Chapter 14

2015 Words
Chapter 14 Raven’sPov Tahimik ang umaga sa Costa Fuego. Ang hangin ay banayad, at sa bawat hampas ng alon, parang naririnig ko ang t***k ng puso kong hindi mapakali. Nakatayo ako sa terrace, nakatanaw sa dalampasigan. Sa baba, si Luna nakatali ang buhok, suot ang simpleng puting bestida, at abala sa pagtanggal ng mga tuyong dahon sa paligid ng kubo na dati’y pinagtataguan lang niya. Hindi ko alam kung paano nangyari, pero ngayon, siya na ang kasama ko sa bawat araw. Mula nang mapapayag ko siyang tumira sa loob ng mansion, parang biglang nagkaroon ng kulay ang bawat sulok ng bahay na dati’y punô ng alaala ng nakaraan. Minsan nga naiisip ko ang dating tahimik na bahay, na tanging alon lang ang maririnig, ay napalitan ng halakhak at mga birong paulit-ulit kong gustong marinig. “Raven, hindi ako marunong magluto ng ganito,” sabi ni Luna habang hawak ang kawali, nangingiti. “Hindi mo kailangan maging magaling. Basta kasama kita, ayos na,” biro ko, sabay abot ng sandok. “Bolero,” sagot niya, pero hindi maitago ang ngiti. Napailing ako. “Bakit, bawal bang maging totoo?” Tiningnan niya ako nang matagal, pero umiwas din agad ng tingin. Kilala ko na siya kapag hindi siya sumasagot, ibig sabihin ay kinakabahan siya. Kaya hindi ko na siya pinilit. Lumipas ang mga araw. Naging normal na ang bawat umaga namin: sabay kaming nag-aalmusal, sabay naming pinapanood ang paglubog ng araw sa terrace, sabay ding tahimik kapag pareho kaming nag-iisip. Ngunit sa kabila ng katahimikang iyon, ramdam kong may tinatago pa rin si Luna mga sugat na hindi kayang pagalingin ng mga yakap o halakhak. Minsan, nakikita ko siyang tulala, nakatingin sa malayo habang nakahawak sa dibdib, para bang may bumabagabag sa kanya. “Luna?” tawag ko minsan. Ngumiti siya, pilit. “Wala, iniisip ko lang… hanggang kailan kaya ako magiging masaya?” Hindi ko alam ang isasagot ko. Kaya hinawakan ko na lang ang kamay niya at sinabing, “Habang kasama mo ako, hindi matatapos ‘yan.” Ngumiti siya, pero may lungkot sa likod ng mga mata. At doon ko napagtanto kahit anong pilit kong protektahan siya, may mga bagay talagang hindi ko kayang ayusin. Habang tahimik kaming namumuhay sa mansion, sa kabilang banda, may isang taong muling nagbabalik sa larong matagal ko nang iniwasan si Cassandra. Tumunog ang cellphone niya. “Hello, Cassandra,” boses ng lalaki. “Magandang araw po, Tito Jude,” sagot niya, magalang ngunit may bahid ng pagkukunwari. “Concern lang po ako kay Raven… matagal na po kasi siyang walang komunikasyon sa inyo.” “Nasaan siya ngayon?” tanong ng matanda. “Sa Costa Fuego po,” sagot niya, sabay pikit ng mata at ngiti ng mapait. “Kasama niya… ang isang babae.” Tahimik sa linya. “Babae?” tanong ulit ng matanda, may halong gulat. “Opo,” mahinahon niyang sabi. “Hindi ko po alam kung sino, pero madalas ko pong marinig na tinatawag niya itong ‘Luna.’” Hindi na siya nagsalita pa. Alam niyang sapat na iyon para magtanim ng duda si Papa sa akin. Pagkababa ng tawag, napangiti si Cassandra. “Unti-unti, Raven. Ipapakita ko sa ‘yo kung anong pakiramdam ng mawalan.” Ilang araw pagkatapos, nakatanggap ako ng tawag mula kay Papa. “Raven, bakit hindi ka tumatawag? Nasaan ka?” “Pasensya na, Pa. Kailangan ko lang ng pahinga.” “Pahinga? Sa Costa Fuego? At sino ‘yang babae raw na kasama mo?” Parang binuhusan ako ng malamig na tubig. “Babae?” tanong ko, kunwari’y naguguluhan. “Sinabi ni Cassandra. Hindi ko alam kung ano ang totoo, Raven, pero kung may babae ka dyan, dapat mong isipin ang reputasyon mo.” Hindi ko na alam kung paano ipapaliwanag. Alam kong wala akong dapat ikahiya pero hindi ko rin puwedeng sabihin agad kay Papa ang tungkol kay Luna. Hindi pa. Hindi pa siya handang malaman ang lahat. Sa mga sumunod na araw, ramdam ko ang kakaibang presensiya. Parang may mga matang nakamasid. May