Chapter 34 Luna’s Pov. Lumapit si Cassandra, dala ang isa pang piraso ng liham ni Teresa. “Basahin mo ito, Raven,” sabi niya, mahina ngunit puno ng habag. Binasa ni Raven ang liham ng ina niya. Ang tinta ay halos kupas na, ngunit malinaw pa rin ang mga salita: “Kung sakaling mabasa mo ito, anak… huwag mo akong hanapin sa dilim. Hindi ko ginusto ang mga sugat na ito. Ang ama mo hindi na siya ang lalaking minahal ko. Bago ka pa man ipinanganak, unti-unti na siyang binabago ng kapangyarihan at kasakiman. Pero tandaan mo, anak, hindi mo kailangang maging katulad niya. Huwag mong hayaang kainin ka ng galit.” Pagkatapos basahin iyon, bumagsak si Raven sa tuhod. Isang malakas na sigaw ang kumawala sa kanya sigaw na parang pinagsamang sakit, galit, at pagsisisi. Parang binasag ng b

