CHAPTER THIRTY-SEVEN

1202 Words

BINASA ni Luna ang kanyang buhok at nilagyan niya ito ng kaunting shampoo para mawala ang amoy ng red wine na ibinuhos ni Gwen sa kanyang ulo. Gigil na gigil ito habang naka tingin sa malaking salamin. "Hindi pa tayo tapos Gwen, may araw ka rin sa akin," wika nito sa sarili. Pagkatapos ay kinuha nito ang cellphone at tinawagan si Luke. Pero hindi nito sinagot ang kanyang tawag kaya lumabas ito ng guestroom at nagtungo ito sa tapat ng kuwarto ni Luke. Kumatok ito ng kumatok hanggang sa nagising si Luke at pinagbuksan ito ng pinto. Laking Gulat ni Luna ng makitang naka hubad ang lalaki at nakasuot lang ng manipis na kulay puting boxer shorts. Hindi nito napigilan ang sarili at bahagyang yumuko ito. "O, Luna, bakit? may problema ba?" tanong ni Luke habang hinimas-himas nito ang tiyan.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD