[Chapter 6]:Night Out

2501 Words
Shara Pov: Wala pa din ako sa mood kong umuwi ng bahay. " Haaayssss! Ang pangit tuloy ng image ko kay Sevix kanina dahil sa dalawang yun! Bwiset! ". Binubulyawan ko ngayon yung ceiling nitong kuwarto ko. Wala naman akong puwedeng makausap dahil busy ang lahat ng kasama ko dito sa bahay. In short wala ang pamilya ko at ang mga maids lang namin pati butlers ang kasama ko ngayon. Nawalan na din ako ng gana na iistalk pa si Sevix. Hindi ko na sila sinundan sa QC sa Schola. Dahil malalaman ko din naman sa sariling bibig ni Kuya Shekel ang information sa nangyari sa kanila sa Schola. Yun pa e may kadaldalyan din iyon minsan. Lalo na kapag walang magawa, magkukuwento siya ng mga kaganapan ng buhay niya kahit di mo kinakausap. Agaw atensyon din kasi si Kuya at tagumpay niyang nakukuha ang atensyon ng isang tao. Grabe kasi mambwiset! Kakapalit ko lang ng damit ko pantulog. Wala naman akong gagawin kundi ang mahiga. Puwede ko din iistalk nalang si Sevix sa IG niya. Hindi siya artista pero napakadami niyang followers. May verification na nga din IG niya e. Yung check na symbol. Nasa 457,000 lang naman followers niya sa IG tapos   374 ang following niya at di ako kasama dun. Kahit saan social media snub niya pa din beauty ko. Never niya na siguro maappreciate ang kagandahan na taglay ko. Kasi iisipin niya mayroon din naman siya nito. At ang kailangan niya is fafa at di Mama. Samantalang ako siya ang kailangan ko haha. Kahit papaano nalilimbang na ako ng mga pictures ni Sevix. Nawawala na ang iyamot ko at pagkainis sa kapatid ko at kay Yanson. Tama lang na mag tropa sila dahil pareho silang panira ng araw at mood ng tao. Habang kinukuting-ting ko ang cellphone ko. Mayroon nag pop in sa screen ko na dalawang notification. Nang icheck ko siya ay galing kay Alola at Kuya Shekel. Sabay pa talaga silang mayroon bagong post sa Twitter. Una kong tinignan ay ang post ni Alola. Bigla akong naiinggit nang makita ko na pictures nila ito habang nag eenjoy sa girls night out na dapat e kasama din nila ako. Kaso wala na akong piniling puntahan kasi nahigh blood ako kay Kuya pati kay Yanson. Babawi nalang ako sa kanila next time. Sa ngayon papakalmahin ko muna ang sarili ko. Sumunod ko ngang tinignan ay ang post ni Kuya. Nagulat ako at halos nabitawan ko ang phone ko ng may lalaking humalik sa pisnge ni Sevix. Ang nakalagay na Caption is #dareflingnight! " Holy mother f*****g gay! ". Wika ko. Sorry for the bad words but these photo makes my nerves alive dahil sa inis. Nagsisimula nanaman akong mainis. " Ang landi! ". Sambit ko. Totoo ang landi nung lalaking hinalikan ang Sevix ko sa pisnge. Sino siya para gawin yun? Like ewwww! Bakla ba siya! Ginagawa niya talagang bakla si Sevix e. Sino ba kasi nakaisip ng dare na ito at ngayon palang lulunurin ko na sa dagat hehe chour. Mabait naman ako kahit maarti at konting maldita. Chineck ko ang oras at maaga pa naman. Mukhang kakasimula palang ng kaganapan sa Schola na pinuntahan nila Kuya at sure na abot pa ako. Nag bihis ako ng crop top tapos high-waist pants konting paganda ang pack I'm Goddess haha. Nagpaalam muna ako kay Manang na kapag hinanap ako nila Mommy ay mag kasama kami ni Alola kasi may parti kami na pinuntahan. Nagpahatid ako kay Manong sa lugar kung nasaan si Kuya Shekel. Wala pa Akon License driver dahil di pa ako nakakakuha kahit 18 na ako. Di pa din kasi ako ina-allow ng parents ko na gumamit ng sariling sasakyan comparing sa