Twelve

1247 Words

"HELLO, Ellah?" "O, Yosh! Kumusta? Nasa Baguio ka pa rin?" magaang balik ng pinsan. Base sa boses ay masaya ito. Si Macaria ang dapat tatawagan ni Diosa pero madaldal ang isang iyon. Malamang ay maikuwento kay Floro nang wala sa plano ang sekretong ise-share niya—mabuking pa siya ni Rohn! Si Lemuella ay 'poste' pagdating sa sekreto. Ang anumang naikuwento niya, kapag sinabing sekreto, babaunin nito sa hukay iyon. Wala talagang makakaalam. Si Lemuella din ang 'secretive' sa kanilang tatlo. Hindi na nga siya nagtaka na walang detalye ang kuwento ng pinsan tungkol kay Marrio Debil. Basta na lang naging asawa. Gusto daw nitong maging private ang 'love story' ng mga ito. Kabaligtaran ni Macaria na lahat ay ikinuwento sa kanya liban sa 'do moments' ng dalawa. "Ayos lang ako, 'Lah. Ikaw diyan?

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD