MASAYANG bumaba sa masukal na gubat si Luke. Sa wakas ay hindi na niya mararamdaman ang kaluluwa ni Luna na palaging gumagambala sa kanya. Pagdating nila sa mismong sentro ng barangay ay kumain muna sila sa lugawan bago umalis pabalik ng Maynila. "Siguro naman boss hindi kana matatakot gayong suot muna ang kwintas na bigay sa'yo ng matandang iyon," wika ni Greg. "Hindi naman ako takot sa multo ayaw ko lang na ginagambala ako. Kung puwede lang sana patayin ulit ang kaluluwa matagal ko nang pinatay ulit si Luna," nakangising wika nito. "Nako, boss sigurado naman akong wala nang magagawa si Luna sa kalagayan niya ngayon. Siguro ay nagsisi na siya sa ginawa niya sa'yo." "Dapat lang, kung hindi lang ako naging alerto ay hindi ko malalaman na may plano pala siyang sabihin sa kaibigan niya

