Shara Pov:
" Sevixxx sandali hintay!!! ". Kanina ko pa siya sinisigawan. Wala naman klase kasi nasa vacant rooms kami ngayon. Mayroon talagang bakanteng mga rooms dito na di nagagamit. Minsan lang kapag mayroon event sa school like foundation. Ginagamit ang mga ito minsan bilang booths. Isang Raw talaga siya dito sa third floor na bakante, nakakatakot nga dumaan dito kapag 4:00 na ng hapon. Kasi ang creepy sa pakiramdam ng katahimikan.
But it isn't the issue right now. Back to reality Shara. " Ang bilis mo nama maglakad! ". Wika ko na narinig niya ata. Sinabi ko lang yun ng pabulong ah! Lakas pala ng pandinig niya at nagawa niya pang marinig yun? Huminto kasi siya sa paglakad tapos hinarap niya ako.
Seryoso ang expression ng mukha niya but still handsome pa din. Hindi siya kumikibo sa kinatatayuan niya at titig lang sakin. " Sinasadya mo bang bagalan? ". Giit niya into sarcastic way. Sungit naman niya! Epekto pa din ba yan ng pang-aasar sa kaniya ng mga classmates niya. Kasi kung Oo ang sama pala niya asarin sa babae kasi nagiging masungit siya.
Pero wait! Hinihintay niya pala ako? Yiiieee Shara hinihintay ka niya. Kesa magbago pa isip niya ay madali akong tumakbo papalapit na sa direksyon niya. " Pasensya na mabagal talaga ako maglakad! ". Paliwanag ko. Mukha akong basang sisiw kung mag-amo sa kaniya. " Always remember this Shara time is gold kaya wala kang dapat inaaksayang oras kahit segundo pa yan! ". Sambit niya.
Sinesermonan niya ba ako? o sinasabi niya lang yan kasi mabagal ako. But don't yah worry Sevix Itetake note ko ito promise! Hindi dahil sa word of wisdom niya kundi dahil tinawag niya ako sa nickname ko. Kilala niya pala ako? Buong akala ko kasi hindi. At tsaka ngayon ko lang siya narinig na tinawag niya ako sa name ko. Usually kasi pssst o huyy lang ginagamit niya na pagtawag sakin. Lalo na nung mga bata pa kami, o di kaya naman bata talaga ang literal na tawag niya sakin noon.
Hindi nanaman normal ang t***k ng puso ko. Simple lang neto pero sobrang ang laki na ng impact pag dating sakin. Siguro talagang ganito na ang epekto niya sakin, malaki na!
" Tsk! ". Rinig kong tikhim niya at bumuntong hininga pa siya dahilan upang maamoy ko ang mentol niyang hininga. Ang bango, sa sobrang bango puwede ng pang perfume. Lumalaklak siguro siya ng mouth wash hehe.
Tinalikuran na niya ako ng walang pasabi at heto nanaman ako madali nanaman siyang hinabol. Parati kasi siyang nangunguna kaya nahuhuli ako. Adjust-adjust din para sakin Sevix oh! Nang maabutan ko siya ay sabay kaming lumakad hanggang sa makarating kami sa room. " Good morning ma'am! ". Beki niyang pananalita sa harapan ng teacher ko. " Good morning Mr. Ezadera! ".
Nang tawagin siyang Mr. Ezadera ni Ma'am Jana ay napansin ko ang lihim na pag ngiwi ng labi niya patagilid. Sign na hindi niya nagustuhan na tinawag siyang Mr. ni Ma'am. " Pinapatawag niyo daw po ako? ". Pag-iiba nalang niya sa usapan. Hindi agad nakasagot si Ma'am Jana. Napansin niya kasing nakatayo pa din ako sa harapan nila.
" Ate Shara you may sit now! And by the way thank you for calling Mr. Ezadera! ". Wika ni Ma'am. Inihawi niya pa ang kamay niya into slide na ibig sabihin maupo na nga ako. Tango nalang ang nagawa ko sabay ngiti sa kanilang dalawa ni Sevix ko. Bumalik na ako sa kinauupuan ko pero dahil nandito pa din si Sevix na kausap ni Ma'am Jana ngayon unahan ay hindi ako makapag concentrate sa pagsusulat ko.
Bukod sa natatakpan ni Sevix ang part na dapat ngayon sinusulat kona ay nakukuha niya din ang atensyon ko. Kaya nawawala din ako sa sarili kong pag-iisip at napupunta ito sa kaniya. " Hala! Pagpantasyahan ba? ". Bulong ni Alola sa tabi ko. Nakapout with matching halumbaba ko siyang nilingon. Nakatuon sa arm chair ng upuan ko ang siko ko upang maging saklang.
" Cute niya e! ". Wika ko at pumupungay pa sa kakiligan ang nga mata. Pinandirihan niya ako ng tingin. " You know what Ghurl, Nag-iiba tingin ko sayo. From prinsesa at maarting maylahing breed ng pusa ng mga Valtocris nagigi ngang maamong ligaw na pusa! Yung nasa kalye-kalye lang. Namamalimos ng atensyon ng posibleng maging amo niya. Umaasang may mag mamahal sa kaniya! ".
Yung ngiti kong di na maipinta napawi dahil sa mapang okray niyang banat. " Nakakatuwa yun? ". Kuwestiyon ko sabay irap habang iniiwas na ang atensyon ko sa kaniya. " Sige po ma'am isesend ko nalang po sa inyo yung copies ko mamayang gabi! ". Rinig kong pagpapaalam ni Sevix. Shems! Aalis na siya.
" Oh sige Mr. Ezadera thank you! ". Nakita ko nanaman ang ngiwi sa labi ni Sevix nung matawag nanaman siyang Mr. ni Ma'am. Hate niya talagang tawagin siyang Mr. Well dapat masanay na siya dahil sa oras na mapabalik loob ko siya sisiguraduhin kong di lang ang pagkatao niya ang mababago ko pati ang lahat-lahat sa kaniya.
" Anytime Ma'am! ". Sarkastikang ngiti ni Sevix. Alam ko na mga gestures ng mukha niya at pinagkaiba ng sarcastic smiles niya sa perfect smiles. Kaya tantiya ko na pilit lang ang ngiti niya kay Ma'am. " Aalis na si Sevix Ghurl! ". Bulong ni Alola. Oo nga kita ko nga Alola. " Wala ka bang gagawin? ". Tanong niya. " Anu naman gagawin ko? ". Tanong ko din pabalik. " Pigilan mo! ". Suggestion niya.
" Para saan? Wala naman akong sasabihin sa kaniya! ". Nag roll eyes si Alola tapos pinisil niya yung balat ko sa braso para mapatayo ako ng wala sa oras at mayroon pang kasamang sigaw " Ahhhhhh!!!! ". Because of these scene na ginawa ko naagaw ko ang atensyon ng lahat lalo na ni Ma'am Jana at Sevix.
Infairness di siya nakalabas agad dahil nga sa sumigaw ako. At yung mukha ni Sevix hagas wari bang nag-alala siya sakin. Wait! Nag-aalala siya sakin umoooh! Pero baka di naman! Nag aassume nanaman ako. E paano naman kung Oo? " Why Ms. Valtocris? May masakit ba sayo? ". Tanong ni Ma'am Jana.
Pinasadahan mo muna ng tingin si Sevix bago sumagot kay Ma'am. " O-okay lang po ako Ma'am. May KUMAGAT lang po sa balat ko!! ". Sinadya kong iemphasize ang word na kumagat para matamaan yung babaeng katabi ko na kinurot lang naman ako. Nagtago siya sakin sa pamamagitan ng notebook niya.
Hindi ko na pinansin pa si Alola at tinignan si Sevix na kalmado na ang itsura ng mukha. So nag-alala nga siya sakin? Di nga! yiiiieeee two points na ito para sakin hehe. Naupo na ulit ako kasi tuluyan ng umalis si Sevix. Papabalik na siya sa department nila.
Wala naman akong ideya sa pinag usapan nila ni Ma'am. Tsaka wala akong planong alamin kung anu yun. Ipinagpatuloy ko na lang din ang pagsusulat. Naunahan na nga ako ni Alola sa sobrang pagkadistract ko kay Sevix kanina. Okay atleast isang Goddess naman ang natitigan ko lang naman ng husto. Baka di nanaman ako matulog nito mamayang gabi.
Sobrang saya ng umaga ko, samahan pa na concern pala sakin si Sevix hehe. Sana di yun hallucination o kung anu man kasi talagang kinikilig ako ngayon.
happy kana Shara yiiieeee!!!!