NAKANGITI si Gwen habang hawak ang cellphone nito. Binuksan niya ang isang app at tinawagan ang mga kaibigan nitong sina Joy at Pinky. Excited itong ibalita sa dalawang kaibigan na nanganak na siya. Tumayo siya sa kama at kinumutan ang asawa nitong si Tyler na mahimbing na natutulog sa gilid ng anak nilang si Fin. "Hoy, Gwen ano na?" kailan ba namin makikita ang anak mo?" wika ni Joy. "Oo nga, bihira na kasi tayong magkitakita simula noong nanganak si Joy," dagdag ni Pinky. "Kalma, makikita rin ninyo ang baby ko. Tulog pa kasi e. Katabi kasi ang daddy kaya mahimbing ang tulog. Pero kung ako ang katabi minsan lang tumahimik," nakangising wika ni Gwen. "Basta, pag okay kana pupunta kami ni Joy sa mansiyon ninyo. Gusto kong makita ang future inaanak ko," wika ni Pinky. "Oo nga Gwen, B