mga oras na kapag lumalabas kami ni Luna sa dalampasigan, may nakaparadang kotse sa malayo. Minsan, pagbalik namin sa mansion, may mga bulaklak na iniiwan sa gate paboritong bulaklak ni Cassandra. “May bisita ka?” tanong ni Luna minsan.” “Wala,” sagot ko, pero ramdam kong nag-aalala siya. Alam kong si Cassandra iyon. Kilala ko kung paano siya gumalaw tahimik, pero mapanlinlang. Kung hindi siya makukuha sa pagmamakaawa, gamit ang kasinungalingan. Isang araw, habang nag-aayos si Luna ng mga bulaklak sa hardin, may dumating na sulat sa gate. Walang pangalan, pero nakasulat sa labas: “Para kay Luna.” Inabot ko iyon sa kanya. “May sulat ka.” Nakita kong napakunot ang noo niya. “Para sa akin?” Pagbukas niya, bumungad ang ilang larawan. Mga larawan naming dalawa ako at siya, magkasama sa loob ng bahay, may isang kuhang yakap ko siya mula sa likod habang nagluluto. Ngunit may idinagdag na larawan na halatang naka edit isang kuha ni Cassandra na umiiyak, at sa ilalim nito’y may nakasulat: “Habang nilalaro mo ang puso niya, may pusong sinasaktan ka.” Nanlamig si Luna. “Raven, saan galing ‘to?” tanong niya, nanginginig ang boses. Hindi ako makasagot. Alam kong gawa iyon ni Cassandra. Agad kong niyakap si Luna. “Huwag mong paniwalaan ‘yan. Gusto lang nila tayong paghiwalayin.” Ngunit sa mga mata niya, nakita ko ang takot. Hindi dahil sa larawan kundi sa posibilidad na tama ang mga nakasulat. Lumipas ang mga araw, pero ramdam kong nag-iba si Luna. Madalas siyang tahimik, madalas ding umiwas. Minsan, naririnig ko siyang umiiyak sa kwarto. Hindi ko alam kung paano ko siya mapapanatag. “Luna, makinig ka sa akin. Hindi ko na mahal si Cassandra. Hindi ko siya pinapansin mula noong dumating ka.” “Pero paano kung bumalik siya?” sagot niya, umiiyak. “Paano kung siya pa rin ang pipiliin mo sa dulo?” Hindi ko alam kung saan ako kukuha ng sagot. Ang alam ko lang, kapag nakikita ko siyang nasasaktan, parang nawawala ang mundo ko. Isang gabi, habang mag-isa ako sa terrace, dumating ang isang text galing sa unknown number: “Mag-ingat ka, Raven. Hindi mo kilala ang babaeng kasama mo.” Tiningnan ko si Luna na natutulog sa loob, payapa ang mukha. Humigpit ang hawak ko sa cellphone. Alam kong si Cassandra ang nasa likod nito. At alam kong hindi ito titigil hangga’t hindi niya nakukuha ang gusto niya. Ngayon, habang pinagmamasdan ko ang buwan, naglalaro sa isip ko ang tanong: Hanggang saan ko kayang ipaglaban si Luna? At kung dumating ang araw na kailangan kong pumili sa pagitan ng pag-ibig at kapayapaan… alin ang pipiliin ko? Tahimik ang buong paligid nang gabing iyon. Tanging lagaslas ng alon at huni ng mga kuliglig sa labas ng lumang mansyon ang maririnig. Nakahiga ako sa kama, nakatitig sa kisame habang pilit kong pinapatulog ang isip kong ayaw tumigil sa pag-iisip kay Luna sa mga ngiti niyang bumubura sa dilim ng aking mundo, sa mga mata niyang parang may bahaging ayaw ipakita sa kahit sino. Ngunit nang sa wakas ay dinalaw ako ng antok, isang bangungot na naman ang humabol sa akin isang pamilyar, nakakapangilabot na eksena ng ilang ulit nang bumabalik. Sa panaginip ko, naroon ako sa harap ng silid ni papa sa Maynila ang kwartong matagal ko nang gustong kalimutan. Mabigat ang hangin, parang may amoy ng alkohol at luha. May mga tunog ng kalansing ng baso, at sa sulok ng kwarto, isang boses ng isang babae ang biglang sumigaw. “Tulungan mo ako! Ayoko na, tama na!” Nanginginig ang kamay ko habang nakikita ko ang eksenang iyon ang babae, nakagapos, umiiyak, pilit na kumakawala. At sa harap niya, ang ama ko lasing, malamig ang mga mata, at walang bakas ng awa. “Pa… tama na,” bulong ko, pero hindi ako makagalaw. Parang na-freeze ang buong katawan ko. Lahat ng lakas ko, nawala. Tanging luha lang ang tumutulo sa mga mata ko habang pinagmamasdan kong muli ang ginawa niyang kasalanan ang karahasang paulit-ulit kong nasasaksihan sa isip ko. “Raven! Tulong!” sigaw ulit ng babae, humahagulgol. Ngunit gaya ng dati, hindi ko siya natulungan. Ramdam ko ang bigat ng bawat sigaw niya, ang panginginig ng sahig sa bawat hampas niya ng paa. Parang bawat tunog ay pako na tumatagos sa dibdib ko. Gusto kong sumigaw, gusto kong lapitan ang babae, pero parang may kadena ang mga paa ko. “Hindi ko kaya…” “Bakit hindi mo siya tinulungan?” may boses sa likod ko, boses na ako rin. At doon ako biglang napasigaw. “Hindi ko siya kayang tulungan!” Nagising ako nang marahas, hingal na hingal, pawis na pawis kahit malamig ang hangin. Napaupo ako sa kama, hawak-hawak ang dibdib ko na parang mabibiyak. Ang buong katawan ko ay nanginginig ramdam ko pa rin ang lamig ng mga kamay ng babae sa panaginip, ang titig niyang puno ng takot at pagmamakaawa. Mabilis ang pintig ng puso ko. Parang may humahabol sa akin kahit gising na ako. Huminga ako nang malalim, pero kahit anong gawin ko, naroon pa rin ang boses niya sa isip ko. “Tulungan mo ako… Raven…” Napatingin ako sa paligid ng kwarto sa lumang kisame, sa mga larawan sa dingding. Sa isang sulok, nandoon pa rin ang lumang painting ng pamilya ako, si Mama, at si Papa. Ngunit sa bawat titig ko sa mukha ng ama ko sa larawan, parang nakikita ko muli ang halimaw sa panaginip ko. “Bakit mo ginawa ‘yon, Pa?” mahina kong sabi, halos pabulong. “Bakit mo ako ginawang saksi sa kasalanan mo?” Hinaplos ko ang sentido ko, pilit na pinapawi ang sakit ng ulo. Ilang taon na ang lumipas mula nang gabing iyon, pero bakit hanggang ngayon, parang sariwa pa rin? Parang kahapon lang ulit nangyari. Tumayo ako, naglakad papunta sa terrace. Madilim pa, tanging liwanag lang ng buwan ang nagbibigay ng anino sa paligid. Sa ibaba, tanaw ko ang dagat kalmado, pero sa ilalim ng alon ay tila may unos na nagkukubli. Ganyan din siguro ako kalmado sa labas, pero may bagyong bumubulong sa loob. Habang pinagmamasdan ko ang tubig, biglang pumasok sa isip ko ang mukha ni Luna. Ang paraan ng pagkakatitig niya sa akin, parang may gusto siyang sabihin pero hindi niya magawa. At doon ko napagtanto baka siya rin ay may ganoong dilim na pinipilit itago. Baka siya ang babae sa panaginip ko. O baka siya ang sagot sa tanong kung bakit paulit-ulit kong napapanaginipan ang eksenang iyon dahil siya ang paalala ng babaeng hindi ko natulungan noon. Ang paghinga ko ay bumigat. Hindi ko alam kung dahil sa takot, o dahil sa guilt na matagal ko nang tinatago. Nang bumalik ako sa loob ng kwarto, hindi ko na nagawang matulog. Umupo ako sa gilid ng kama, nakatitig sa aking mga kamay. Mga kamay na hindi nakatulong noon. Mga kamay na ngayon ay gustong ituwid ang pagkakamali ng nakaraan. “Hindi na ako magiging duwag,” bulong ko sa sarili. “Kung may kailangan akong protektahan ngayon, gagawin ko. Hindi ko na hahayaang maulit ang nangyari.” Kinuha ko ang lumang kuwintas sa mesa ang tanging naiwan sa ina ng babaeng nasaksihan kong sinaktan ni Papa. Hindi ko alam kung bakit nandoon pa rin ito, pero sa tuwing tinitingnan ko, parang naririnig ko ang sigaw ng boses niya sa panaginip. Boses na humihingi ng hustisya. At ngayong nandito si Luna, parang muling nabubuksan ang sugat na iyon. Baka hindi lang siya basta dumating sa buhay ko baka siya ang dahilan kung bakit kailangan kong harapin muli ang nakaraan. Tumayo ako, tumingin sa salamin. Ang lalaking nakikita ko roon hindi na ‘yung batang walang nagawa, kundi isang taong kailangang tumindig para protektahan ang mga minamahal niya. “Hindi na ako tatakbo,” sabi ko sa sarili. “Hindi na ako manonood lang.” Ngunit sa ilalim ng boses kong iyon, may tahimik na takot pa rin. Dahil alam kong sa sandaling harapin ko ang nakaraan, maaaring mawala ang lahat pati si Luna.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD