[Chapter 9]:It hurts

2706 Words
Shara Pov: " Bilisan niyo dali! ". Akit ni Naomi samin. Nandito kami ngayon sa park ng school. Kakalunch time lang at tapos na kaming  kumain. Anung ginagawa namin dito sa park? Wala lang, sinusundan lang naman namin si Sevix. Kasama niya kasi ngayon yung friend niyang bakla. Hindi siya sumama kina Kuya Shekel na nasa canteen. Mukhang nag boy hunt si Sevix dahil nanunuod sila ngayon ng mga naglalaro ng Soccer sa karatig na field nitong park. " Ang yummy ng mga soccer player. Kung ako sayo Shara sa kanila nalang ako ". Ani ni Naomi. Pinagsingkitan ko siya ng mata. Anu bang pinagsasabi nitong si Naomi. " Kahit anung yummy nila wala akong pake. Kay Sevix ko lang ang atensyon ko wala ng iba! ". Giit ko. Nag hands up naman si Naoimi dahil sa sinabi ko. " Okay! Okay! Nagsasabi lang naman e! Bakit parang kasalanan ko pa! ". Ginaya niya pa talaga si Bea Alonzo, napailing naman ako. Iniiwas ko na sa kaniya ang atensyon ko. Masusi kong minatyagan si Sevix kasama yung bakla niyang kaibigan. " Wala ba silang klase at nandito sila! ". Bulong ni Alola. " Obvious ba, kitams naman nanlalaki sila anu ". Sagot ni Naoimi. " E anu na gagawin natin ngayon. Kailangan madala natin si Shara at Sevix sa iisang lugar lang! ". Tama kayo ng nabasa kay Alola. Plinano ko na makasabay sa Lunch si Sevix ngayon kaso nalaman ko na maagap silang nag letera kaya nalate na kami ng labasan. Hindi ko na siya naabutan mag lunch. Kaya di ko na din nakita pa kung kinain niya ba yung pagkain na ibinigay ko ulit sa kaniya. Yeppp! Simula kahapon ay itutuloy-tuloy ko na ang pagpapadala ng pagkain kay Sevix sa ayaw at gusto niya. " Wag kayong mawalan ng pag-asa. Kung di sila nagkasabay kumain ngayon. Puwes magkakasabay silang mag cutting! ". Ansabe? Sabay-sabay kaming napatingin sa minsanan lang mag share ng opinion niya, walang iba kung si Dana. " Cutting? Ayaw ko mag record ng ganun anu ". Giit ko. Hinawakan niya ako sa tigkabilang balikat ko. " Shara kung gusto mo talagang mapansin ka niya. May mga bagay na dapat mong isakripisyo kasama na dun ang pag-aaral ". Wait! Napasobra naman ata ang idea nitong si Dana. Lumayo ako sa kaniya. " A-anu bang sinasabi mo Dana. Gustuhin ko man makasama si Sevix pero kung tungkol sa pag-aaral. Di ko puwedeng piliin si Sevix ". Ani ko. Natigilan siya. Inirapan ako ng Ate niyo. Abat attitude din pala itong si Dana. Ay siya nga pala ang pinakang attitude samin haha. " Masyado kang banal! ". Buwelta niya. Masisise niya bang good girl lang talaga ako. Bubulyawan ako ng mga kasama ko sa bahay lalo na ni Dad kapag nalaman niyang ang cutting ako. Baka nga ma grounded pa ako e. " Bukas nalang kaya natin ito gawin! ". Bigla kasi akong kinabahan sa sinabi ni Dana. " Walang klase mamaya di mo ba alam ". Singit ni Naoimi. Kaya ba nandito sila Sevix kasi walang klase ang lahat ng levels. " Hindi saan mo naman nasagap yan? ". Nginisian niya ako. " Alam mo naman chismosa ako pagdating sa mga ganiyan e! Busy mga teachers natin for up coming Foundation ng school. Mayroon silang meeting from 1 pm to 4 na yun! Kaya carrybells na tayo dito. Perfect timing na Shara ". Ibinaling ko ang tingin ko kay Dana. Nakataas ang dalawa niyang kilay. " Anu tinitingin mo diyan. Ayaw mo sa ideya ko diba! ". Ani niya. " Hehe ikaw naman akala ko kasi may klase ". Sinuyo ko ang babae. " So ganito! Kailangan magkasama yung dalawa ni Shara at Sevix ngayon! Shara pumunta ka sa field ". Utos yun ni Dana. Kahit nag aalangan ako e sinunod ko nalang si Dana. Lumakad ako sa field mag-isa samantalang sila ay naiwan sa puwesto namin kanina sa ilalim ng malaking puno ng mangga. Ang sabi niya maglakad-lakad lang ako dito. Wala na siyang sinabi pang iba na gagawin