Shara Pov:
Dalawang subjects pa ang dumaan samin bago maglitera senyales na lunch na. Iisa lang ang canteen ng school, malawak ito at daig pang restaurant sa dami ng tables and foods ang nakalabas at ipinagbebenta. Hindi ako ganun kahilig sa pagkain. Kung mayroon akong kakainin is yung without rice. Pabread bread lang. Di naman ako mapili talagang di lang talaga ako nag rice.
" Hello! ". Napalingon ako sa nagsalita. Nasa puwesto na namin kami ni Alola. Wala pa ang barkada siguro busy pa o kaya di pa sila litera tulad namin. Kami naman kasi mag kaklase kami ni Alola kaya madalas na kami talaga ang parating magkasama.
Yung mukha ko halos dinaig pang ginusumot ng ilahad niya ang kamay niya sa harapan ko. Makikipag kilala ba siya puwes kung Oo huwag niya ng ituloy. Wala ako sa mood. Tsaka para naman di pa kami magkakilala e friend sila ni Kuya Shekel. " Ms. Valtocris puwede makishare sa table? ". He asked using my surname.
But before I answer him nilingon-lingon namin ni Alola ang paligid at ang daming vacant tables na puwede niyang puwestuhan tapos makikisikbay pa siya samin. Diba niya ba nakitang sapat lang samin dalawa ang table na to and who is he, Close ba kami? Sa pagkakaalam ko si Kuya lang kaclose niya at kami strangers. Nang maibalik ko ang tingin ko sa kaniya tinaasan ko siya ng kilay. " Excuse, ang dam———— ". Hindi ko naituloy pa ang sasabihin ko ng bigla nalang dumating si Kuya Shekel kasama si Sevix.
Yung gusumot na pagmumukha ko ay kusa nalang umayos at umaliwalas ng makita ko si Sevix and I already forgot what I'm going to say to this buwiset guy na nasa harapan ko. Tumabi siya sa gilid ng nakalapit na si Kuya at Sevix mismo sa table namin.
Sevix is a totally Goddess. Saan man anggulo ay perfect siya. Kaya lang mas malambot pa siya sakin. Bakit kasi kailangan nagibg bakla pa siya! " I found are perfect sit bro! ". Wika ni Yanson na bwiset upang manumbalik ako saking sarili. May pa miss-miss Valtocris pa siyang nalalaman. Kung di ko alam babaero siya.
Apaka dami kaya niyang babae sa buhay niya. Mayroon siya sa iba't-ibang campus. Mabuti di niya nireretuhan itong Kuya ko at si Sevix ko dahil kung hindi yari siya sa sakin.
" E may nakaupo na diyan Yanson! Sa iba nalang tayo ". Wika ni Sevix. Kumibit balikat si Yanson at aalis na sana sila nila Kuya ng tumayo ako sa pagkakaupo tapos nagsalita ako para pigilan sila sa pag alis. " Ahmmm no! ". Wika ko na napalakas kaya mabilis nila akong nilingon.
Nakatingin lang sakin si Sevix. Huwag ganiyang titig Sevix nakakatunaw e. Diko matake. " A-ahmmm I mean it's okay. You can share with us! ". Kinulbit ako ni Alola dahil sa sinabi ko. Alam kong di siya sang-ayon sa ginagawa ko kasi anytime baka maabutan kami ng barkada kaso kasi sayang naman yung opportunity diba. Pagbigyan niya na ako!
Tinignan ko siya. Tinging nagpapaawa na sana madala siya. " Minsan lang ito! ". Bulong ko pa sa kaniya. Mabait si Alola at mahal na mahal niya ako kaya alam kong pagbibigyan niya talaga ako. " Okay fine! ". Pabulong niyang sagot kahit medyo iritado. Ayaw niya kasing nababaliw ako kay Sevix ng husto. E may magagawa ba ako! Sa tinamaan ako dun sa tao e. Tsaka crush lang naman. Nginitian ko siya to say thank you at baling ulit ng atensyon kina Sevix.
Hindi na siya nakatingin sakin kundi kay Yanson. Na todo upo na sa harapan ko. Katabi ko kasi si Alola kaya sa harapan na namin sila puwesto. Hindi na nga sila umupo pa sa ibang table at nakishare na din samin. Tahimik lang sa tabi ko si Alola na kumakain.
