Chapter 5 - Ang muling pagkikita nila Amir at Dia

1638 Words
Dia's POV Sa oras na 'to ay naiintindihan ko na ang mga nararamdaman ng mga batang nag-iisa na lang sa buhay nila. 'Yung mga batang maagang iniwanan ng kanilang mga magulang. Ang hirap pala. Lalo na kung nasanay ka nang palagi siyang nasa tabi mo. Mas mahirap 'yung mga batang iniwan ng mga magulang nila na wala manlang nalalaman sa gawaing bahay. Gaya ko na kahit anong lutong bahay ay wala manlang alam. Wala akong ibang pwedeng gawin kundi ang bumili na lang ng makakain sa labas. Pagkain na hindi mo alam kung malinis ba. Hindi naman sa pinag-iisipan ko na malilibag ang pagkaing tinda sa labas. Syempre, hindi pa rin maiiwasan na pag-isipan ang iilan na hindi mo sigurado kung malinis ang pagkakagawa o pagkakaluto ng mga pagkain na tinda nila. Iba pa rin talaga ang lutong bahay na alam mong malinis. Luto ng magulang mo na alam mong masarap. 'Yung walang pag-aalinlangan mong kakainin. Lumabas ako ng bahay para bumili ng makakain ko. Binilin ko na lang muna kay Venuss na bantayan ang bahay namin. Pumunta ako sa palengke. Mamimili ako ng mga stock ko. Hindi man ako sanay magluto ay kakapit na lang ako sa panunuod sa youtube ng mga cooking tutorial para kahit pa paano ay masanay ako magluto kahit hindi ko sigurado kung masarap ba ang kalalabasan. Ang mahalaga ay sinubukan ko. Hindi 'yung 'di mo pa sinusubukan ay ayaw mo na ka agad gawin. Katamaran na ang tawag do'n. Kung gusto mong mabuhay at tumayo sa sarili mong paa, aralin mo ang dapat mong aralin nang sa gano'n ay balang araw ay hindi ka na mahihirapan 'pag ikaw naman ang maging magulang ng mga magiging anak mo. Pagkatapos kong mamimili sa palengke ay dumaan muna ako sa garden shop ni Aling Bebe. Nagulat pa siya sa akin na may mga dala akong grocery. "Bakit ikaw ata ang namili sa palengke? Hindi ba't si Tilda ang gumagawa niyan?" Pinaupo muna ako ni Aling Bebe dahil nakita niyang hinihingal ako pagdating doon. Sa oras na ito ay lungkot na lungkot na ako.Hindi ko na napigilan ang sarili ko. Parang gusto kong magsumbong sa kanya. Gusto kong ilabas ang nararamdaman kong lungkot. Naluha ako kaya agad siyang nag-alala. Nilapitan niya ako, "Sabihin mo, anong nangyari? May problema ba?" "Nawawala po kasi si Mama," tugon ko sa kanya. Nagulat naman siya sa sinabi ko. "Kung gano'n ay kailangan natin siyang i-report sa police para mahanap na agad siya." "Hindi po pwede. Hindi po police ang makakahanap sa kanya," sagot ko na kinalito naman niya. Napakamot tuloy siya ng ulo. "Ha? Ano ka ba?! Mahahanap siya ng mga police. Trabaho nila 'yun," pagpupumilit ni Aling Bebe. "Hindi niyo po ako naiintindihan. Ako na pong bahala sa kanya. Babalitaan ko na lang po kayo." Hinayaan na lang muna ako ni Aling Bebe na umalis. Hindi na rin naman niya ako maaasikaso at marami siyang customer ngayon. Pag-uwi ko sa bahay namin ay agad akong tinawag ni Venuss. Para siyang taratitat na sigaw nang sigaw sa pangalan ko. Hindi ko siya agad nilapitan. Dinala ko muna kasi sa kusina ang mga grocery na pinamili ko. "Bakit? May naging problema ba?" tanong ko aga sa kanya paglapit ko sa kanya. "Wala naman, pero may good news ako," sagot niya. "Talaga? Ano 'yon?" tanong ko. Bigla akong kinabahan. Sana tungkol 'yon kay Mama. "Alam ko na kung paano tayo makakarating sa Madita." Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya. "Talaga? Naku, salamat naman. Pero, teka, p-paano mo nalaman ang lugar na 'yun?" "Dahil dati na akong nakakarating doon. Ang totoo ay doon talaga ako galing. Ang tanging naalala ko lang ay taga doon ang dating nag-aalaga sa akin. Pero hindi ko maalala kung sino siya at ano ang pangalan niya." "Kung gano'n ay umalis na tayo. Puntahan na natin ang Mama ko," saad ko sa kanya. Excited na tuloy ako. Sa wakas, magkikita na kaming muli. "Masusunod po," maikli niyang sagot. "Pumitas ka ng isang dahon ko," utos pa niya. Ginawa ko ang sinabi niya. Kumuha ako ng isang dahon sa kanya. Mayamaya ay bigla ko'ng nakita na kuminang ang puno ng atis namin sa hardin. "Kapag pumipitas ng dahon ang taong nag-aalaga sa akin ay kusang magkakaroon ng portal ang anumang puno na malapit sa 'yo," sabi niya na kinatuwa ko. Ang galing lang. Naalala ko tuloy ang unang beses na magawa ko 'yun sa garden shop ni Aling Bebe. Pero nang gawin ko 'yun ay namatay ang ghost plant na hinawakan ko noon. "Teka, baka gaya ng ghost plant na nahawakan ko noon sa garden shop ni Aling Bebe ay mamatay ka rin at mabulok? Ang totoo ay nakarating na ako sa Madita. Nangyari na rin sa akin na makarating ako doon. Ngunit nang kusa akong makabalik sa mundong ito ay biglang namatay ang ghost plant na hinawakan ko. Anong masasabi mo dun? Bakit nangyari 'yun? Natatakot kasi ako na baka mamatay ka rin." "Huwag kang mag-alala. Variegated ako. Simpleng ghost plant lang 'yun. Saka, iba ako sa kanila. Mahiwagang ghost plant ako na hindi basta-basta napapatay. Pero mainam na alam mo na 'yun. Marahil kaya nangyari 'yun ay may mahalagang mission ang mga halamang ghost plant sa pagkatao mo. Malakas ang kutob ko na may mission na naghihintay sa 'yo sa Madita. Kaya halika na, umalis na tayo." Binitbit ko na si Venuss at saka ako dahan-dahan na pumasok sa loob ng liwanag ng puno ng atis. Muli na naman akong nalaglag sa malalim na ito na hindi ko alam kung saan na naman ako babagsak. Yakap-yakap ko si Venuss para hindi mabasag ang paso niya sakaling bumagsak kami sa isang delikadong lugar doon sa Madita. Sa pagkakataong 'to ay hindi ako bumagsak sa lupa o sa damuhan. Lumabas ako sa liwanag ng bilog na butas at bumungad sa akin ang isang malalaking gusali. "Nasaan tayo?" tanong ko kay Venuss. Ngayon lang ako nakakita ng ganitong kagandang gusali na nasa gitna ng isang kagubatan. Kung titignan mo ay para kang nasa isang fantasy movie. "Nandito tayo sa harap ng Madita Academy. Nandito na tayo sa mundo ng mga taong may mga kapangyarihan. Maliit lang ang mundong ito. Nahahati ito sa tatlong malalaking bayan: Ang Madita, Elenor at Ultricularia. Ang Madita ang pinakamalaking bayan dito na nangunguna sa tatlong bayan na kung saan ay mayroong mas maraming na malalakas na taong may kapangyarihan. Sumunod ang bayan ng Ultricularia na mortal na kaaway ng mga taga Madita. Nandoon kasi ang halos lahat ng masasamang tao na