HINDI mapigilan ni Diosa ang paglunok nang magtama ang mga mata nila ni Rohn. Limang araw na nawala sa rest house ang lalaki pagkatapos ng nangyari sa kanila. Tulog pa ito ng lumipat siya ng kuwarto. Paggising niya, wala nang tao sa kuwarto nito. Hindi magawang umalis ni Diosa. Gusto niyang makausap muna si Rohn para siguraduhin kung seryoso nga ito sa mga napag-usapan nila. Binigyan pa niya ang sarili ng isang linggo sa rest house. Kapag hindi ito bumalik, aalis na siya at babalik sa Pugad Agila. Sa ikalimang araw, may kumakatok sa pinto pagkalabas niya ng banyo. Agad nagbago ang heartbeat ni Diosa. Walang ibang tao na makakapasok sa rest house at kakatukin siya kundi si Rohn. Magbibihis muna siya dapat pero mas lumakas ang mga katok. Binuksan na lang ni Diosa ang pinto kahit naka-tuwal