" Litera na din pala kayo Shara? ". Umpisa ni Kuya habang umoorder si Yanson ng pagkain nila. " Obvious naman Kuya diba! ". Pamimilosopo ko kay Kuya. Like hello, nandito kami at kausap niya syempre obviously litera na din kami.
Hindi pinansin ni Kuya ang pambabara ko sa kaniya pero nakita ko na napatawa ko ng bahagya si Sevix dahil dun. " Tinatawa mo Sevix? ". Inis na ani ni Kuya kay Sevix. " Wala! tumatawa ba ako? I was just smiling you know! ". Ang bakla niya talaga kumilos at mag salita but still his smiles and glance are so handsome pa din. Di naaapektuhan ng kabaklaan niya ang pagkacrush ko sa kaniya.
" Here's our order, and Ms. Valtocris. One cupcake for you! Libre ko yan kaya kainin mo (Wink*) ". Sambit ni Yanson pagka balik niya matapos umorder. Inabot niya ang mga pagkain nila Kuya at Sevix ganun din yung cupcake na libre niya daw sakin. Pagkalapag ng cupcake sa harapan ko tinitigan ko lang ito.
Siniko ako ni Alola. " Anu yan suhol? ". Natatawang tanong ni Alola pero pabulong lang. Siningkitan ko siya ng mata. Huwag niyang sabihin na iuulit niya sakin si Yanson puwes huwag niya ng balakin dahil malabong hayaan ko siya. Kay Sevix ko lang ako, sa kaniya wala ng iba. " Kinakain yan di tinitigan Ms. Valtocris ". Ani pa ni Yanson. Like hello, alam! I am just observing it. Baka mamaya may gayuma edi nakalimutan kong si Sevix pala crush ko.
" Off course I knew. I was just checking it. Tsaka sayang lang ito kasi busog na ako! ". Pagtataray ko sa kaniya. Ewan ko ba kung anu nakain nito kaninang umaga at ganiyan ang ikinikilos. Tumawa si Kuya at Alola, napahiya naman si Yanson sa sinabi ko. Kahit guilty ako kasi napahiya ko siya e ayaw ko naman ipakita kay Sevix ko na nagi-entertain ako ng iba anu.
Faithful lang ako kay Sevix kaya ayaw kong magkaroon ng ibang connection sa ibang lalaki. Napatingin si Sevix sa cupcake. Gusto niya ba? o nasamaan siya sa inasal ko. Mukhang nasamaan siya. Rude ba? E sa faithful ako sa kaniya. Okay fine. " Yanson di mahilig sa sweets si Shara. Hindi siya palakain at madali siyang mabusog. Sablay naman yang pa pogi points sa kapatid ko e. Minsan magtanong ka din sakin okay! ". Pagkocomfort ni Kuya sa friend niya.
Ngumiti naman si Yanson sabay tingin sakin. " Ganun ka pala kapihikan sa pagkain Ms. Valtocris! Hayaan mo itake note ko yan. I'll make sure next time na gutom ka kapag ililibre kita (Smile) ". Pagkasabi niya nun subo na siya ng pagkain niya into cute way. Wait! Did I call him cute? well Oo maitsura naman kasi din itong si Yanson. Kaya nga madaming babaeng nababaliw sa kaniya at madami siyang babae.
Lahat ng fandom niya nagiging girlfriends niya. Saan ka pa diba. Kahit papaano naman ay may alam ako sa kaniya dahil kahit hindi ko naman tinatanong si Kuya Shekel tungkol sa mga kaibigan niya e nagkukuwento siya. Kaya nga nakakasagap din ako ng ilang thoughts about kay Sevix ko dahil kay Kuya Shekel.
" You mean Shekel may gusto si Yanson sa sissy mo? ". Gulat pero kinikilig na tanong ni Sevix. Wait! Kinikilig siya? Oh noooo! Sweety. Huwag. Ako ay para sayo kaya huwag kang kiligin. Mag selos ka! Hindi kiligin. Nahiya naman si Yanson at di na makatingin ng diretso sakin. Oh no! Masama ang pakiramdam ko dito. This kind of shy type gesture. Ganiyan ako kay Sevix e! So mean......
" Yup! Yanson like Shara! ". Wika ni Kuya na nagpalaki sa mga mata ko. Literal na napaawang ang bibig ko. Hindi puwede! I mean puwede naman pero huwag siyang aasa na papayag akong magpaligaw sa kaniya. Off course not. Kay Sevix lang ako nakalaan kaya masasayang lang admiration niya sakin. As if naman din na patulan ko siya e play boy nga siya.
Siniko-siko ako ni Alola. Kinikilig lang naman ang bestfriend kong basag trip din gaya ni Kuya Shekel. Naparoll eyes ako ng di nila nahahalata. Tinignan ko si Sevix at napatango-tango habang todo ngiti kasi kinikilig din siya. Anyemas! Ang sakit lang ah na di siya affected na crush ako ng tropa nila.
Bakit nga ba aasahan ko pa yun di niya nga ako crush! Tsaka bakla siya di kami talo. " Anu ba kayo nakakahiya andiyan si Ms. Valtocris oh! ". Suway ni Yanson kina Kuya at Sevix na inaasar na siya ngayon. Biglang nasira ang tanghali ko. Bwiset!
" Alola let's go! ". May awturidad kong aya sa kaniya. Di pa siya tapos kumain pero hinawakan ko na ang braso niya. " Oh Shara! Where are you going? Di mo pa tapos pagkain mo! ". Pag pigil ni Kuya sakin. Nakatayo na kami ni Alola ng tignan ko siya. Walang gana ko siyang sinagot. Pero naiinis ako. Paano sinira nila mood ko. " We're done. At may gagawin pa kami.... ". Sagot ko.
Nawawalan tuloy ako ng ugali sa kaniya. Kasi naman sa dami ng puwede nilang maihatid na balita e hindi pa tungkol kay Sevix na nafall na din ito sakin. Kundi tungkol kay Yanson na babaero pa. I don't care kung crush niya ako. Sinasabi ko na agad sa kaniya na masasayang lang lahat ng nararamdaman niya sakin kasi ang puso ko nakay Sevix lang.
Kakaiwas ko palang ng tingin kay Kuya ng. " Yung cupcake di mo kinain! ". Giit pa ni Kuya kaya nilingon ko ulit siya. " Kainin mo kung gusto mo! O di kaya ibigay mo nalang ulit diyan sa kaibigan mo! ". Inis kong sagot. " Kanino kay Sevix? ". Ambwiset! Dahil alam ni Kuya na inis na ako mas lalo niya pa akong bibwisiten.
Kumunot na ang noo ko sa inis. " KUYA AALIS NA KAMI! Kaya puwede ba——— ". Tinignan ko muna si Sevix na nakatingin din sakin. Gulat siya kasi tumaas na ang tono ng pananalita ko. Bawas ganda points nanaman ito. E kasi naman binibwiset ako nitong si Kuya Shekel at Yanson. Mga panira ng araw. " kainin mo nalang yan, alam kong di mahilig si Sevix sa cupcake! busog na ako. Aalis na kami! ". Sinikap kong maging mahinahon.
Ngumisi si Kuya sakin. Like I was thought he was just teasing me around. " T-tayo na Alola. Pumapangit ang atmosphere dito! Tsk ". Inirapan ko yung dalawa ni Kuya at Yanson maliban kay Sevix. Hinigit ko na palalayo si Alola. Mas mabuti pang bumalik na kami sa room kesa mag stay sa canteen kasama ang bwiset kong Kuya at kaibigan niya. Except Sevix.
Di pa kami nakakalayo ng marinig ko na sumigaw si Kuya. " Shara thank you daw sabi ni Sevix!!! ". Aish! Akala ko concern siya sakin tapos ngayon kung bwisetin niya ako kapag tinotopak siya. Ambwiset talaga! Padabog akong naupo sa upuan ko. Tahimik lang si Alola sa tabi ko kasi alam niya na anytime puwede akong sumabog. Lalo na at inis na inis ako.
Sa dami kasi ng makakacrush sakin bakit si Yanson pa.
Bakit hindi na lang ikaw,
Sevix!!!!