CHAPTER 16
LUNA’S POV
Tahimik ang paligid ng Costa Fuego. Ang mga alon ay humahaplos sa dalampasigan, at ang huni ng mga ibon sa umaga ay parang paalala na kahit gaano kadilim ang gabi, may bagong liwanag pa ring dumarating.
Dalawang buwan na ako rito. Sa loob ng panahong iyon, unti-unti kong tinanggap ang katahimikan ang tahimik na buhay na walang kasinungalingan, walang ingay ng lungsod, at walang mga matang mapanghusga. Pero sa bawat tahimik na gabi, naririnig ko pa rin ang mga tinig ng nakaraan. Mga tinig ng takot, ng pagmamakaawa, at ng mga alaala na pilit kong binubura pero laging bumabalik.
At ngayong umaga, alam kong hindi ko na kayang itago pa. Kailangan kong sabihin kay Raven ang lahat.
Nakaupo kami ni Raven sa may veranda ng maliit naming inuupahan, tanaw ang dagat. Ang hangin ay malamig, at ang liwanag ng araw ay unti-unting sumisilip sa ulap. Hawak ko ang tasa ng kape, nanginginig ang kamay ko, habang siya naman ay tahimik lang, nakatingin sa alon na tila may malalim na iniisip.
“Raven…” mahina kong tawag.
“May kailangan akong sabihin sa’yo.”
Dahan-dahan siyang lumingon sa akin. Ang mga mata niya ay kalmado, pero may kakaibang lalim na parang handa siyang makinig kahit anong sakit pa ang marinig niya.
“Ano yun, Luna?” tanong niya, halos pabulong.
Huminga ako nang malalim, pinilit kong tibayan ang boses ko.
Ito na. Wala nang atrasan.
“Hindi mo alam kung sino talaga ako, Raven,” panimula ko. “Marami akong tinago, at ngayon… gusto kong matapos na lahat.”
Tumingin ako sa malayo, sa dagat na tila sumasabay sa t***k ng puso ko.
“Noong gabi na umalis ako sa Maynila, hindi ako basta tumakas. Tumakas ako dahil kailangan kong mabuhay.”
Nakita ko ang bahagyang pagkagulat sa kanyang mukha, pero nanatili siyang tahimik.
Kaya nagpatuloy ako.
“Nang gabing iyon, Raven… may nangyari sa akin. Hindi ko alam kung paano ko sasabihin nang hindi ako masusuka sa sarili ko.”
Nanginginig ang labi ko, at bago pa ako tuluyang maputol, naramdaman ko ang kamay niyang dahan-dahang humawak sa kamay ko.
“Sabihin mo lang. Nandito ako.”
At doon ako tuluyang bumigay.
Ang tinig ko ay pabulong, pero bawat salitang lumalabas ay parang may dalang apoy.
“Pinilit ako ng mga magulang kong ipakasal sa taong hindi ko kilala o gusto. Dinala ako sa pamamahay niya inangkin kahit wala kong gusto. Kinaladkad nagpupumiglas ako noon dahil ayokong sumama sa taong hindi ko mahal.Wala akong nagawa kundi sumunod sa kagustuhan ng aking mga magulang dahil yun daw ang dapat. Nagmamakaawa ako sa kanya na huwag niyang gawin sa akin pero itinuloy niya pa rin ang masamang balak niya noong gabing winasak niya ang buhay ko.” Kwento ko sa kanya habang umiiyak na.
Nanlaki ang mga mata ni Raven, pero nanatili siyang tahimik.
“Siya ang dahilan kung bakit ako tumakas,” tuloy ko, halos paos ang boses. “Gabing-gabi na noon, nagulat ako nang pumasok siya sa kwarto ko. Wala akong nagawa. Hindi ko alam kung paano ako makakalaban… pinilit niya ako, Raven. Pinagsamantalahan niya ako.”
Nanginginig ang buong katawan ko habang sinasabi iyon.
Para akong binubuksan muli ang sugat na ilang buwan kong pinilit na paghilumin.
Napatingin ako kay Raven ang mga mata niya ay puno ng pagkagulat, sakit, at galit na pilit niyang itinatago.
Tahimik siya. Walang salita.
Ngunit sa katahimikan niya, naramdaman ko ang bigat ng emosyon.
“Hindi ko akalaing ikaw pala ‘yung babae,” mahina niyang sabi, halos hindi ko marinig.
“Ano’ng ibig mong sabihin?” tanong ko, naguguluhan.
“Noong gabing iyon…” sagot niya, tumitig sa kawalan. “May narinig akong iyak mula sa silid. Lumapit ako sa pinto. Nakita ko kung ano ang nangyayari. Pero… hindi ko alam kung anong gagawin Dahil nagulat ako sa malakas na boses ni papa. Wala akong nagawa kundi tumahimik na lang ng mga oras na yun. Alam kong mali ang nakita ko, pero… pinili kong tumahimik dahil sa akin ibubuntong ang galit nila.”
Nanatiling tahimik ang paligid. Wala akong nasabi.
Para akong binagsakan ng daigdig.
Umiyak ako nang tuluyan. Ang sakit, ang galit, at ang pagkabigo ay sabay-sabay na bumalik.
“Ikaw, ikaw pala yung napansin kong may tao sa pinto? Yung humihingi ako ng saklolo ng mga oras na yun Raven. Pero hinayaan mo ako walangyain ng taong sumira ng buhay ko.” Sumbat ko sa kanya.
“Patawarin mo ako Luna. Hindi kita natulungan dahil kontra din ako ni papa sa bahay na yun. Nagsisi ako hindi kita natungan hanggang ngayon dala ko ang pagsisi Luna kaya kinabukasan lumayas ako sa bahay at pumunta dito sa Costa hindi na ako nagpakita sa papa ko.” Paliwanag niya sa akin.
“Alam Luna paulit ulit bumabalik sa isipan at panaginip mga boses mong umiiyak. Bumabagabag sa sarili ko na araw-araw kong pasan kung bakit hindi kita natulungan ng gabi na yun. Patawarin mo ako Luna.” Wika niya sa akin
Iyak ako ng iyak sa harapan niya hindi ko mapatahan ang sarili ko sa mapait kong pinagdaanan sa taong nanggahasa sa akin ay ama niya pala ni Raven.
Niyakap niya ako nang mahigpit.
Walang salita. Walang paliwanag.
Ngunit sa yakap na iyon, naramdaman ko ang lahat ang pagsisisi, ang pangako, at ang galit na pilit niyang itinatago.
“Luna…” bulong niya, habang nakayakap sa akin. “Hindi ko alam… hindi ko alam kung paano ko haharapin ‘to. Pero isa lang ang sigurado ako hindi na kita hahayaang masaktan ulit.”
Tahimik lang kami. Ramdam ko ang t***k ng puso niya laban sa dibdib ko, mabilis, galit, at puno ng pangako.
Nakita ko sa mga mata niya ang apoy na dati kong nakikita sa mga lalaking gustong maghiganti pero kay Raven, may halong awa at pagmamahal.
“Gusto kong baguhin ang mundo mo, Luna,” sabi niya, halos paos. “Kung hindi ko man mabura ang nakaraan, gagawin ko ang lahat para mabigyan ka ng bagong simula.”
Tumingin ako sa kanya, at sa unang pagkakataon matapos ang matagal na panahon, naramdaman kong ligtas ako.
Hindi dahil kaya niya akong ipagtanggol, kundi dahil totoo siya.
Habang lumalalim ang gabi, nagpatuloy kami sa pag-uusap.
Sinabi ko sa kanya lahat ang mga gabing umiiyak ako, ang mga panahong halos sumuko ako sa buhay, ang mga sandaling gusto kong bumalik pero hindi ko magawa.
“Ayokong bumalik sa Maynila, Raven. Hindi ko kayang harapin ang mga alaala ro’n,” sabi ko habang nakatingin sa buwan.
“Dito sa Costa Fuego, kahit paano… nakakaya kong huminga.”
Tahimik lang siya. Tila iniisip ang bawat salitang sinasabi ko.
“Hindi kita pipilitin bumalik,” sagot niya. “Pero tandaan mo, Luna hindi ka na kailangang magtago. Hindi mo kasalanan ang nangyari. Hindi mo kailangang itago ‘yung sakit mag-isa.”
At doon ko napagtanto na minsan, hindi kailangan ng maraming salita para maintindihan ka.
Minsan, sapat na ‘yung presensiya ng taong marunong makinig sa pagitan ng mga hikbi mo.
Kinabukasan, magkasama kaming naglakad sa tabing-dagat. Tahimik lang, pero may bigat sa bawat hakbang.
Alam kong iniisip ni Raven ang mga susunod na mangyayari.
Hindi niya man sabihin, nararamdaman kong gusto niyang harapin ang ama niya ang lalaking nanira sa akin, at sa kanya bilang anak.
“Hindi mo kailangang gawin ‘to, Raven,” sabi ko habang naglalakad kami. “Ayokong masira ang buhay mo dahil sa akin.”
Tumingin siya sa akin, mariin, puno ng determinasyon.
“Buhay ko na ‘to, Luna. Matagal na akong tahimik. Panahon na siguro para itama ang mali.”
Tumigil ako.
Ang hangin ay dumampi sa mukha ko, at ang amoy ng alat ng dagat ay parang paalala na kahit gaano kasakit, may mga sugat na kayang hilumin ng panahon.
“Kung lalaban ka, lalaban din ako,” sabi ko. “Hindi na ako tatakbo.”
Ngumiti siya malungkot, pero totoo.
At sa ngiting iyon, naramdaman kong may bagong pag-asa sa pagitan naming dalawa.
Sa mga sumunod na gabi, madalas naming pag-usapan kung paano haharapin ang katotohanan.
Hindi namin alam kung paano, pero alam naming kailangan.
May mga pagkakataong umiiyak pa rin ako sa gabi, pero iba na ngayon may mga bisig na yumayakap, may tinig na bumubulong ng “nandito lang ako.”
At sa gitna ng lahat ng dilim, doon ko nakita ang bagong liwanag.
“Raven takot ako sa mangyayari lalo na’t para kay Cassandra.” Sabi ko sa kanya
“Wala ng makakapanakit sayo Luna simula ngayon. Ako ang makakaharap nila pangako yan Luna.” Wika ni Raven sa akin.
“Iniisip ko ngayon kung anong mangyayari pag nalaman ng papa mo na nandito tayo sa Costa Raven. Pano kung sinabi ni Cassandra nandito ka at nandito ako maykasama kang babae? Hindi natin alam takbo ng isip ni Cassandra lalo na’t galit siya sa akin Raven. Pakiramdam niya ako ang dahilan sa paghihiwalay ninyo.” Wika ko sa kanya.
Napatingin si Raven sa malayo,tahimik nakikiramdam sa alon ng dagat.
“Huwag kang mag alala Luna hindi ko hahayaan saktan ka ulit. Ako ang makakaharap nila pag kinuha ka ulit dito sa Costa Fuego.” Agad na sabi ni Raven sa akin.
Niyakap niya ako ng mahigpit at hinalikan ang noo ko.