IBINABA ni Luke ang kanyang mga paa na nakapatong sa lamesa. Tinawag niya si Greg at inutusan itong dalhan ng pagkain si Mr. Tan sa kabilang kwarto. Pagkatapos ay pumunta ito sa labas at pinalitan ang plate number ng sasakyan na ginamit nila kahapon sa pag dukot kay Mr. Tan. Sigurado kasi silang may mga CCTV camera sa mga lugar na iyon na puwedeng magpahamak sa kanila. Binaklas nito ang plate number na luma at pinalitan ng bago. Habang si Greg naman ay pilit na ibinigay ang pagkain sa matanda. "Ayan, kainin mo ito kung gusto mo pang mag tagal," wika nito. "Alam mo bata, kung ganito lang namang klase ng pagkain ang ibibigay mo sa akin. Mas mabuti nang mamatay ako sa gutom kaysa kainin iyan!" anito. "Hoy! magpasalamat ka pinakain kapa namin. Kung gusto mong mamatay ng mas maaga mas mab