ko. Maya-maya pa nang lingunin ko sila ay mayroon bola akong natanaw na hawak ni Naomi. Sinenyasan nila akong huminto sa paglakad kaya huminto nga ako. At pagkahinto ko pumorma si Naomi sa pagbato. Sobrang bilis ng pangyayari. Lumipad sa ere ang bola papunta sa.... " Wait. Sakin bagsak nito ah! ". Sa labis na katarantahan ay diko na nagawa pang iwasan ang bola. " ARAAAY!!!! ". Daing ko sa lakas ng pagkakatama nang bola sa ulo ko ay nagawa nito akong mapaupo sa lupa mismo habang nakahawak ang mga kamay sa ulunan at hinihilot-hilot ko ito. " Ang sakit! ". Wika ko pa. Tinignan ko ng pasimple yung mga babae na gumawa nito sakin. Nakapeace sign lang naman sila. Mga bwiset na yun. Di man lang sinabi sakin na ito pala ang plano nila. Parang nakalog ata ang utak ko sa nangyari. Ipinikit ko ang mga mata ko dahil sa sakit ng pagkakaupo ko din dito sa lupa. Bumagsak kasi talaga ako sa lakas ng pagtama ng bola sa ulo ko. " O MY GOSH!!!! Ghurl!!!! Shara!!!! Are you okay! ". Rinig kong sambit ng isang pamilyar na boses. Kilala ko ang nagmamay-ari nun. Sinubukan kong imulat na ang mga mata ko para makita na din ang nagmamay-ari ng mahiwagang boses and holy moly ducky moly! Alam kong di ako nananaginip. Si Sevix nga itong nasa harapan ko. Imbis ata na masaktan ako ay kinikilig na ako ngayon. Sobrang lapit lang naman niya kasi sakin. Halos maamoy ko na ang pabango niyang amoy candy. Amoy palang ang sarap na! Paano pa kaya siya ay sarreh hehe. Yung sakit na naramdaman ko dahil sa bola na tumama sakin ay parang biglang napawi. Pain reliever ko talaga siya kahit kailan. Ang makita ko lang siya kahit sa malayo ay sapat na para mapawi niya ang lungkot kapag di niya magawang pansinin. Pero ngayon umooooh! Ang gwapo niya kahit saan angolo. " Bakla angyare!!! ". Natapos ang pagpapantasya ko kay Sevix ng lumapit bigla samin yung bakla na kasama niya. " She hit by a ball ". English ni Sevix. Laking America kasi siya kaya panay ang english. " Gosh! Kaloka baka naalog utak niya. Pacheck mo sa Clinic Trixie! ". Suhestiyon ni bakla which is good suggestion bakla. Galing! Galing! mo dun. May tendency na masolo ko si Sevix. Yipppiiieee! Happy na talaga ako ngayon haha. " Wait ask ko muna siya kung alin ang masakit! Shara may masakit ba sayo? ". Nag-aalala ba talaga sakin ngayon si Sevix. Ayyy Oo naman syempre Shara ikaw ba naman matamaan ng bola kahit scripted ay masakit. Kahit bakla ang pananalita niya ang sweet pa din. Siya kasi ito, si Sevix lang naman na crush na crush ko. Off course mayroon naman talagang masakit sakin kaso kusang nawala nung lapitan niya ako at makita ko siya. " Araaaay! Ang sakit ng ulo ko! Tsaka nung puwetan ko! Diko magawang tumayo ". Pag arte ko. Kailangan ko itong gawin. Pagkakataon na ito para masolo ko si Sevix.  " G-ganun ba. Naku. Need nga kita dalhin sa clinic! Kaloka ka Ghurl!!! Ara pakisabi kay Shekel dinala ko sa clinic si Shara! ". Utos ni Sevix sa tinawag niyang Ara. Ara? Anu kaya realname nun. Raul siguro hehe. Pero ang layo ng Ara sa Raul ah. But it isn't the issue right now. Pinush ko na talaga ang pag arte ko. Minsan lang kaya susulitin ko na. Paganda points na din ito para kay Sevix. " Kaya mo ba tumayo? ". Tanong niya. Umiling ako agad. Yung ekpresyon ng mukha ko is paawa to the max talaga tsaka pacute na din malay natin diba maappreciate niya Beauty ko. " Okay! ". Matipid niyang sabi tapos the next thing kinuha niya ang mga braso ko at ipinulupot ito paikot sa leeg niya. Nagulat ako ng bigla niya akong binuhat lang naman ng pangkasal. Umoooh kilig to the bone na talaga ito. Sh*t sorry sa words pero I was too overwhelmed by kilig. Sulit na sulit yung tama ng bola sakin ah. Forgiven na mga friends ko. I love this moment na how I wish ay wala ng katapusan. " I have to take you to the clinic. Para macheck ka ni Doc dun. Sobrang lakas ba ng pagkakatama ng bola sa ulo mo? ". Titig na titig lang ako sa kaniya while he was staring at me too kasi nga kinakausap niya ako. Can't imagine na kinakausap talaga ako ngayon ni Sevix. The best day ever na talaga ito. Tanging pagtango lang ang naisagot ko sa labis na kilig. Baka kasi kapag bumuka ang bibig ko ay di ako makapag pigil. Mapapalirit ako sa kilig edi nabuking niya pa ako. " Bakit kasi naglalakad ka mag-isa dun sa field! Anung ginagawa mo dun? ". Wika niya. Ikinalma ko muna ang sarili ko bago siya sinagot. Kinikilig kasi talaga ako e. " Ah wala naiinip kasi ako sa room e. Kaya naisipan kong mamasyal muna ". Best liar ka na talaga Shara, Oo. Galing mo na sa pagsisinungaling. Hindi na siya nagsalita pagkasagot ko ng tanong niya. Hanggang sa makarating kami sa clinic. " Ahmm Doc can you check Ms. Valtocris! ". Pakikipag-usap niya kay Doktora Suarez. " Off course. What happened to her Mr. Ezadera! ". Inabangan ko ang pag ngiwi ni Sevix ng marinig ko na tinawag siyang Mr. ni Doktora ngunit ni isa ay walang nahuli cam ang mga mata ko. Sinenyasan ni Doc si Sevix na ihiga ako sa kama dito sa Clinic. Sinunod naman niya ito agad. Marahan akong inihiga ni Sevix sa kama. After nun saka lang niya sinagot ang tanong ni Doktora. " Natamaan po kasi siya ng soccer ball sa field nito lang ". Paliwanag niya. " Ganun ba! Okay Ms. Valtocris Let me check you! Wala naman bang pakiramdam mo ay nabasag sa bungo mo? ". O.A na tanong sakin ni Doc. Umiling ako nalang ako. " W-walan naman po! The ball just hits me into a very fast motion so di ko po masabi kung mayroon bang nabasag sa bungo ko but it's too heavy kaya masakit po talaga siya ". Ekplenasyon ko. Nasa tabi ko kasi si Sevix at nakikinig din siya sa explanation ko kaya kailangan kong mas galingan sa pag arte diba. " Okay! So you have to say here until four o'clock. Need mo mag rest muna Ms. Valtocris. Delikado ako nangyari sayo! And Mr. Ezadera thank you for bringing Ms. Valtocris here.... maiwan ko muna kayo ". Sabi ni Doc. Tumango na lang kami tapos ay iniwan niya na nga kaming dalawa. Nag laying pretty nalang ako dito sa kama ng Clinic. Habang nangingibabaw ang katahimikan sa pagitan namin. Sinusulyapan ko siya at titig pang siya sa katawan ko. Dito kasi siya nakatingin e. Mukhang malalim ang iniisip niya. Maalala ko di pa pala ako nakakapagpasalamat sa kaniya. " Ehem! ". Pag-aagaw pansin ko sa kaniya effective naman kasi nagawa niya akong lingunin. " Uhmmm, Sevix t-thank you nga pala for taking me here ha! ". Pabebe lang Shara? kasi naman ang cute niya. Kahit na seryoso ang estruktura ng mukha niya e ang cute niya pa din. " Wala yun! kahit sino naman gagawin ang ginawa ko. But next time you should be careful, manatili ka nalang sa room niyo kahit walang klase! ". Saad niya. " Paano nga ako mananatili sa Room Sevix kung hinahanap-hanap kita. Ikaw ang gustong matanaw at pagmasdan ng mga mata ko. Hindi kumpleto ang araw ko kung kahit isang segundo lang ay hindi kita makita. Kaya talagang diko kaya mag stay sa room lang ". Syempre nasa isipan ko lang lahat ito. Ngiti lang ang naisagot ko sa sinabi niya. Sa pag-aakala kong ngingiti siya pabalik ay masyado akong nag assume. Iniwas niya na ulit sakin ang atensyon niya. Snubber talaga siya anu! Sorry but sorry hindi eepekto sakin pagiging isnabero niya. " Uhmm Sevix, n-nagustuhan mo ba yung Lunch na ginawa ko para sayo? ". Tanong ko. Muli niya akong tinignan. " Alin? ". Taka niyang tanong. " Yung chicken nuggets with bakon? ". Baka sa kasi sa sarap ng luto ko e nalimutan na niya. Umawang ang bibig niya sabay tawa bigla. Kumakamot pa siya sa likuran ng ulo niya. " Ahahahaha O-oo. A-ang sarap nga e! thank you ha! ". Sagot niya pero bat parang di totoo tawa niya. Bat parang di siya sigurado sa kumento niya well baka nagpapaka nega ako. Nope Shara diba sabi niya nagustuhan niya kaya mag bunyi ka. Todo ngiti ako kasi nagustuhan niya ang niluto kong Lunch for him at talagang kinain niya. Mas lalo pa akong gaganahan na lutuan siya padalahan dahil sa nalaman ko. " Mabuti naman at nagustuhan mo! ". Wika ko. Tumango naman siya sabay ngiti. Pagkatapos binalot nanaman kami ng katahimikan. Plano ko palang sana basagin ito ng magsalita na siya. " Ahh Shara! ". Nakakatuwa talagang marinig na tinatawag niya na ako sa pangalan ko. Too much kilig na talaga ako! " Hmmm! ". Matipid kong sagot syempre. " Could you please stop doing these things! ". Napatitig ako sa kaniya dahil sa sinabi niya. Hindi siya nakatingin sakin kundi sa katawan ko. Napaupo ako dahil sa sinabi niya. Medyo nabigla ako sa pagupo kaya kumirot ang ulo ko. Dadaing sana ako kaso isinaisip ko nalang ito. " W-what are you talking about Sevix? ". Tanong ko pabalik. " Stop what you doing! Di mo kailangan magpadala sakin ng mga pagkain. Mayroon naman akong baon ". Walang pinag bago ang boses niya, maliban sa lumalim ito. " Pero bukal naman sa loob ko yun e. Tsaka gusto kong ginagawan kita ng Lunch ". Paliwanag ko. " Precisely, I am not a charity Shara! ". Tinignan niya na ako ngayon. Seryoso lang ang ekspresyon ng mukha niya. Ako di ko na alam ang itsura ko. " Ayaw ko nang ginagawa mo ". Dagdag niya. " Ahhhh ayaw ko ng pinapadalhan kita? O-oh sige hindi na kita igagawa ng Lunch... ipagbebake nalang ki———— ". Napakamot siya sa batok niya sabay kagat sa labi. At hagas ang ekspresyon ng mukha. " Shara you don't get it Ghurl!!!! I mean stop everything you do. Shara bakla ako!!! Diba alam mo naman yan, noon pa. Kung anu man yan nararamdaman mo itigil mo na. I can't give it back ". Giit niya. I get it. Nirereject nanaman niya ako for the second time. It's hurt ah but nah. Kung noon umiyak ako at sumuko ngayon hindi na. Hindi niya na ako basta mapapaback out lang. Naniniwala akong hanggat may bukas may pag-asa kaya ilalaban ko ang nararamdaman ko sa kaniya. Hindi ako titigil gaya ng gusto niya. " Paano kung sabihin kong ayaw ko! ". Sambit ko. Napapikit niya siguro sa inis pero nagtitimpi lang siya sakin. " Ghurl naman e!!!! Why you can't just say Yes! ". Ika niya. " Kasi ayaw ko dahil Gusto kita. Gustong-gusto kita Sevix! at handa akong patunayan yun ". Giit ko pa. Ginulo niya sa insi yung buhok niya. " Masasayang lang yan! Masasaktan ka lang! Dahil hindi tayo talo. We are both women.... ". Ani niya ulit. Umiling ako. " Lalaki ka, at magiging lalaki ka! I'll make sure na balang araw magugustuhan mo din ako ". Hindi ako magpapatalo sa kaniya kahit anung mangyari. " Aiiissssh! Ang kulit!!! ". Pabulong niya lang yun sinasabi pero naririnig ko. Talagang makulit ako. Wala akong pake kung mabwiset siya sakin. Kukulitin ko siya ng kukulitin hanggang sa magsawa siya at bumigay din siya sa huli. Huminga siya ng malalim. " I think you're okay! Iiwan na kita. Padating na din si Shekel..... I have to go ". Walang gana na niyang pagkakasabi. Aangal pa sana ako kaya lang nakalabas na siya ng Clinic bago pa man ako magka boses. Napahiga nalang ako sa kama at dito ibinuhos ang pagkadismaya ko. Akala ko pa naman ito na ang simula namin but I was wrong. Nireject nanaman niya ako for the second time. Kung anung mamon ng pagkatao ni Sevix Siya naman tigas ng puso niya at di ako magawang magustuhan pabalik...... Kahit appreciation lang ba na gusto ko siya.... Sevix, it hurts ah! It hurts!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD