Shara Pov:
" Tapos we dance and dance and lots of games na talaga naman dari———— Shara nakikinig ka pa ba? Hello! ". Winave niya sa pagmumukha ko ang makapal niyang palad. Tinignan ko ito ng walang gana kaya naduling ako. " Kanina ka pa tahimik lang at nakahalumbaba diyan. May iniisip ka ba? ". Tanong niya.
Bumuntong hinga ako pagkatapos ay umubob nalang sa desk ko. Pakiramdam ko magkakasakit ako. Ang boring kasi ng life ko ngayon. Hindi ko pa kasi nakikita si Sevix tsaka paano ko siya makikita e mag iba ang department namin. Mamaya naman sa canteen siksikan so ang tendency 50% lang ang tiyansa na magkita ulit kami.
" Hulaan ko! Dahil nanaman yan sa Sevix mo anu! ". Sambit niya. Di na niya kailangan hulaan. Alam naman niyang happy pill ko na si Sevix itatanong niya pa kung anung pinoproblema ko. " Asus! Huwag ka ngang magmukmuk diyan dahil yung Sevix po papasok na ngayon sa room natin! ". Pagkasabi niya nun napatunghay ako agad.
Mabilis talaga ako pagdating kay Sevix. Yung mga mata ko nag nining-ning nanaman ng maspotan ko ang Goddess na mukha ni Sevix. Kakapasok niya lang sa room kausap si Mrs. Jana. " Good morning ma'am ". Bati niya pa kay Ma'am. " Anu okay ka na? Nakita mo na siya! ". Tanong ni Alola. Ngumirit ako sandali habang titig lang kay Sevix. " Ang gwapo niya talaga! ". Bulong at di pag bibigay pansin kay Alola.
" Ayuuun! Tinamaan nanaman (Iling) ". Bahala siya basta ako happy na hehe kaso biglang napawi ang mga ngiti ko ng maalala ko ang nangyari kagabi lang. Malungkot nanaman akong humalumbaba saka iniiwas ang tingin kay Sevix. " Paalis na si Sevix Ghurl! ". Wika ni Alola. " Hayaan mo siya! ". Diko interesadong sagot.
" Hala! Deadma mo na siya. Himala, anu nanaman emote yan? ". Ungkat niya. " Papalabas na siya ng room oh! ". Dagdag pa niya. Gustuhin ko man tignan pa si Sevix ng matagal ngunit nasasaktan ako. Hindi dahil sa di niya ako magawang pansinin kundi dahil nagseselos ako dun sa babaeng hinayaan niyang landiin siya kagabi. " Nagpapalandi naman pala siya sa iba tapos sakin bawal? So unfair! ". Bulong ko na ipinagtaka ni Alola.
" Ha? Anu sinasabi mo? Diko naintindihan ". Bumuntong hininga ako. Ayaw ko ng pag-usapan pa ang tungkol dun. Kapag naalala ko yung babae gusto ko siyang ingudngod talaga sa toilet. Pinabayaan kong makalabas ng room si Sevix habol tingin lang ako habang nakabusangot. May kilig pa din pero naiinis ako sa kaniya kasi nagpapalandi siya sa ibang babae tapos sakin bawal and that's unfair!
Kesa maubos ang oras ko sa kakaemote ay itinuon ko nalang ang pansin ko sa notebook ko.
" Anu bang oorderin mo Ghurl treat ko ng sumaya-saya naman pagmumukha mo! ". Ani ni Alola. " Bakit ba kasi nakabusangot itong prinsesa natin ". Asar pa naman ni Naomi. Isa sa mga barkada namin ni Alola. Bali apat kami at si Dana itong isa na basa lang ng basa ng comics kaya wala siyang pakealam sa paligid niya. " Shut up Naomi! You see I struggling here with my personal problem! ". Giit at suway ko sa pag-uumpisa niyang asarin ako.
" Okay! Okay! Di ka na mabiro. E bakit ba kasi highblood ka? ". Tanong niya. " Paanong di yan mahahigh blood haha. Lumalandi lang naman sa ibang babae si Sethrevix Ezadera samantalang siya di magawang pansinin! ". Siningkitan ko ng tingin si Alola. Wow ha! Bait nilang friend nakakatulong sa nararamdaman ko. " Thanks for reminding me ha, Alola. Your truly my bestfriend! ". Buwelta ko sa kaniya.
Tinawanan lang ako ng babae. Inirapan ko siya at halumbaba nanaman. " Ah may Love Problem! Inggit tawag diyan ". Ani ni Naomi. " It's selos not inggit! ". Dipensa ko. " Kailan pa ako nainggit sa iba. Like dah! Hindi kainggit-inggit yung ugly duckling chakaflirt na yun! ". Inis kong inaalala ang pagmumukha nung babaeng nilandi ang Sevix ko.
Pinagtawanan nila ako ang apir panga yung dalawa ni Alola at Naomi. Si Dana naman wa pakels. Kinagat ko ang labi ko, sabay pout. " Mabuti pa kuha ko na muna kayo ng makakain. Kausapin mo yan Naomi si Shara ng matauhang tigilan na ang pagkahumaling kay Sevix! ". Kukumpruntahin ko pa lang si Alola at nilayasan na niya kami.
" You know what Shara, crush is crush means paghanga diba at nawawala. Pero yang sayo at kay Sevix (Umiling) I think it isn't just a crush anymore. Since bata ka palang may gusto ko na kay Sevix. Di ka lumilingon sa iba at tanging sa kaniya lang nakatuon ang atensyon mo. What you felt right now for him ay hindi nalang basta crush. I feel more than that! ". Anung gusto niyang sabihin? Love expert din pala siya. Ngayon ko lang nalaman.
" Masyado ka ng obsess sa pagtingin mo para kay Sevix. Kung talagang crush lang yan. Why so too damn affected kung may mang flirt sa kaniya and if I know halos patayin mo na yung babae na yun kagabi. Kilala kita! And Shara you see umamin ka na kay Sevix noon, why you can't just accept the fact na bakla talaga si Sevix at malabo ng maging straight pa siya! ".
Ito nanaman ang tungkol sa pagkabakla ni Sevix. Why they can't get me? Why they always need to say na wala ng pag-asa si Sevix. Hindi ba nila kayang maging positive din katulad ko, samahan nila ako sa pag-iisip ng positive. Kesa parating itulak nila ako sa katotohanan why not na damayan nila ako at tuparin ang pangarap ko na balang araw magugustuhan din ako ng taong gusto ko. Suportahan nila ako!
"Naomi, paano ko matatanggap ang katotohanan kung sa 100% e may nakikita pa akong chance sa kaniya. Malaki pang chance ang 45% Puwede pang humigit yun! ". Tugon ko. Sakto naman na dumating na si Alola dala ang mga food namin. Fries lang ang pinabili ko sa kaniya kasi wala akong gana kumain ngayon ng rice o tinapay.
" Tsaka masisise niyo ba ako. Nagkagusto lang naman ako sa tao. Sa kaniya ako sumasaya kahit na di niya ako magawang pansinin at kahit na ayaw niya sakin.... ". Lumungkot ang tono ng boses ko. " Bakit di niyo nalang ako suportahan kung saan ako masaya! ". Dagdag ko pa.
Nakatingin lang ako sa fries ko habang pakutib-kutib dito. " Concern lang naman kami sayo Shara! Ayaw ka namin masaktan dahil dun ang punta nitong nararamdaman mo sa kaniya. Nasaktan ka na niya once diba nung magtapat ka and that's enough! ". Mahinahon pagkakasabi ni Alola.
" I know but I just can't help crushing him, admiring him! I'm stuck with Sevix.... ". Gusto kong maintindihan din nila na hindi din madali na nababaliw ako sa isang tao na walang pag-asang magustuhan man lang ako pabalik. Pero nanatili ako kay Sevix kasi masaya ako sa kaniya. Masaya ako na gustuhin siya kahit walang kapalit.
Nagkatinginan silang dalawa. Binalot kami ng pansamantalang katahimikan. Nabasag lang ito ng magsalita si Dana. Nagulat pa nga kaming tatlo kasi bigla-bigla nalang siyang bumabanat. " Gusto mo ba talagang mapansin ka ni Sevix? ". Ako ang kinakausap niya for sure. Ibinaba ni Dana ang hawak niyang comics at hinarap niya kami lalo na ako.
Alangan akong tumango, nakakailang kasi ang kaseryosohan ng mukha niya. " Himala, Dana nagsalita ka ". Ani ni Naomi pero dineadma lang siya ni Dana. Attitude ito always si Dana e. " Magpapayo ka ba Dana? ". Tanong ko. " Gusto mo bang makinig ang opinyon ko? ". Tanong din niya pabalik.
Hindi ako sumagot. Sinenyasan niya kaming huwag magsasalita at makinig lang sa kaniya. " Madali lang naman solusyon sa mga problema niyo e. Hayaan natin si Shara kung saan siya masaya. Isupport lang natin ang desisyon niya..... ". Pagbibitin samin ni Dana. Aangal pa sana si Alola subalit inawat siya agad ni Dana sa pagsasalita. " Ako lang ang magsasalita diba! ". Ani nito. Kaya naudlot na si Alola at pinili nalang itikom ang bibig.
" At Shara, kung gusto mo mapansin ka ni Sevix. Think out side the box. Simple lang. Kumilos ka. Hindi enough ang umamin ka lang sa kaniya, samahan mo ng gawa. Kung kinakilangan mong parati siyang buntutan at kulitin gawin mo. Hayaan mong mabwiset siya dahil mas effective yun. Mag paimpress ka, magpapansin ka pa, gawin mo ang lahat ng makakaya ko upang mas makuha atensyon niya! Gets? Take it as a passion. If you need to chase him, Go Shara! Support ka namin kahit anu pa yan. What are friends are for diba ".
Ilang segundo kaming nahang na tatlo dahil sa litanya ni Dana. Sabay-sabay kaming pumalakpak ng mabagal dahil word of wisdom na narinig namin sa kaniya. " For the very first time Dana. Ito na ang pinaka mahabang nasabi mo! ". Sambit ni Naomi. " Agree! ". Pagsang-ayon ni Alola. Napailing naman si Dana samin sabay dampot nanaman sa comics. " Yiiiieeee Dana I love you na talaga!!!! ". Sambit ko ay niyakap siya ng sobrang higpit.
" Haaayssst, wala na nanalo na si Dana ". Ani ni Naomi. " Basta Ghurla, sa oras na masaktan ka ulit kay Sevix dahil sa kagagahan mo. Talagang mayayari ka na sakin! ". Banta ni Alola. Nginitian ko naman siya at sinunod na yakapin. " Promise hindi ako masasaktan! I love you Alola ikaw din Naomi! ". Kiniss ko sila sa cheeks nila.
Hindi man ako masuwerte sa love life atleast masuwerte naman ako sa mga kaibigan!
I love you girls!!!