"Connor! Cole! Oh wow last year lang tayo huling nagkita pero ang tatangkad niyo na agad!" naagaw ng bati ni Mam Bea ang atensyon ni Connor at yumakap sa tiyahin.
Napababa naman ako ng tingin pero hindi nakaligtas ang mapang-asar na ngiti nina Atasha at Lena sa akin.
Wala bang ibang gagawin ang mga tao ngayong araw kung hindi asarin at biruin ako?
Umabrisiyete si Atasha sa amin ni Lena at hinatak kami palapit kina Mam Bea at sa mga pinsan niya.
"Look boys! Mga dalaga na rin sina Jacklyn at Yelena! Aren't they pretty?" pag-bida sa amin ni Atasha sa mga pinsan niya.
"Wow! Yelena ikaw na ba 'yan? Geez I can't believe this! You grew beautifully... so beautiful..." inangat ni Cole ang kamay ni Lena at hinalikan ang likod niyon.
Napasinghap naman ang nagugulumihanan kong pinsan at napangisi ako sa pagpipigil na matawa.
Bata pa lamang kami ay palagi nang hinahabol ni Cole si Lena na mabilis naiiwasan ng huli dahil 'di niya umano ito gusto.
Magkaka-edad kaming tatlo habang si Connor ay tatlong taon ang tanda sa amin.
Pareho silang blonde ang buhok at blue ang mga mata. Nakuha nila sa kanilang Canadian na ama.
CONNOR LEBLANC. Pangalan pa lang tunog guwapo na.
Naninibago lang ako sa kanya dahil dati-rati kapag umuuwi sila dito palagi siyang lumalapit sa akin, pero ngayon ay nakatitig na lamang siya.
Pero shet na malagkit! Yung mga titig niya nakakatunaw.
Buhat namin ni Lena ang kambal na sina Khloe at Klaire na parehong masayahin at hindi umiiyak.
Kakatapos pa lang namin silang painumin ng gatas na tinimpla pa mismo ni Sir Adam.
Naramdaman kong parang mabubutas na ang likod ng ulo ko sa init ng mga titig na iginagawad sa'kin mula sa komedor. Hindi ko nga magawang lumingon dahil nahihiya ako, baka isipin pa niya damang-dama ko ang pagtitig niya.
Para akong tuod lang na nakaharap kay Klaire at nilalaro ang mga kamay nito.
"Cous stop staring! Baka matunaw na siya niyan!" binuntutan ng tawa ni Atasha ang sinabi niya. Mukhang alam ko kung sinong inaasar niya.
"Sino ba sa mga dilag namin ang tinititigan mo Connor? Nako, kahit mga pamangkin ko kayo hindi ko ihahabilin sina Jackie at Lena sa inyo. Aba't sabi ng Mommy niyo kaliwa't kanan ang mga babae niyo sa Canada!" sita ni Mam Bea sa pamangkin.
"Tita it's just Cole. Hindi ako babaero, I promised someone that I'll wait for her, so I'll wait 'til we're both ready and in the right age," diretsong sagot ni Connor na ikinatayo ng balahibo ko.
He remembered!
He did!
Eh bakit si Baste nakalimot? Partida araw araw kaming nagkikita, pero itong si Connor na minsanan lang umuwi ng Pilipinas hindi nakalimutan yung pangako niyang maghihintay.
'Eh bakit parang kinikilig ka Jacklyn?'
Sino ba namang hindi kikiligin kung isang Connor Leblanc ang maghihintay hanggang sa mag-dalaga ka?
"Baste asan ka na ba? Galaw galaw na... Maaagaw pa ng iba..." pakantang sabi ni Lena na kahit kay Khloe nakatingin ay alam kong inaasar ako.
Tinignan ko lang siya ng masama.
"That's my boy! Give me a high five Connor!" natutuwang wika ni Sir Adam.
Di nagtagal ay naramdaman namin ang paglapit ng kung sino, "Hi! Sana naalala niyo pa ako, I'm Selene..."