galing sa demonyo ang kapangyarihan. Marami silang tinago na sikreto. Bagay na kinakatakot ng mga taga Madita. Ang pinakahuli ay ang bayan ng Elenor na kung saan ay mga mahihinang nilalang lang ang nakatira." "Mukhang naalala mo na nga ang ilan sa mga nalalaman mo," sagot ko sa kanya. Agad kasi niyang nasabi sa akin ang mga dapat kong malaman tungkol sa mundong ito. "Oo, sa ngayon ay 'yan pa lang ang naalala ko. Pero kung tungkol naman sa mga pangalan ng mga tao na nandito ang tatanungin mo sa akin ay hindi ko na masasagot 'yan. Wala kasi akong maalala na kahit na isa sa kanila. Mukhang ito ang unang mission na kailangan natin gawin. Ang kilalanin ang mga taong namumuno sa mundong ito." Nakadinig ako ng isang karwahe na mukhang paparating. Tumabi ako sa damuhan na kung saan ay hindi ako masasagasaan nun. Hindi ako nagtago. Sinadya kong magpakita para mayroon akong makausap na taga rito. Huminto ang karwahe sa harap ko. Bumukas ang pinto nito at bumungad sa akin ang isang gwapong lalaki. "I-ikaw na naman?" malakas kong sabi kaya nataas ang kilay niya. "Tama nga ako. Isa ka ngang kagaya namin," saad niya habang nakatingin sa halaman ko na si Venuss. "Pero sa nakikita ko sa succulent plant na hawak mo ay mukhang mahinang nilalang ka lang. Siguro, ngayon pa lang ay umpisahan mo nang maglakbay. Sa bayan kasi ng Elenor nababagay ang mahinang nilalang na kagaya mo," dagdag pa niyang sabi kaya bigla akong nainis. Iba ang awra niya ngayon. Kalmado, seryoso at mayabang. Hindi gaya no'ng unang pagkikita namin na tumatawa pa siya at ngumingiti. "Teka, sino ka ba? Maari ko bang malaman ang pangalan mo?" tanong ko pa sa kanya. "Dahil nakabalik ka na ulit dito. Siguro dapat lang na makilala mo na ako. Ako si Amir Blake, anak ni King Ricardus at Queen Sedona." Nanlaki ang mata ko. "Ibig sabihin ay isa kang Prinsipe?" Hindi siya sumagot. Inirapan niya lang ako at saka niya sinarado ang pinto ng karwahe niya. Nagulat talaga ako ng malaman kong isa pala siyang Prinsipe. Ito ang unang beses na makakita ako ng Prinsipe. Nakakatulala pala. Sa movie ko lang nakikita ang ganitong eksena, kaya't hindi ko inaasahan na mangyayari din sa akin ito. Habang paalis siya ay tulala pa rin akong nakatingin sa karwahe niya. Ang cute lang isipin na nakausap ko ang isang prinsipe. Hindi lang isa, kundi dalawang beses pa. "Sana makita ko siya ulit." "Bakit? Crush mo na ba agad siya?" tanong bigla ni Venuss habang tinatawanan ako. "Hindi. Gusto ko siyang makita ulit, 'di dahil sa crush o gusto ko na siya, kundi para makahingi ako ng tulong sa kanya para mahanap ko na si Mama." "Oh, eh, bakit nagagalit ka?" panunura pa ni Venuss. Hindi ko inaasahan na kalog din pala siya. "Hindi ako galit. Nagpapaliwanag lang ako," sagot ko kaya natigil na siya. Nagseryoso na kasi ako kaya tila naamoy niyang inis na ako sa kanya. Ayon, natahimik ang gaga. Nag-umpisa na kaming maglakbay. Ayon kay Amir na Prinsipe ay isa lang akong mahinang nilalang kaya sa bayan ng Elenor ngayon ang punta namin. Kabisado naman ni Venuss ang daan patungo roon kaya wala na kaming problema.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD