TRES' POV: "ANAK, anong nangyari? Bakit balot kayo ng dugo?" tanong ni Nanay nang makita niya kami ni Jobert rito sa loob ng hospital at dahil malapit lang naman siya ay mukhang ipinagbigay alam agad dito ang nangyari kay Kuya Dos. "N-Nay, sinaksak ho si Kuya," sumbong ko kay Nanay dahil 'yon naman talaga ang nangyari. "Diyos ko!" Natutop ni Nanay ang sarili niyang bibig at nanghihinang napaupo sa upuan na nagkalat dito sa loob ng hospital kung saan hinihintay namin si Kuya Dos. "Paanong nangyaring nasaksak ang kapatid mo? Diyos ko, wala tayong pambayad sa hospital, Tres." Umupo ako sa tabi ni Nanay at hinawakan ang kaniyang kamay dahil nag-uumpisa na siyang umiyak. Sino ba naman kasi ang matutuwa kung malalaman mo na lang na nadisgrasya ang anak mo, wala di ba? "M-May nakaaway ho si

