CHAPTER 17
JUDE’S POV
Matagal ko nang hindi naramdaman ang ganitong kaba.
Dalawang buwan. Dalawang buwan mula nang mawala si Luna ang babaeng dapat ay magiging asawa ko. Ang babaeng pinangakuan kong aalagaan, pero sa isang iglap, nawala na parang bula.
Hindi ko alam kung saan ako nagkulang.
Hindi ko alam kung bakit siya tumakbo.
Pero isang bagay lang ang malinaw sa akin: kailangan ko siyang makita.
Maaga akong nag-impake. Kaunting damit, ilang dokumento, at ang maliit na kahon ng singsing na matagal ko nang inihanda para sa kanya dala ko pa rin.
Habang inaayos ko ang mga gamit, naroon si Papa sa veranda, nakamasid sa akin habang humihigop ng kape.
Tahimik lang siya sa simula, pero alam kong may mga tanong na pilit niyang itinatago.
“Saan ka pupunta, Jude?”
tanong niya sa bandang huli, habang hindi inaalis ang tingin sa akin.
“Sa Costa Fuego, Pa.”
“Costa Fuego? Bakit?”
Tumingin ako sa kanya, mariin.
“May nakuha akong impormasyon. Si Luna raw, nakita doon. Hindi ko alam kung totoo, pero kailangan kong alamin.”
Umiling siya, halatang hindi sang-ayon.
“Dalawang buwan na, anak. Baka ayaw ka na niyang makita.”
Napangiti ako ng mapait.
“Baka nga. Pero kailangan ko pa ring subukan.”
Hindi na siya sumagot.
Tanging tunog ng hangin at kaluskos ng mga dahon lang ang narinig ko.
Pagkatapos ng ilang sandali, marahan niyang tinapik ang balikat ko.
“Kung pupunta ka, mag-ingat ka. Ang Costa Fuego… hindi basta lugar. May mga bagay doon na mas mabuting hindi mo na muling buksan.”
Hindi ko maintindihan ang sinabi niya, pero hindi ko na pinansin.
Ang alam ko lang, may kailangan akong tapusin.
Pag-alis ko sa bahay, kasabay ng pag-ikot ng gulong ng kotse ay ang pag-ikot din ng mga alaala sa isip ko.
Ang unang araw namin ni Luna.
Ang tawa niya.
Ang mga gabing nagkukwentuhan kami tungkol sa buhay na gusto naming buuin.
At ang huling gabing nakita ko siya iyong gabing tumakbo siya palayo, basang-basa sa ulan, habang ako’y nanatiling nakatayo lang, hindi alam kung hahabol o hahayaan siya.
“Bakit ka umalis, Luna…”
Paulit-ulit kong bulong habang tinatahak ang mahabang daan palabas ng Maynila.
Mahigit walong oras ang biyahe.
Mainit ang araw, pero ang hangin ay malamig, dumadampi sa mukha ko habang nakabukas ang bintana ng sasakyan.
Habang nagmamaneho, hawak ko ang litrato ni Luna yung kinuha ko noong minsan naming pinuntahan ang Batangas, nakangiti siya habang humahawak ng yelo sa ilong dahil na-sunburn.
Ngayon, hindi ko alam kung nasaan na siya. Kung okay ba siya. Kung may kasama siya.
O kung may nagmamahal na sa kanya bukod sa akin.
Pagdating ko sa border ng Costa Fuego, agad kong naramdaman ang kakaibang tahimik ng lugar.
Ang dagat ay tila kalmado pero may lalim na nagbabadya ng mga lihim.
Ang mga bahay, luma ngunit may ganda.
At ang mga tao, tila sanay sa katahimikan.
Huminto ako sa isang maliit na karinderya para magtanong.
“Ate, may kilala po ba kayong babaeng nagngangalang Luna?”
Napatingin sa akin ang tindera, nagkibit-balikat.
“Maraming Luna dito, sir. Pero kung sinasabi mo ‘yung bagong lipat sa may tabing-dagat… baka kilala ng matandang si Aling Rosa.”
Agad akong nagtungo roon.
Ang bahay ni Aling Rosa ay maliit, gawa sa kahoy, pero malinis.
Sa veranda niya, may mga paso ng halaman at mga bulaklak na tila inaalagaan ng buong puso.
“Magandang hapon po,” bati ko.
“Ako po si Jude. May hinahanap po akong babae. Luna ang pangalan niya. Sabi po nila dito siya nakatira.”
Tumingin si Aling Rosa sa akin, matalim, para bang sinusukat ako.
“Bakit mo siya hinahanap?”
“Fiancée ko po siya. Matagal na siyang nawawala.”
Tahimik.
Ilang segundo lang, pero parang oras ang lumipas.
“Hindi ko alam kung nasaan siya ngayon,” sagot niya sa huli. “Pero kung ako sa’yo, iho… kung sakaling makita mo siya, sana hayaan mo na lang siyang mamuhay nang tahimik.”
Parang tumigil ang oras sa mga salitang iyon.
Anong ibig niyang sabihin?
Bago pa ako makasagot, tumalikod siya at pumasok sa bahay. Naiwan akong nakatayo, hindi alam kung susundan siya o aalis.
Lumipas ang ilang oras bago ko siya nakita.
Habang naglalakad ako sa tabing-dagat, doon ko siya nasilayan.
Luna.
Nakadamit ng puting bestida, nakatayo sa dalampasigan, hawak ang maliit na basket ng mga kabibe. Ang hangin ay sumasayaw sa buhok niya.
Ilang saglit akong natigilan.
Ang babaeng ilang buwan kong hinanap nandito lang pala.
At sa unang pagkakataon matapos ang matagal na panahon, nakaramdam akong muli ng galit at pananabik.
“Luna!” sigaw ko.
Napatigil siya.
Mabilis siyang lumingon.
Nang makita niya ako, nagbago ang ekspresyon niya mula sa pagkagulat, naging takot.
At bago pa ako makalapit, tumakbo siya palayo.
“Luna! Sandali!”
Tumakbo ako kasunod niya, tinatahak ang buhangin at ang mga batong madulas sa dalampasigan.
Pero mabilis siya. Parang sanay na siyang tumakbo palayo sa mga alaala.
Hanggang sa nawala siya sa isang lumang daang papunta sa mga lumang bahay sa gilid ng bangin.
Huminto ako, hingal na hingal.
Nilingon ko ang paligid wala na siya.
“Luna nasaan ka na?” Sigaw ko
Nagpalipas ako ng gabi sa maliit na inn sa bayan. Hindi ako makatulog.
Paulit-ulit sa isip ko ang itsura niya ang takot sa mga mata niya nang makita ako.
Mahahanap din kita Luna babalikan kita.
Kinabukasan, maaga akong nagising.
Bumalik ako sa tabing-dagat, umaasang muli ko siyang makikita.
Habang naglalakad, napansin kong may mga lumang bakas ng paa sa buhangin mga yapak na dumiretso sa isang maliit na kubo malapit sa bangin.
Dahan-dahan akong lumapit.
Bukas ang pinto.
At doon ko siya nakita.
Nasa loob siya, nakaupo sa sahig, hawak ang isang lumang litrato.
Hindi niya ako agad napansin.
At sa ilang sandali, pinili kong hindi rin muna magsalita.
Pinagmasdan ko lang siya ang bawat paghinga niya, ang bawat pagnginig ng kamay niya habang hawak ang larawan.
Hanggang sa mapansin niya ako.
“Luna…” mahina kong sabi.
Nagulat siya, agad tumayo, pero halatang pagod at nanginginig.
“Bakit ka nandito, Jude?” tanong niya, diretso sa punto.
“Hanap kita,” sagot ko. “Dalawang buwan na kitang hinahanap.”
Tahimik siya.
“Bakit ka pa naghahanap? Hindi ba’t malinaw na ayaw na kitang makita?”
“Luna itatakda na tayong ikasal bakit ka pa lumayas . Akala ko ba tanggap mo na ako sa buhay mo.” Sabi ko agad sa kanya.
“Tiniis ko yun Jude lahat. Pati pag bababoy mo sa akin. Naghahanap lang ako ng tiempo maka alis sa puder ninyo. Ayoko makasal sa hindi ko mahal Jude kaya hayaan mo na ako. Please palayain mo na ako.” Pagmamakaawa niya sa akin.
“Matutunan mo naman akong mahalin Luna. Hayaan mong magbabago ako para sayo. Mahal kita Luna kaya hinanap kita.” Paliwanag ko
Bumuntong-hininga siya, tumingin sa labas ng bintana.
“Hindi mo maiintindihan, Jude. Hindi kita mahal Jude yan ang, dapat mong marinig.”
“Subukan mo,” sagot ko, marahang lumalapit. “Pakinggan mo muna ako, Luna. Kung nagkamali ako, kung nasaktan kita sabihin mo. Pero ‘wag mo akong takasan.”
Ngunit sa bawat hakbang ko, tila lumalayo siya.
May takot sa mga mata niya na hindi ko maipaliwanag.
“Umalis ka na,” sabi niya, halos sinigawan niya ako.. “Bago pa mahuli ang lahat.”
“Mahuli? Ano’ng ibig mong sabihin?”
Ngunit bago pa siya makasagot, may narinig kaming kalabog sa labas parang pinto ng sasakyang sumara, at mga yabag ng taong paparating.
Bigla siyang napatingin sa akin, halatang natataranta.
“Umalis ka na, Jude! Ngayon na!”
“Luna”
“Hindi ako aalis dito Luna hindi kita kasama.” Wika ko sa kanya.
“Alis! Alis! Umalis ka na lubayan mo na ako at hindi ako sasama sa iyo.” Sigaw niya sa akin.
Umatras ako at lumabas.
“Luna babalikan kita hindi ako papayag may umangkin sayo ng iba. Akin ka lang pag balik ko mauuwi na kita sa Maynila.” Sabi ko sa kanya.
Umalis ako agad at hinayaan ko na muna siyang mag isip.
Naglakad ako sa labas at nagtungo sasasakyan agad.
Mula roon, nakita kong may isang lalaki na lumapit sa kanya.
“Luna anong nangyari sayo?” Tanong niya kay Luna.
Ang tanging narinig ko lang ay ang boses nito mababa, kalmado, pero puno ng kapangyarihan.
“Si Jude nandito na natuntun na niya ako.” Nanginginig niyang sabi saka niyakap siya nito.
“Nasaan siya Luna?” Tanong niya.
“Umalis na Raven. Gusto kong umalis na dito Raven nagbabanta siya babalikan niya ako at ibabalik sa Manila.” Sabi ni Luna sa lalaking kaharap niya
“Sinong kasama mo dito Luna? Hindi ako papayag na maagaw ka niya sa akin.” Inis kong sabi habang nagpapaandar ako ng sasakyan.
Agad akong umalis at bumalik sa bayan.
Habang nagmamaneho ako ay napapaisip ako kung sino tumutulong sa kanya dito.
“Bullshit! Humanda ka Luna sa pagbabalik ko. Hindi ako papayag maagaw ka ng iba.” Inis kong sabi
Mabilis kong pinaharuruot ang sasakyan para maka abot agad sa bayan.
Biglang tumunog ang phone ko tumatawag si papa.
“Hello papa.”
“Ano nakita mo si Luna?” Tanong niya sa akin.
“Opo papa nandito lang pero may kasama siyang lalaki.” Sagot ko sa kanya agad.
“ Sino?” Tanong niya sa akin.
“Hindi ko siya namukaan papa umalis na ako.” Sagot ko sa kanya.
“ Bakit hinayaan mo pang nakatakas. Dapat lumuwas na lang kayo ng Maynila dala si Luna.” Sabi ni papa sa akin.
“Hinayaan ko na lang muna. Bukas babalikan ko sya.” Wka ko kay papa