mga kapatid ko. But it's okay dadating din ako sa point nayun. " Manong wait me here okay! mabilis lang ako! ". Ani ko kay Manong baka kasi iwan niya ako saan ako sasakay pabalik anu. Hindi na ako bago sa mga club house or bars dahil allow naman akong pumasok dito simula nung mag eighteen na ako. Actually ang theme ng debut ko these year is Disco so party-party talaga yun. Umarkila kami ng banda at yun ay ang banda ni Clexx Quirrez. May pa foam party din ako kasama sa birthday ko kung saan nakasuot lang kami ng swimming attires. Oh diba! So wonderful ng party ko. Solo kasi akong babae kaya talagang pinaghandaan nila. So sweet. So mabalik na tayo sa reyalidad. Pinapasok agad ako ng Bouncer na nagbabantay sa Club. Ipinakita ko lang sa kaniya yung confirmation ID nang Valtocris. Kilala na niya agad ako ganun palang. Available kasi lahat ng ID namin saan man kami lumalop pumunta so talagang mahalaga ang ID na to at dapat di mawala. Well puwede naman ulit ako magpagawa kaso nga lang sayang pa din. Dumeretso ako sa VIP place dahil paniguradong naka VIP sila Kuya. Remember birthday party ang pinuntahan kaya VIP ang kukunin nung celebrant. Bwiset na celebrant yan, dito niya napiling dalahin ang Sevix ko? ayan tuloy nananakawan ng halik. Ako lang puwede kumiss kay Sevix sa cheeks nito. Umakyat ako sa second floor. Alam kong dito ang VIP place at hindi nga ako nagkamali kasi mayroon akong naririnig na party poppers, torotot tsaka kumakanta sa video oke. Mayroon din mga nagsasayawan wild na wild like ewwwwww! Kadiri haha. Hindi sa maarti ako. Hindi lang talaga ako nagsasayaw ng spaghetting pababa na sobrang dirty na tignan ng steps. O.A na tapos lalaki pa ang ginigilingan niya. Lumakad pa ako ng konti papalapit sana sa puwesto nila Kuya. Natatanaw ko na sila ni Yanson pero si Sevix hindi ko makita. Lakad lang ako ng lakad pasimple at pautay-utay. Baka kasi makita pa ako ni Kuya hindi ko alam kung anung idadahilan ko. Iisipin niya agad na sinusundan ko si Sevix at mayayari ako sa kaniya. Pumunta ako sa isang upuan. Nakiupo ako dun. Kumuha ng drinks at uminom-inom din. Juice lang ito huwag kayong mag-alala. I hate alcohols kaya di ako mahilig uminom. Sinusulyapan ko ng di nila nahahalata sila Kuya. Nakita ko na din si Sevix at umiinom ngayon siya ng whisky. Alam kong whisky yun dahil medyo yellowish na orange ang kulay. Hindi nakakaturn off ang pag iinum niya kasi di din naman siya alcoholic like me. Minsanan lang siya pumunta sa mga bar lalo na kapag mayroon lang important event o occasion siyang aattendan like this. Panay ang tingin sakin nitong lalaki o bakla din na kinasit in. " Valtocris ka anu? ". Wika niya. " Hindi! ". Matipid kong sagot. Umiling siya tapos tinuro pa ako ng painting finger niya. " Uhmmm di mo ako maloloko, isa kang Valtocris. Nakikita na kita sa magazines ". Ani niya pa. Kinunutan ko siya noo. " Shhh hindi nga. Puwede huwag kang maingay! Kitam mong ginagawa ako ". Suway ko sa kaniya. Iniinis nanaman ako ng baklang ito. " Alam ko bang idol kita! ". Sambit niya na ikina igting ng tenga ko. " Idol mo ako? ". Tanong ko. " Oo! Sobra ghurl!!! ". May pagtili pa siyang nalalaman. Tumango naman siya. Nilingon ko si Sevix at nakatayo na siya ngayon. At kung hindi ba naman saksakan ng landi at kati ang mga babaeng kasama nila. Naningkit ang mga mata ko dahil sa nakikita ko. How dare that bitchy ugly duckling make flirt-flirt to my Sevix at mayroon pa siyang nalalaman na pagiling-giling sa harapan ng Sevix ko habang nakatayo sa harapan niya si Sevix. Mas lalo na kasing umiingay ang paligid dahil sa nakakaindak na music ng dj. Bwiset na tugtog ito. Palitan nila o patayin nalang kaya para di na makasayaw yung babaeng yun. Huminga ako ng malalim, naguusok na kasi ang ilong ko sa inis. Ikinalma ko ang sarili ko na gusto ng sugudin si Ateng malandi at sabunutan, balian ng buto, lalo't higit sa lahat ay lumpuhin para hindi na siya ever makasayaw. That b***h. Halatang nilalandi niya ang Sevix ko. Type niya din ang Sevix ko. Naakit din siya ng taglay na kagwapuhan nito kahit bakla. Hinarap ko ulit si bakla na idol daw ako. " Puwede pa picture? ". Request niya. " Sure! Pero sa isang kundisyon ". Ani ko. Tumaas ang dalawa niyang kilay sandali at ngumiti din naman. " Oo bah anything for you!! ". Kinikilig nanaman niyang sagot. " This is good! (evil smile) ". Bulong ko sa hangin. Nginisian ko siya na wari bang mayroon akong naiisip na di maganda. I need his help at alam kong makakatulong siya sakin. " You see that ugly duckling lady? Na sumasayaw ng dirty kay Sethrevix Ezadera? ". Tinuro ko pa sa kaniya yung pangit at chackang babae na ginigilingan pa din ang Sevix ko. " Yup! why? ". Pang eenglish niya. " Well, I am just going to ask you a favor lang naman. I want you to entertain that women! At dalahin mo siya sa wash room. Doon kita hihintayin kasama ang babaeng yun! At kapag nagawa mo ang favor ko saka ko igagrant ang request mo, anu deal? ". Inilahad ko sa harapan niya ang kamay ko. Tinignan niya muna ito. Huwag niyang sabihin na sasayangin niya ang oportunidad na lumalapit na sa kaniya. " Deal! ". Sambit niya na ikina evil smile ko sa isipan ko. " Go! Hihintayin ko kayo sa wash room ". Tumayo na siya sa kinauupuan niya. Pagkatapos nga ay nakita ko na siyang lumakad papalapit kay Ate Ghurl na madali naman niyang naawat sa pagsayaw. Nagulat pa nga si Sevix ng agawin ni baklang idol ako ang babaeng sumasayaw sa harapan niya. Ibig sabihin gusto din niyang ginigilingan siya nung babae. Puwes Sorry siya dahil walang ibang puwedeng sayawan siya kundi ako lang haha. Kahit touch by touch pa ipasayaw niya sakin o cariñosa gagawin ko. Just to make him happy haha. Nakuha ni bakla ang atensyon ni Ate ghurl na malandi. Binulungan ito ni Bakla siguro inaakit na niya ito sa wash room. Todo ngiti naman si Ate ghurl kasi akala niya piniflirt siya ng gwapong fafa na di niya alam e baklush naman pala. Kasi gwapo din naman si bakla na idol daw ako. Maitsura siya at fafang-fafa ang dating kaso talagang faithful ako kay Sevix kaya kahit anung gwapo ng ibang nilalang ang nakikita ko kay Sevix lang naattract ang puso ko. " Huli ka b***h! ". Sambit ko ng nakayakap na ito sa beawang ni bakla. " Malandi ka ha! Puwes makikita mo kung sino kinakabangga mong babae ka! ". Tumayo na ako sa pagkakaupo ko ng humarap na sila sa direksyon ko. Nauna na akong lumakad papunta sa wash room. Dun kami magtutuos na dalawa. b***h sa b***h! Ilang sandali pa ay dumating na si baklush na kinontrata ko. " Hintayin mo ako dito baby, may nakalimutan lang ako! ". Tinignan muna ako ni bakla sign puwede ko ng gawin ang gusto kong gawin kay Ate ghurl. " Okay baby! I'll wait roar! ". Napaismid ako sa kalandian nitong babaeng ito. Maaga siyang mabubuntis I swear. " Ang landi! ". Bulong ko ng dumaan siya sa harapan ko papasok na mismo sa wash room. Kasi nasa labas pa ako nito e. Kunwari may hinahanap lang ako sa bag ko. Pagkapasok niya pumasok na din ako. Isinara ko ang pintuan pagkapasok ko palang. Hindi naman niya yun pinansin at patuloy sa pagreretouch ng mukha niyang napagka kapal na dahil sa make up niyang over na. Kunwari ay nagreretouch din pero pasimple ko siyang tinitignan. I saw her took some bottle na di ko alam kung anung gamot ang laman. Pero ininom niya yun. Nang mailapag niya yun sa sink nabasa ko na Pills pa yun. So may plano siyang gahasain si baklang kakontrata ko. Grabe! Sinadya kong tabigin ang pills niya kaya nalaglag ito at nangalat ang laman sa sahig. " Oh shiiiit! ". Mura niya. " Sorry di ko sinasadyang matabig ". Wika ko. Tinataasan ko siya ng kilay habang nakayuko at pinagmamasdan lang ang gamot niya. " Look what you have done? Your too careless ". Pangeenglis niya. Huwag niya akong madaan-daan sa English dahil baka manosebleed siya sakin. " I already did apologize! ". Sambit ko. " Do you think that's enough? ". Taas kilay niyang tanong sakin. Ang so susungitan niya ako well mas masungit ako. " Hindi ko naman kasi alam na nakapatong pala yan sa tabi ko! ". Giit ko. " So kasalanan ko pa ganun? ". Sagot niya. " Well kung tinatanong mo ako. Yes!!! Kasalanan mo at hindi ako ". Pagtataray ko na din. " Tsk! Akala mo kung sino ka ah! ". Pag-angas niya. " Hindi lang talaga ako kung sino. Dahil ako lang naman yung girlfriend nung Ezadera na ginigilingan mo kanina. Akala mo di ko nakita yun. Ang LANDI mo!!!! ". Pang-iinit ko. " Girlfriend? E bakla yun e. Paano ka magiging girlfriend ni Sethrevix? bakla siya! ". Sino siya para tawagin bakla sa harapan ko ang love of my life. Dinuro ko siya gamit ang hintuturo ko. " You b***h! Don't you dare call my Sevix a gay! Wala kang pruweba ". Giit ko. " Haha Seriously. Alam ng lahat na bakla siya. Ikaw nalang yata ang hindi! Tsaka pakealam mo ba kung sinasayawan ko siya. E gusto din naman niya ang ginagawa ko sa kaniya.... if I know isa ka lang sa admirer niya na assumera. Dumaan din ako diyan! Pero gumising ka na. Di siya magiging straight! ". Buwelta niya. Umawang ang bibig ko sa pinagsasabi niya. Sumosobra na siya ah. " Kung sa akala mong makikinig ako sa sinasabi mo puwes hindi. And remember this b***h. Tigilan mo na ang boyfriend ko. Kung assumera ikaw malandi. Balak mo pa atang anakan si Sevix at may dala-dala kang pills. Hindi ka lang malandi. Gold digger pa!!!! At kung ayaw mong masira yang pagmumukha mo sa oras di ako makapagpigil na ingudngod ka diyan (itinuro ang toilette) tigilan mo Sevix! Kundi sisiguraduhin ko na di ka na mamumukaan ng pamilya mo! ". Sa labis na inis ko ay nag walk out na ako. Hindi ko na alam ang naging reaksyon nung babae. Bwiset! Lahat nalang sila sinasabing di magiging straight si Sevix. Parati nalang ipinapamukha ng mga tao sakin na kahit kailan di na ako mapapansin ni Sevix kasi mga bakla siya. Tsk! Sa tingin ba nila ito ang magpapasuko sakin puwes hindi. " Shara! okay na ba. Yung picture ko! ". Salubong ni bakla na idol ako pagkalabas ko sa wash room. " I'll send you all my photos na kakareshoot lang at mayroon pang mga pirma ko. Hindi pa yun narirelease at ikaw ang kuanahan makakakita nun. Just send me your email on my IG acc. ". Wika ko at di na hinintay pa ang sasabihin niya. Lumabas na ako ng club. Sumakay sa kotse at nagpahatid na papauwi. Sirang-sira na ang maghapon ko. Ang gusto ko nalang ay ang matulog. Kalimutan ang bwiset na araw ko ngayon. Sevix kasi pansinin mo na ako!!!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD