CHAPTER 33 (Luna’s POV) Matapos ang gabing iyon na puno ng luha at galit, tila ba ang mundo ko ay nagbago. Hindi lang ang takot kay Jude, kundi pati ang bigat ng lihim na matagal nang itinago ang pamilyang Villanueva. Naglakad kami ni Raven sa maliit na dalampasigan pauwi sa tagong bahay na aming tinutuluyan. Tahimik siya, hawak ang kamay ko nang mahigpit, na parang ayaw akong pakawalan. “Luna…” mahina niyang bulong, “Hindi lang ito tungkol sa galit natin sa mga magulang ko o sa nagawa ni Jude. Ito na ang simula ng paghahanap natin sa lahat ng kasinungalingan lahat ng lihim ng pamilya ko.” Tumango lang ako, hindi makapagsalita. Alam kong tama siya. Hindi lang ito tungkol sa galit o sa pagkawala ni Raven ito ay tungkol sa katotohanan. Kinabukasan, nagtipon kami ni Cassandra sa

