CHAPTER 32 3rd Pov. Tahimik ang gabi sa lungsod, ngunit sa loob ng mansyon ng mga Villanueva, ang katahimikan ay tila bangkay na nakahimlay sa gitna ng luha, takot, at kasalanan. Ilang araw na ang lumipas mula nang matagpuan ang walang buhay na katawan ni Don Santiago, ngunit ang alaala ng putok ng baril ay parang hindi pa rin nawawala sa mga tainga ni Cassandra. Paulit-ulit niyang naririnig sa kanyang isip ang malalim na boses ni Jude, ang galit na tinig ni Don Santiago, at ang tunog ng metal na pumutok sa katahimikan ng gabi. Mula nang gabing iyon, si Jude Villanueva ay tuluyang naglaho. Walang nakakaalam kung saan siya nagtungo. Ang mga pulis ay araw-araw na dumaraan sa mansyon, nag-iimbestiga, nagtatanong, at nagsusuri ng mga CCTV footage, ngunit tila ba nilamon ng lupa ang lal

