagang sabihin para sa kanila na maganda at maayos ang trabahong ibinigay sa akin. Pero ang totoo, napakahirap talaga niyon! Paano ko naman magagawa ang mga bagay na may kinalaman sa bago kong trabaho kung ang mismong boss ko ay hindi ko na agad gustong makasama. Idagdag pa si Aning na panay lamang pa-cute at wala na yatang alam gawin na ibang trabaho k

