PARANG hindi kilala ni Luna at Luke ang isat-isa habang sabay na kumakain ng agahan. Habang si Aling Belen naman ay nakatitig sa kanilang dalawa. Sa sobrang tahimik nila ay hindi mapigilan ni Tyler na magtaka. "O, Luke, Luna para yatang natalo kayo sa lotto. Bakit ang tatahimik ninyo?" Nagtatakang tanong nito. "W-wala to siguro ay napagod lang kami." Tumango lang si Luna sa sinabi ni Luke. "Paanong napagod? Ang aga-aga nga ninyong nagpahinga kagabi e." Napakamot na lang ng batok si Tyler. Habang si Gwen ay sa kuwarto na ni Troy kumain kasama ang bata kasi ayaw niyang makita ang pagmumukha ni Luna. Baka mabuhusan niya ito ulit. Pagkatapos ni Tyler kumain ay nagpaalam na ito sa asawa para pumunta sa trabaho. Naiwang tahimik si Luna at Luke sa lamesa. "O, kumain pa kayo para kasin

