CHAPTER 4 PANGAKO

2605 Words
JACKLYN Nag-aayos na ngayon si Lena ng gamit dahil isasama na siya agad nina Ate Selene at Kuya Adam. Nag-insist ang mag-asawa na Ate at Kuya na lang ang itawag sa kanila dahil parang kapatid na ang turing sa amin ni Atasha at parang anak na rin kami ng mga magulang niya. Hindi dumating si Sir Arkin dahil may inaasikaso daw ito sa Maynila. Sa dinig kong usapan ay nagpapatayo ito ng villa sa Tagaytay. Miyembro sila ng Young CEO's Club, sila rin mismo at ang mga kaibigan nila ang founder kaya naman tutok sila sa pagpapalakad ng Club bukod pa sa kani-kanilang mga negosyo. "Hoy Jacklyn bakit ka naman umiiyak diyan? Di naman ako mag-aabroad! Sa Maynila lang ako! Atsaka sa isang buwan pwede naman daw akong umuwi rito kahit mga tatlong araw bukod pa sa day-off ko..." pangongonsola ni Lena sa akin. "Eh bakit ka naman kasi pumayag agad? Ayaw mo na bang makita yung mangingisda?" humihikbi at sumisinghot-singhot pa ako. "Ewan ko sa kanya! Nakita ko siya kahapon sa baybayin may kasamang magandang babae. Kilala mo naman ako Jackie, hindi ako pumapatol sa may sabit na. Oo at gusto ko talaga siya, pero kapag ganyan na may nobya na pala ekis ako diyan. Doon na ko para makapag-isip. Medyo na-fall na rin kasi ako sa manlolokong 'yon..." napatingin ako sa kanya dahil nag-umpisa na siyang umiyak. Nakayuko ang pinsan ko at nakitang gumagalaw-galaw ang mga balikat nito. Nasasaktan nga malamang ito. Lumapit ako at niyakap siya, yumakap naman siya pabalik at malayang umiyak habang hinahagod ko ang likod niya. "Wag ka nang umiyak Lena. Marami ka pang makikilala sa Maynila. Oh 'di ba nga at type ka ni Sir Cole? Eh 'di hamak na mas mayaman yon kesa sa Valentin na yon!" "Pero mahal ko na siya..." nagbaba siya ng ulo at lalong umiyak. Namilog naman ang mga mata ko sa rebelasyon niya. "Hoy Salome! Anong alam mo sa pag-ibig? Kinse ka palang kung maka-iyak ka riyan akala mo eh niloko ka ng asawa mo!" "Kahit kinse pa lang ako Jackie, pero yung puso ko alam kong nagmamahal at nasasaktan na..." madrama niyang tugon habang pinapahid ang luha niya. "Ke rami-raming lalaki sa Maynila Lena makakahanap ka pa. Aba sa ganda mong yan maraming magkakandarapang lalaki sa'yo! Eh di ba mag-aaral ka rin tuwing Sabado at Linggo? Kita mo ang swerte mo kina Ate Selene dahil pag-aaralin ka. Ngumiti ka na Lena... mas iniisip mo pa ang lalaking yon kesa sakin na iiwan mo?" may himig pagtatampo na sabi ko sa kanya. "Naku selos naman itong pinsan ko. Siyempre mamimiss kita, ikaw lang naman ang kaibigan kong matalik bukod kay Baste at kina Roda," hinawakan niya ang dalawang kamay ko. "Mag-iingat ka dito Jackie ha? Mag-aral ka ng mabuti at wag kang magmadaling sagutin si Baste o si Connor naiintindihan mo?" pangangaral niya habang nakataas ang kilay niya. "Aba at nagsalita ang hindi umiiyak sa lalaki!" pambubuska ko na tinawanan niya lang. Niyakap akong muli ni Lena bago namin inilabas ang maleta niya, naghihintay na sina Nanay at sina Lola sa sala. "Lena magpapakabait ka kina Sir Adam ha? Alagaan mong mabuti ang kambal para wala silang masabi. Higit sa lahat mag-aaral ka ng mabuti. Kung buhay pa ang Nanay at Tatay mo panigurado magiging proud sila dahil lumaki kang matalino at mabait. Pilya nga lang..." tumawa si Nanay at niyakap si Lena na muli ay naiyak dahil binanggit ni Nanay ang mga magulang niya. Sunod na yumakap sa kanya ang Lolo at Lola. "Papakabait ka Lena ha, wag kang mang wawarshak doon sa Maynila. Nako kilala kitang bata ka mahilig kang sumali sa rambol!" "Lola naman parang haragan naman ako niyan eh," reklamo ni Lena na mas hinigpitan ang pagyakap kay Lola Carms. "Eh hindi nga ba at ganon naman talaga? Nako Yelena ikaw ay ingatan ang iyong sarili doon sa Maynila. Iba ang mga tao don kesa dito sa probinsya. Kapag inaway ka, awayin mo din!" natawa kami sa sinabi ng Lolo Arth. "Hoy Arthur! Kung anu-anong tinuturo mo sa apo ko!" sikmat ni Lola na sinagot lang ng ngisi ng Lolo namin. "Mamimiss ko po kayo Lo... La... Mag-iingat din po kayo dito. Wag po kayong mag-alala dahil mag-aaral din po ako ng maige para kahit na wala na sila Nanay eh maipagmalaki nila ko sa langit..." "Group hug!" sigaw ko at nagyakapan kaming muli. "Uy sali naman ako!" nagulat ako nang maramdamang may yumakap sakin mula sa likod na may matipunong dibdib. Nanlaki ang mata ko nang mabosesan ko ang talipandas na sumali sa group hug namin. Inipon ko ang lakas ko at itinulak ko siya patalikod. "Hoy Baste! Bakit mo ko niyakap?" "Hindi lang ikaw ang niyakap ko Jackie! 'Di ba nga group hug? Kaya lahat kayo niyakap ko." "Tse! Eh yung buong bigat mo sa'kin mo binigay!" "Ikaw naman anak masyadong mainit ang ulo mo, gusto lang naman makiyakap ni Baste dahil aalis na ang pinsan mo." "Eh kasi naman Nay..." "Ay nako, sige na Lena humayo ka na," di ko na narinig ang ibang sinasabi ni Nanay dahil matalim na titig na ang iginawad ko sa talipandas na Innocencio na to. Dinilaan niya lamang ako at nang-aasar pa! Aba't! Isip bata talaga ang isang 'to! Nasa labas na sina Nanay habang kami na lang ang naiwan ni Baste sa loob, palabas na sana ako nang hatakin niya ang kamay ko. Pumiksi ako pero hindi niya ako binitawan. "Uy Jackie sorry na... ikaw naman bakit ba ang init lagi ng ulo mo sa'kin? Lalo na mula nung dumating yung Connor na yan mas nagiging bugnutin ka kapag nakikita ako. Bakit Jackie, gusto mo na ba siya?" "Eh ano naman sa'yo kung nagugustuhan ko siya? Eh ikaw din naman type mo si Mercedes na mukhang dancer sa kabaret ang ayos! Atleast si Connor, guwapo, mayaman, mabango, mabait, at higit sa lahat... gusto niya ako," iningusan ko siya at inirapan. Nakita ko ang pagtatagis ng bagang niya at ang pagkuyom ng mga kamao niya. Di ko na siya pinansin at tumakbo na pasunod kina Nanay. Matagal na paalamanan at mga habilin nina Lolo at Lola ang nagpatagal sa pag-alis ni Lena. Kahit kasi pasaway ang pinsan kong ito ay mahal na mahal siya nina Lolo at Lola. Nang makalayo na ang sasakyan nina Kuya Adam ay bumalik na ako sa bahay namin para magbasa dahil mabilis lang ang bakasyon at pasukan nanaman. Gusto kong mag-advance study para naman hakot award nanaman kami ni Nanay sa stage katulad noong grumaduate ako ng elementary at nitong nakaraang awarding. Ikatlong taon ko na sa hayskul sa pasukan at panigurado ang mga kaklase ko nung nakaraan ay sila pa rin ang kasama ko ngayon. Hindi kami magkasama ni Baste dahil sa St. Baltimore Integrated siya nag-aaral. Isang prestihiyosong paaralan dito sa Nueva Ecija. Iskolar siya nina Mam Bea sa kanilang foundation. Magkokolehiyo na siya sa pasukan at ang sabi niya ay kukuha siya ng medisina dahil pangarap niyang maging tanyag na 'Poging Doktor'. Napakalakas talaga ng fighting spirit ng isang 'yon. Napapailing at napapangiti ako nang may humarang sa daraanan ko. Sinalubong ako ng lalaking may asul na mata at kulay mais na buhok habang mukhang kinakabahan. Para naman akong nahihipnotismo ng kanyang mga mata. Kumbaga parang Bermuda Triangle ang mga mata niyang kayang higupin ako. Napakamot naman siya sa batok nang makitang nakanganga ako habang sapo ang dibdib ko. "Close your mouth Amber or else..." lumapat ang hintuturo niya sa mga labi ko at shet na matinde! Parang milyon-milyong boltahe ang hatid nito sa katawan ko. Bakit may ganoon akong reaksyon sa kanya? Napalunok ako bago sumagot. "Eh bakit ka kasi nanggugulat S-sir C-connor?" utal kong sagot. "Drop the Sir please Amber, just call me Con like the old times..." turan niya sabay ngiti ng simpatiko. "Eto pa rin naman ako Amber eh, ako pa rin yung musmos na nag-propose sa'yo noon at binigyan ka ng sandamakmak na iba't ibang kulay ng Santan" nakangiti pa din siya na parang nangangarap. Napangiti naman ako nang maalala ko ang sinabi niyang 'proposal' kuno noong mga bata pa kami sa hardin ng mansyon. Tumikhim siya at ngumiti nang makitang nangingiti akong mag-isa. "You remembered do you?" tanong niya na nananantya. "Ha?" eto nanaman ako na palaging lutang. "You remembered my proposal? Oh gosh Amber! Akala ko nakalimutan mo na!" bigla niya akong niyakap na biglang ikinatigas ng pagkakatayo ko. Hinawakan niya ang kamay ko at inakay paalis. "Come! I'll show you something," hinatak niya ako papunta sa kakahuyan sa labas ng mansyon pero sakop pa din ng pamilya Adler. Hindi kami maliligaw dahil taniman din ito at daanan ng mga trabahador. Bago makalabas ng tarangkahan ay may nag-udyok sakin na tumingin sa ikalawang palapag, at doon ay nakita ko si Baste na madilim ang mukha. 'Ano nanamang problema ng lalaking 'yon?' Di ko na siya pinansin at nagpahatak na kay Connor. Paglingon ko ay wala na siya sa kinatatayuan niya kanina, 'baka naman guni guni ko lang yun?' bulong ng isip ko. Madaldal si Connor kaya naman habang naglalakad kami ay halos naikwento na niya ang tatlong taon ng buhay niya sa Canada. Ako naman ay natutuwa dahil mukha siyang masaya sa ginagawa niya. Malayo ang nilakad namin pero pagdating namin ay bigla akong napasinghap, "WOAH ANG GANDA! Huy Con! Ang ganda naman dito! Paano mo nalaman to?" "I'm glad you liked it," kumindat siya at hinapit ang bewang ko palapit sa kanya. Nagulat ako pero hindi na ako lumayo dahil nag-eenjoy talaga ako sa tanawin. Isa itong talon na hindi kataasan at may butas sa gitna. "You see that hole? The sun stays in the middle of that hole for a few minutes," turo niya sa gitna na dinadaluyan ng tubig ng talon. "Huh? Totoo ka ba? Paano naman?" naks! Oh di ba naintindihan ko siya! Hoy magaling din naman ako sa english no! "Yes Amber, hindi mo na siguro naalala pero sinama ka na namin dito dati ni Ate Atasha, kayo ni Lena. You were so happy when you saw the sun in the middle of that hole. Sabi mo pa nga, parang sinadyang lagyan ng butas para makita ang ganda ng araw..." natawa siya, siguro naalala ang kainosentihan ko noon. "I love coming here too, because the sun's rays are like you, Amber..." Napalingon ako sa kanya at titig na titig siya sa'kin. Ay kabog! Bakit ba ang sweet ng isang ito? "You don't know how excited I'am to come here kahit tuloy pa rin ang klase ko sa Canada. I wanted to see you, and coming here in expense of Tita Bea's invitation is really a blessing. I haven't seen you for three years Amber..." lumapit siya at lumapat ng marahan ang kamay niya sa mukha ko. Parang iginuguhit niya sa mukha ko ang mukha ko rin mismo dahil sa marahan niyang paghaplos. Hindi ko naman mapigilang mapapikit dahil sa kakaibang kiliti na hatid ng haplos niya. "You've grown beautifully Amber... I can't wait to see you bloom like a swan when you come of age. I will still be there waiting for you Amber. Whatever happens..." Naramdaman ko na lang na hinalikan niya ang noo ko at niyakap ako ng mahigpit. "Huy hala Con bakit naman may pagyakap? Baka may makakita sa'tin ano pang sabihin. Napakabata ko pa para-" "I don't care whatever they say, what matters is my feelings for you is true and genuine. Remember this my sunray, I'm so inlove with you... and that will never fade," lumayo siya ng kaunti para titigan ako sa mata at tinapik ang tungki ng ilong ko sabay kabig muli sa'kin. Inilayo niya ako ng kaunti sa kanya at naglabas ng tarhetang kulay pula, OMG! Alam ko 'to! Alam na alam ko 'to! Ito yung nilalabas kapag magpo-propose ng kasal yung lalaki sa babae! Wow! Huy teka bata pa ko masyado para sa kas- "Hey Amber it's not what you think okay?" binuksan niya ang tarheta at napanganga ako nang makitang kwintas pala ang laman. Akala ko mag-aaya na agad ng kasal ito. Napanganga ako sa kwintas, ang pendant nito ay pangalan ko, 'Amber' at may mga kulay gintong mumunting bato na bumubuo sa letra. "Woah! Con-" "I know sandali lang ako dito at babalik din ako ng Canada dahil nandun ang mga magulang ko at ang pag-aaral ko. But this necklace is my promise, I promise that I'll wait for you... And I promise that you'll be my one and only sunray. Jacklyn Amberlee Reyes, will you be my girlfriend when you reach 18?" Napanganga ako at halos maiyak sa pinagsasabi ng lalaking ito. Hindi niya hinintay ang sagot ko dahil shock pa rin ako sa mga ipinagtapat niya. Nang maikabit niya ang kwintas ay humarap siya sakin at tinitigan iyon. "Perfect! It looks perfect on you. It's perfect, like you..." Kikiligin na sana ako nang may biglang tumikhim sa likod namin. Napatalon ako sa gulat pero si Connor ay naka-taas lang ang kilay. "Well well well... Look who's here? Sevazte Innocencio! How are you brotha?" lumapit si Connor pero 'di siya pinansin ni Baste at nakatingin lang sa'kin. Yayakap sana si Connor sa kanya pero nilagpasan niya at lumapit sakin. Nakita ko naman ang pagtataka sa mukha ni Connor pero maya maya ay ngumisi din ito. Kita mo itong talipandas na 'to kung gaano kabastos! "Kailan pa kita naging kapatid Leblanc?" masungit na anas nito at muling bumaling sakin na nanlalaki ang butas ng ilong at kahit anong oras ay bubuga ng apoy. "Hoy Diyaki hinahanap ka na ng Nanay mo. Kanina pa yon hilong hilo at nag-aalala sayo akala niya lumayas ka dahil wala na si Lena. Yun pala nandito ka at nakikipagmabutihan sa bisita!" "Hey! What's with the cold shoulder man! Last time I checked we're friends. Come on Inno I missed you bakit ka naman nagsusungit?" "Tigilan mo itong si Jackie naiintindihan mo?" nanlaki ang mata ko sa pinagsasabi ni Baste. "Hoy Baste ano ba!" "Masyado pa siyang bata para sa'yo Connor. At kilala kita, baka pagbalik mo ng Canada may girlfriend kang naghihintay sa'yo dun. Aasa lang 'tong bestfriend ko tapos paiiyakin mo lang! No offense Connor, gusto kong maging masaya si Jackie pero maghintay ka pa!" Hinatak na ako ni Baste paalis sa talon at naiwang natigagal si Connor sa tuktok ng mga bato. "Hoy Baste ano ba! Bitawan mo nga ako! Ano bang problema mo at kung ano anong pinagsasabi mo kay Connor?!" "Ano Jacklyn binigyan ka lang ng kwintas papayag ka na agad na maging girlfriend ng bangus na yon? Hoy Jackie tandaan mo nangako ka sakin noon!" nag alsa boses na din ito at itinuro pa ang sarili. Sa sinabi niya ay napatingala ako sa kanya at siya ring pagkatigagal niya. 'So all this time naalala niya? Eh bakit niya ko palaging binubully?' Humanda ka sa'kin Innocencio! "Ha? Ano yon? Hindi ba ikaw ang unang lumimot non? Palagi kang nasa bayan para makipagharutan sa Mercedes na iyon na mukhang dancer! At wala kang pakialam kung sinong gusto kong maging boyfriend, bakit sino ka ba?" winaksi ko ang kamay niya at nauna nang lumakad. Iniwan ko siyang tulala at dumiretso na ako sa bahay namin. Maya maya ay pumasok si Lola at nakita akong nakayukyok sa sala. "Oh apo? Bakit ka umiiyak diyan? Alam ko namang mamimiss mo ang pinsan mo, pero wag kang mag-alala dahil nasa mabuting kamay naman siya..." Tumango na lang ako kahit hindi naman talaga iyon ang ipinagmamarakulyo ko. Alam ko namang bata pa ako at marami pa akong pagdadaanan sa buhay at makikilala. Pero bakit ang batang puso ko pinanghahawakan ang pangako ng isa ring musmos?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD