Shara Pov:
Isang linggo na ang nakakalipas at napagisipan ko na ang hakbang na gagawin ko para mapansin na ako ni Sevix. Gumawa ako ngayon ng Lunch na ibibigay ko kay Sevix mamaya sa school. Hindi ko na itatago ang nararamdaman ko sa kaniya. I don't care kung bakla siya. Handa akong gawin ang lahat para mapansin niya ako. Wala din naman nang magagawa si Kuya Shekel kung talagang crush ko friend niya e.
Maaga pa talaga ako gumising parang lang magpaturo na magluto kay Manang ng favorite food ni Sevix. Alam kong hilig niya ang ginisang corn beef yung may kasamang sweet potato na hinati-hati into a small pieces of cubes. " Manang is he going to like this kaya? kinakabahan ako baka mamaya di niya tanggapin ". Nangangamba kong tanong kay Manang.
Pinapanuod niya lang ako magluto. Hinalo-halo ko na kasi ang cornbeef tsaka yung patatas sa kawali. Manang was just guiding me nalang. " Anu ka ba bunso, amoy pa lang nakakabusog na. Malabong di niya tanggapin yan lalo na at pinaghirapan mo! Magtiwala ka lang (Smile genuinely) ". Nakakagaan talaga ng pakiramdam itong si Manang kahit kailan. Kaya love na love ko siya e.
Nginitian ko nalang din siya pabalik bilang tugon at ipinagpatuloy ang pagluluto. After ng ilang minuto lang ay pinatay ko na ang apoy pagkatapos naglagay ako ng kaunti sa mini plate para maging free taste to judge na din ni Manang. Tapos yung natira ay inilagay ko na sa Lunch box na binili ko kahapon sa mall. Color Green siya para pang lalaki talaga. Ayaw ko ng pink kasi masyadong girly at nakakabakla talaga yun kay Sevix.
" Uhmmm ang bango naman ata niyan! ". Napatingin ako sa bagong dating na si Kuya Shanon. Dahil sa maaga nga ako nagising ay naabutan ko pa siya na nandidito sa bahay. Si Daddy nalang ang hindi at si Mommy naman maaga di pala umalis kasi magkasama sila ngayon ni Daddy. Kailan daw si Mommy sa opisina e.
May ngiti sa labi niyang lumapit samin si Kuya Shanon. Halata mong nagustuhan niya agad sa amoy palang ang niluto ko. " Good morning Kuya! ". Masiglang bati ko. " Good morning! Agad mo ata ngayon? ". Tugon niya. " Uhmmm nagluto kasi ako neto, try mo! Then tell me kung anung lasa ". Sinandukan ko siya sa isang kutsara nitong niluto ko na cornbeef. Hinipan ko muna bago isubo sa kaniya.
" So what's the taste? Is it good? Puwede na ba? ". Sunod-sunod kong tanong. Di pa siya makasagot kasi may laman pa bibig niya. Pero nag thumbs up siya na ikinangiti ko ng todo. Nag apir kami ni Manang. " It taste good! Ikaw ba nagluto? ". Tanong pa ni Kuya. Tumango ako. " Actually nagpaturo ako kay Manang ". Tinignan ko si Manang. " Pero si Shara talaga ang nagluto ". Wika ni Manang.
" That's good Shara. Keep it up okay. Di na din ako magtatagal. May pasok pa ako at ikaw after niyan mag ready ka na din. Baka malate ka. By the way para kanino yan wala na bang canteen sa school niyo? ". Dahil sa tanong ni Kuya ay natigilan ako sa ginawa ko. Alam niyang crush ko si Sevix ngunit hindi ko puwedeng sabihin sa kaniya na ipinanggagawa ko ng Lunch si Sevix. Basta hindi puwede.
" Ah anu kasi Kuya. Sawa na ako sa foods sa canteen. Kaya naisipan ko ng magbaon nalang ". Palusot ko na sana paniwalaan ni Kuya. Tumango siya na ikinahinga ko ng maluwag. " Ah okay That's good. Well I have to go! Take care okay study hard Shara! ". Paalam ni Kuya Shanon, kumaway nalang siya papaalis na. Naiwan ulit kami ni Manang dito sa kitchen.
" Tapos ko ng iprepare ang food ni Sevix Manang! Excited na po akong ibigay ito sa kaniya mamaya ". Kinikilig kong sambit kay Manang. Natatawa naman siya sa inaasal ko. " Good luck Bunso ah! Magugustuhan yan ni Sevix panigurado ". Pagcheer up pa ulit sakin ni Manang. Umakyat na ako sa kuwarto ko dala-dala ang Lunch na ginawa ko.
Inilagay ko ito sa isang paper bag na color green din syempre. Para iaabot ko nalang kay Sevix mamaya. Excited na akong makita siya na tinatanggap ang ginawa kong Lunch. Di naman niya siguro tatanggihan ito lalo na at pagkain ito. Masamang tinatanggihan ang grasya!
Nagready na ako for school. After my daily routines ay nagpaalam na din ako kay Manang. Si Kuya Shekel naman nauna ng pumasok pagkaalis na pagkaalis din ni Kuya Shanon siguro mga 10 minutes ay umalis na din siya. May ngiti ako sa labi kong pumasok ng classroom namin.
Nagkakagulo sila pagpasok ko. " Anung ngiti yan Ghurl! ". Bungad agad sakin ni Alola pagkalapag ko sa bag ko. Ipinatong ko sa arm chair ng upuan ko ang paper na labit-labit ko papasok kanina. " Iyan na yung Lunch na ginawa mo para sa kaniya? ". Tanong ni Alola. Tumango habang kinikilig. " Huwag ka muna mag bunyi Ghurla. Di mo pa naiibigay. Oo nga pala wala si Mrs. Jana ngayon sumakit daw puson e. Magkakaroon ata. Pero nag iwan siya ng sulatin. Kaya may gagawin pa din tayo ngayon ". Chika niya pa.
Tango lang ako ng tango sa kaniya. Kahit ang totoo e wala na akong naiintindihan kasi lutang ako tungkol kay Sevix. Iniimagine ko kasi kung anu ang magiging reaksyon niya sa oras na maibigay ko na sa kaniya ang niluto kong cornbeef. " Uyyy Ghurla nakikinig ka pa ba sakin ha? ". Tanong niya kasabay ng biglaan kong pagtayo. Taka niya akong tinignan. " Ibibigay ko na sa kaniya yung Lunch, Let's go Alola! ".
Walang anu-anu pa ay hinila ko na siya papalabas ng room. Hindi na din siya nakaangal dahil nasa kalaghatian na kami ng room namin. Malayo na ang nararating namin kaya no turning back na siya. " Sigurado kabang ngayon mo na ibibigay tsaka Ghurla. Seryoso kang ibibigay mo? ". Nilingon ko siya.
Nauuna kasi akong maglakad at siya e kabuntot ko habang hila-hila gamit ang kamay niya. " Sigurado na ako! Di ba nga sabi ni Dana gawin ko ang lahat para mapansin niya. At eto nga. Hindi lang siya ang makakapansin, pati classmates niya! ". Ani sabay ngiti ng todo. " Hindi ko gusto ang ngiti mo! ". Wika niya para iiwas ko na ang mga tingin ko sa kaniya.
Nung marating na namin ang collage department. Tinamaan ako ng kaba sa katawan ko ngunit hindi itong kaba na ito ang magpapatiklop sakin. Sabay na kaming naglalakad ngayon ni Alola. We're here na nga sa third floor ng Engineering section. Syempre dahil section A sila ay nasa bandang dulo pa ang room nila Sevix.
Bali waking section sila at anim na room na ang nadadanan namin. Naglalakad palang kami sa corridors ay natatanaw na agad ng magagandang kong mga mata ang Goddess na mukha ni Sevix. Tumatawa ito na dinaig pang nanalo sa lotto sa sobrang saya. Mayroon kasi siyang kausap na beki din. Siguro classmate nila. Maraming estudyante ang corridor nila at namumukod tangi sila ang wala sa loob ng room.
Mukhang vacant sila ngayon dahil yung ibang section mga tahimik pero sila ayun ang gugulo at iingay. Mabuti di nagrereklamo kalapit room nila kundi yari sila. Ilang hakbang nalang nagsisimula ng bumilis ang t***k ng puso ko sa kaba. Hindi ko alam kung bakit ako kinakabahan but it won't stop me para manotice ni Sevix.
Kailangan kong maibigay sa kaniya itong Lunch na ginawa ko pa mismo kasi sayang naman effort ko kung di niya mapapansin at makakain o di kaya kahit tikim lang that's enough for me. Sign na naappreciate niya ito. Huwag naman sanang ibaliktad ako ni Tadhan at iwan sa ere. Sakyan naman niya sana ako ngayon. First time ko itong gagawin, ang magpakababa mapansin lang niya.
" Shara, balik nalang kaya tayo! ". Suhestiyon ni Alola. " Nandito na tayo Alola wala ng atrasan Ito. Tsaka ibibigay ko lang naman Ito kay Sevix tapos yun na, puwede na tayong kumaripas ng takbo ". Ani ko. Pinagtitinginan kami ng mga nakakakita samin. Nakita ko pa na itinuro ako kay Kuya nung babae na isa sa mga classmates niya. Dahil dun napatingin nga si Kuya sa gawi ko.
Humakbang siya papasalubong sa direksyon ko. Nang malapit na siya sakin sinubukan niya akong kausapin pero di niya inaasahan ng lampasan ko lang siya. " Hi sis———— ". Putol niyang pagsasalita ng malagpasan ko siya. Dumeretso ako mismo sa kinatatayuan ni Sevix. Mabilis ko naman naagawa ang atensyon niya. Napatingin sila sakin nung kausap niyang bakla.
" Shara, mali ka ata ng nilapitan? Ayun si Shekel oh ". Itinuro niya pa sa likuran ko si Kuya na dineadma ko lang. Sinundan ko ng tingin ang itinuro niya sabay balik din sa kaniya ang atensyon. " Hindi, actually ikaw talaga ang pakay ko.... Ahmmm Sevix..... ". Pabitin kong pagsasalita. Kinakabahan ako pero kaya ko ito. Para sa kay puso Shara gawin mo na.
Nagkatingin sila nung bakla niyang kasama. " Ako? ". Bakla na tono ng pananalita niya. " Oo ikaw! ". Shems! Kinikilig ako na kinakabahan. Kinakausap lang naman kasi niya ako at achievement na rin ito ah. " Bakit? ". Matipid niyang tanong. Iniabot ko ang paper bag na green sa kaniya imbis na sagutin ko siya. " Para sayo, G-galing sakin! ". Bakit nag tatantrums ako. Ikaw ba naman itong magbibigay ng gift sa crush mo at di mo alam kung masisiyahan siya or what.
Hindi niya kinukuha ang bag. Nakatingin lang siya rito. Nagsisimula akong kutuban ng masama. " Ginawa ko Ito para sayo! ". Dagdag ko pa. " S-shara! Anung ginagawa mo ". Rinig kong suway na sakin ni Kuya Shekel sa likuran ko subalit di ko siya binigyang pansin. " Tanggapin mo na please Sevix! Nararamdaman ko na ang kahihiyan ko! ". Bulong ko sa isipan ko. OMG! di ba niya tatanggapin.
" Ghurla balik na talaga tayo! Mukhang di niya tatanggapin! Isip na ako palusot? ". Giit ni Alola. Bumubulong lang siya sakin habang sinasabi yun. " No. I won't surrender! ". Wika ko pabulong din. " Trixie, para sayo daw oh. Tanggapin mo na Mukhang taga hanga mo sister ni Shekel! ". Kung sino man extra ang nagsasalitang yun well thank you for keep on pushing him to me.
Tinignan ni Sevix yung paligid niya. " Shara ———— ". Magsasalita siya pero naungusan ko yun. " I STILL LIKE YOU SEVIX!!!! and I don't care kung mas babae ka pa kesa sakin. Gusto kong malaman ng lahat ng nandito na Gusto pa rin kita. I am still into you!!!! ". Sabihin niyo nga tama pa ba itong ginagawa ko. Kesa naman sa mawalang saysay lang lahat diba. Ginawa ko na din ito noon ng umamin ako sa kaniya pero kami-kami at walang ibang tao.
But now, lahat ng classmate niya at lahat ng students na nasa third floor Engineering course ganun din ang mga teacher ay alam na ang totoong nararamdaman ko para kay Sethrevix Ezadera. Wala ng atrasan Ito. Dahil Ito naman talaga ang plano ko na malaman ng lahat na si Sevix ay akin lang. Walang puwedeng magkaroon ng gusto o mag may-ari sa kaniya kundi ako lang.
Literal na napanganga sa gilid ko si Kuya Shekel pati si Yanson. Hindi ko nga namalayan nakalapit na sila sakin e. Si Alola din ay gulat sa eksena na ginawa ko ngayon. Confessing my feelings to Sevix for the second time. Alam kong irereject niya ako pero inihanda ko na ang sarili ko. Kasama yun sa plano.
Nanlaki din ang mga mata ni Sevix sa narinig niya sakin. Hinawakan ko ang kamay niya at sapilitan kong pinahawak sa kaniya ang dala kong paper bag. " Para sayo yan sweety, ubusin mo yan okay! (Wink*) ". Sa labis na pagkagulat sa pangyayari ay lutang silang lahat. At bago pa man sila matauhan pinasimplihan ko ng nakaw na halik si Sevix sa pisnge niya. Bumulong din ako sa tenga niya. " I'm going to get you Sevix! I will ".
Pagkabulong ko sa kaniya ay hinawakan ko na sa kamay ang tulala rin si Alola. Natauhan naman siya nung nakakalayo na kami sa Section A. Pinagtitinginan ako ng mga tao, kung sikat na ako mas lalo pa ata akong sisikat ngayon. Huli na ng marinig ko ang sigawan ng buong Engineering students sa third floor dahil sa ginawa kong scene. Nakanaba na kasi kami sa second floor ni Alola.
Yakap-yakap ko sa braso niya si Alola habang naglalakad kami papabalik sa room namin mismo. " Ikaw ba talaga yun Ghurla? Ibang klasi! Lunok pride ha! I now you girl! ". Sambit niya para matawa ako. " Huwag mo muna akong sambahin Alola dahil nga uumpisa palang ako! (Smirk*) ". I'll make sure na sa mga susunod pang araw mas pahigit ng pahigit ang gagawin kong paraan para lang makuha ang puso ni Sevix.
Hindi na atensyon lang niya ang target ko kundi ang mismong siya na.
Get ready my Sweety, Sevix......
I'm gonna get you!!!