"Hello po Mam Selene. Opo naalala po namin kayo, sino po ba ang makakalimot sa-" hinawakan ko sa braso si Lena dahil babanggitin nanaman niya ang pangingidnap noon ni Sir Adam kay Mam Selene!
"W-welcome back po Mam Selene! Ang gaganda po ng kambal niyo," nakangiting wika ko, napatingin naman ako sa 2nd floor at may nakita akong mabilis na nagtago sa mga hilera ng mga kwarto.
May multo ba sa mansyon? Lahat kami nandito na sa ibaba. Wala pa rin ang mag-anak na Innocencio kaya sino 'yun?
Kinilabutan naman ako.
"'Di ba kayo nahihirapan sa kambal?" nakangiting tanong ni Mam Selene.
"H-hindi naman po Mam nakakatuwa nga po silang alagaan," nakangiti si Lena habang inaayos ang buhok ni Khloe.
"Nako mabuti naman, ang totoo niyan... kaya din kami umuwi dito ni Adam kasi... may hihilingin sana ako," nakangiwi siya ngayon habang nagkakamot ng kilay.
Maganda talaga siya kahit saang anggulo tignan, kung hindi ko lang alam na negosyante siya ay iisipin kong isa siyang artista.
"Ano po yun Mam?" tanong ko.
"Nako wag na Mam lakas makatanda! Ate Selene na lang ang itawag niyo sa'kin..."
"O-okay po A-ate Selene ano po ba ang hihilingin niyo?" muli kong tanong habang naka-ngiti ng alanganin.
"Kailangan kasi namin ni Adam ng mag-aalaga sa kambal. Medyo busy kami ngayon sa kumpanya kasi siyempre di ba kakapasa lang kay Adam ng trabaho, tapos may YCClub pa siya kaya hectic ang schedule niya. Pwede ba akong mag-request ng isa sa inyo bilang tagapag-alaga ng mga anak ko?" alanganing tanong ni Ate Selene.
"Po?" sabay naming sagot ni Lena.
Nakita ko ang ningning sa mga mata ng pinsan ko. Ako naman ay lungkot ang bumalatay sa mukha. Kung aalis kasi ang isa sa amin, maiiwan ang Lolo at Lola lalo na mawawala pa si Nanay.
"Ate Selene-" kakaumpisa ko pa lang pero sumingit na agad si Lena.
"Ako po Ate Selene! Willing po ako!" gilalas na napalingon ako kay Lena.
Anong sumapi sa pinsan ko at nagpasyang pumunta ng siyudad. Paano na yung lalaking kinahuhumalingan niya dito?
"Talaga? Nako salamat Yelena!" napa-palakpak pang turan ni Ms. Selene na parang nabunutan siy ng tinik.
"Lena na lang po Ate..."
"Ay pero mas bagay sa'yo yung Yelena, sa ganda mong yan?"
"Simplicity is beauty po diba Ate Selene, gusto ko lang maging simple, mayumi," kiming sagot ni Yelena na inipit pa ang buhok sa tainga.
Inihit ako ng ubo at humalakhak habang hawak ang tiyan ko. Si Yelena Salome Reyes mayumi? Kailan pa naging pula ang langit?
Tinignan ako ng matalim ni Lena pero hindi pa din ako natigil sa pagtawa.
Maluha-luha na ako kakatawa habang sumasabay sa pagtawa ko ang kambal na lalo kong ikinatawa dahil parang tinatawanan din nila si Lena.
Natigil lang ako nang maramdaman ko ang presensya sa likod ko. Paglingon ko ay halos isang dangkal na lang ang layo ng mga mukha namin ni Connor.
Naamoy ko na nga ang mabangong hininga niya kaya napatikom agad ako ng bibig.
"Why did you stop Amber? I love hearing you laugh. It's music to my ears..." anas ni Connor na medyo may paos effect pa, may ubo ba ito? Teka at igagawa ko siya ng aking famous Calamansi Juice. Siya lamang ang tumatawag sakin ng Amber. Ewan ko rin ba bakit kasi Jacklyn pinangalan sa'kin ni Nanay eh mas bet ko yung Amberlee.
"C-connor inuubo ka ba? Kasi parang paos kang magsalita. Titimplahan sana kita ng calamansi juice," sa sinabi ko ay bigla naman siyang napatikhim at dumiretso ng upo habang ako naman ay naglagay ng kaunting distansya sa amin.
"Baste nasaan ka na... Bakit naman wala ka pa..." Muli ay pagkanta ni Lena kahit wala sa tono ang ginagawa niyang kanta habang sinasayaw sayaw si Khloe na tuloy lang sa pagtawa.
Humagikgik din si Ate Selene at bumalik sa komedor, "Young love! Adam! Pasanin mo ako mamaya paakyat ng hagdan! Naiinggit ako sa mga batang iyon ang si-sweet!"
"Sinong sweet Sese? Yung mga shini-ship ko na ba yan?" narinig ko ang pag tunog ng upuan sabay tunog ng tsinelas na tumatakbo. Lumabas agad ang mukha ni Atasha na nagniningning.
May saltik ba ang bunso ng mga Adler at ganon na lang kung tumingin at ngumiti?
"Nasaan ang sweet? Patingin nga ng sweet?" naghagikgikan sila ni Lena. Aba nakaganti ang pinsan ko sakin. Pero naramdaman ko ang pagpalibot ng braso sa balikat ko mula sa sofa.
Hindi ko na kailangang silipin kung sino dahil iisa lang naman ang katabi ko. Kahit naiilang ako ay hindi ko naman mapalis ang kamay ni Connor.
Walang anu-ano ay nakarinig kami ng nalaglag mula sa itaas. Kinilabutan ako bigla. Sinasabi ko na nga ba may multo sa mansyon!
Hindi ko sinasadyang mapakapit kay Connor habang hawak si Klaire.
"Wow ang sweet! Parang happy family kayo riyan insan ah!" pambubuska ni Lena. Pinanlakihan ko lang siya ng mata, at yun nanaman may nalaglag nanaman sa itaas.
Nagkatinginan kami ni Lena. Alam namin pareho na walang tao sa taas kaya kinakabahan kami. Tumingin ako sa ikalawang palapag pero binawi ko din agad, aba takot ako sa multo, tiyanak, manananggal at iba pang masasamang espiritu!
Napahigpit ang kapit ko kay Connor nang lumabas mula sa komedor sila Sir Gael at Mam Bea.
"What's that noise? May tao ba sa itaas?" ani ni Mam Beatrix.
"W-wala po, wala pa po ang... mag-anak na Innocencio kaya... wala pong tao sa itaas," putol-putol kong sabi dahil sa kaba.
Umakyat si Sir Gael sa itaas para sipatin yon. "I'll come with you Dad," suhestiyon ni Sir Adam.
"No need anak, a-ako na lang ang aakyat," alanganing wika ni Sir Gael. Nakaka kaba ang itsura niya ngayon.
"Are you sure Dad?" paniniguro ni Sir Adam.
"Of course, sa tagal naming tumira dito ng Mommy niyo kabisado ko na itong bahay na 'to."
Umakyat si Sir Gael sa hilera ng mga kwarto. Naririnig namin ang pagbubukas-sara ng mga pinto.
Ilang minuto lang ay nagpakita muli si Sir Gael na nakangiti at may buhat na pusa. Naku po si Jughead!
"Now who's cat is this?" tanong niya habang hinahaplos ang balahibo ni Jughead.
Kimi akong nagtaas ng kamay nang makita ang Siamese cat kong si Jughead.
"A-akin po..." nahihiya kong tugon.
Bumaba si Sir Gael bitbit si Jug na parang tuwang-tuwa sa pagkakabuhat sa kanya.
Sinasabi ko na nga ba binabae ang pusa kong ito, dahil maski kay Baste ay mabait ito.
Kinuha ko na siya mula kay Sir Gael, nagtataka talaga ako kung paano siyang nakarating doon, eh alam ko nasa loob lang siya ng bahay namin.
Nagkatinginan kami ni Lena, iniisip niya din paano nakalabas si Jughead nang hindi binubuksan ang pinto.
"Buti at nakita ko agad siya sa gitnang kwarto na tahimik na nakahiga..."
"Ang ganda naman ng Siamese mo Jackie! Anong pangalan niya?" tanong ni Atasha.
"J-jughead..."
"Wow! Fan ka siguro ng Archie Comics?" amused na amused na turan ni Atasha.
"Sa totoo niyan kumpleto ako ng series niyan. Yung mga huli na lang ang hindi ko mabili kasi wala na sa mga bookstores," napakamot ako sa ulo ko dahil sa hiya.
Nagulat naman ako nang may biglang umakbay sa akin, "Want me to buy it for you? I can find a way..."
Mabilis akong umiling, "H-ha? N-nako Sir C-connor n-nakakahiya naman. W-wag na po..."
"Anything for you my Amber..." bulong niya sa tenga ko na nagpakabog nanaman ng dibdib ko.
Naramdaman ko ang pag-iinit ng mga pisngi ko, naramdaman ko din ang paghawak ni Klaire sa pisngi ko sabay ngiti niya.
Panay dunggol naman ni Lena sa braso ko. Si Atasha ay nakangiti ng nakakaloko, ang kapatid naman ni Connor na si Cole ay nakangisi habang nakatingin samin.
Parang may dumaang anghel dahil natahimik kaming lahat.
Nang biglang sumara ng malakas ang pintuan sa isang kuwarto sa itaas na ikinatalon namin, muli ay napatingala kami.
Tumikhim si Sir Gael, "Don't mind it. Baka nakalimutan ko lang isara ang pinto sa taas at hinangin lang," nakangiwi niyang ngiti sabay akbay sa asawa niyang nakangiwi din.
Hindi kaya, may lihim ang mansiyon na hindi namin alam? Meron kayang multo na hindi matahimik ang kaluluwa dito? O baka naman engkanto na gustong kunin ang katawan namin? Kapre na gustong asawahin ang isa sa'min?
Parang gusto ko nang lumabas ng mansiyon ngayon din!
***
SEVAZTE
Ang babaeng 'yon! Nalingat lang ako sandali eh nagpapaligaw na agad sa mukhang bangus na 'yon!
At yung bangus naman na 'yon, kahit kailan talaga panira ng diskarte!
Mula noon hanggang ngayon, palaging sumisingit sa'min ni Jackie.
Nang makita kong inakbayan niya si Jackie ay ibinato ko ang plastic na kainan ni Jughead.
Nang inasar sila ni Lena na parang happy family sila ay ibinato ko naman ang nakita kong hanger sa kwartong pinagtataguan ko. Aba at parang mas lalo pang dumikit si Jackie sa Connor na yon.
Nang umakyat si Tito Gael ay nagulat siya nang makita ako na nakasandal sa isa sa mga kwarto.
"Hijo, anong ginagawa mo riyan?"
"Tito pasensya na, gusto ko lang makita si..."
"I know Hijo. Pero ano ang sasabihin ko bakit may mga nalalaglag dito sa itaas?"
Inabot ko si Jughead na inilabas ko dahil naririnig ko siyang umiiyak kanina sa bahay nina Aling Jemma.
Pinabayaan ni Jackie ang anak namin dahil lang dumating ang Connor na 'yon!
Nang sumilip akong muli ay nakita ko ang gusto kong makita na nakangiti, napakaganda niya...
Kamukhang-kamukha siya ni Mamay na medyo hawig din ni Papay...
Hindi ko namalayan ang paglandas ng luha sa mga mata ko.
Konting tiis na lang magkakasama-sama rin tayo...
Nangako ako kina Mamay at Papay at tutuparin ko 'yon.
Pero teka... ano nanaman ibinibida ni Connor kay Jackie? Nagpi-prisinta pa na maghanap ng kulang sa koleksyon ni Jackie? Kaya ko rin maghanap no'n!
Sa inis ay ibinagsak ko muli ang pinto. Naiinis ako kay Connor sa pagiging pabida, kay Jackie na parang kinikilig.
At sa sarili ko na naduduwag at nato-torpe pero ngayon ay selos na selos sa nakikitang pagkakamabutihan ng dalawang iyon...