[Chapter 10]:Locker

2066 Words
Shara Pov: Two days ago ng mangyari yung pag-uusap namin ni Sevix sa Clinic after nga nun ay di nanaman niya ako ginagawang pansinin. Kapag nagkakataon na magkakasalubong kami sa hallway o di kaya sa kung saan man ay inisnub niya talaga ang Beauty ko. Ako naman ay todong ngiti siya ay tanging irap o di kaya iniimagine nalang niya na hangin ako, at kunwaring di niya nakikita. Ngayon nga ay P.E time namin. Every Thursday kasi ang P.E namin. So were here at gym subalit hindi pa nagsisimula yung magiging activity namin. Mag gymnastic kasi kami sabi ni Sir pero sisimulan daw muna niya ang ituturo niya sa mga basic exercises para mastretch ang mga buto at muscles namin sa katawan. The music is on. Ang sarap nga sa ears at talaga naman nakakaindayog ang hatid nitong beat. It's better when I'm dancing by: Meghan Traynor. So cute and I love her all songs specially Me too. " Uyyy Ghurla, anu time tayo punta sa locker room? ". Sinagot ko ang tanong ni Alola habang nagistretch ng braso. " Mamaya after ng activity natin. Nasa field pa naman kasi sila Sevix ngayon, playing soccer ". Sagot ko. Tumango-tango naman siya. Sporty din kasi si Sevix. Lahat na ata ng laro ay alam niya at kaya niyang gawin. Well ako kasi tanging skating lang sa ice ang carry valley isn't a sports but a hobby and a talent. Sobrang pagirl yung alam ko. Pero kaya ko din naman maglaro ng volley ball. " Okay basta sabihan mo ako ah kapag game na! ". Umoo nalang din ako bilang tugon sa kaniya. Huminto pansamantala ang tugtog dahil nagpapaliwanag na sa unahan namin si Sir William, ang P.E teacher namin. Saglit lang din yun at nagsimula na nga kaming sabayan ang Music habang nag eexcercise. Stretching-stretching lang muna kami. We consume atleast 1 hour sa P.E time. Pagkatapos na pagkatapos nang activity namin ay madali ko ng hinila si Alola papunta sa locker room ng Gym. Look to the left and look to the right. Wala pang mga tao at perfect timing ito upang mailagay ko ang Lunch box tsaka tubig at towel sa locker ni Sevix. Alam ko ang Locker niya kasi bawat Locker may number. E number one stalker niya ako, so lahat sa kaniya alam ko. " 007 " ang number ng Locker niya kaya di na ako nahirapan hanapin pa ito. Sa pamamagitan ng wisdom ko ay nahulaan  ko agad ang password ng pod lock niya. Secret na yun kung anu hehe akin nalang yun syempre. " Alola lagay mo na dali ". Utos ko kay Alola na ilagay na sa loob ng Locker ang Lunch box, tubig, at towel na may signature pa mismo ng surname ko, pagkabukas ko palang sa locker ni Sevix " Done ". Wika niya after we successfully na nailagay ang dapat namin ilagay sa Locker ng Sevix ko. " Hintayin kita sa labas Ghurla ah! ". Paalam ni Alola kasi binabantayan niya din ang paligid. Too make sure walang makakakita samin dito. Pinasimplehan ko naman amuyin ang mababangong gamit ni Sevix sa locker niya. Nakakaadik ito dahil siyang-siya ang amoy ng mga gamit niya. Sana maamoy din mismo yung nagmamay-ari nito. " Shara! ". Tawag sakin ni Alola. Busy pa man din akong amoyin itong Jersey ni Sevix. " Shara! ". Tawag nanaman niya kaya irita ko siyang nilingon. " Wait lang naman Alola inaamoy ko pa jersey ni Sevix e. Sagl———— ". Naudlot ako sa pagsasalita ko ng marinig ko ang boses ni Kuya Shekel na papalapit na dito mismo sa Locker. Alam kong boses yun ni Kuya kasi nakakairita haha. " Guyysss nice game!!! ". Rinig kong boses ni Kuya Shekel. Shems! Tapos na sila maglaro. Bigla akong nag freak out. Pareho kaming nanlaki ang mga mata ni Alola. " What to do? ". Tanong ko sa kaniya. Sinenyasan na niya akong lumapit sa kaniya. So bali dalawang pintuan ang mayroon sa locker room. Entrance at Exit. Kaya sa entrance na din kami dumaan papatakas ng Locker Room. Dala ng katarantahan ko ay nakalimutan kong maisara ang Locker ni Sevix. Babalikan ko sana kaso mabubuking na ako nila. Nakita ko na din kasing pumasok si Sevix sa locker room. Kahit naka tshirt siya ng stripes yung Orange and Red kasi yun ang kulay ng school namin. Ang Gwapo pa din ni Sevix ko kahit basang-basa na siya ng pawis niya. So hot. Kagat labi ko siyang dinudungaw dito sa pinagtataguan namin ni Alola. Malapit pa din ito sa locker room. Ngunit hinigit na niya ako kaya natigilan na ako sa ginagawa ko. Hinila na niya ako pabalik sa gym bago pa man kami mahuli ng kung sino. Naabutan namin nandito pa ang nga classmates namin. " Haaaaayst mabuti nakalabas kaagad tayo ". Sambit ko pagkaabot niya sakin ng baunan ko ng tubig. " Oo nga tapos ikaw pinapagpantasyahan mo pa Jersey ni Sevix e mahuhuli na tayo ". Napatawa naman ako sa sinabi niya. Kaya medyo nabubo ang tubig na iniinom ko. Natawa din siya dahil sakin. " Minsan lang naman kasi ito. Tsaka lagi akong snub sa kaniya anu. Sa gamit na nga lang niya ako bumabawi ". Wika ko. Napangiti siya. " Atleast nandun na diba! ". Dagdag ko pa. " Oo na, mabuti pa kain na tayo. Nagutom ako bigla sa kaba. Ibang klase ka din talaga e! Gagawin mo ang lahat para sa kaniya kahit ika pahamak mo pa! ". Aya niya na agad ko din sinang ayunan. Nagutom na din kasi bigla. Dala nang kahotan ni Sevix hehe. Sa canteen na kami ng school dumeretso. Nandito na rin yung dalawa ni Naomi at Dana. As usual si Dana tahimik nanaman. Pero alam kong nakikinig siya sa kuwento ko. Isinasalaysay ko lang naman sa kanila yung ginawa namin ni Alola kanina sa Locker room. " Haha mabuti at di kayo naabutan ni Shekel! ". Natatawang saad ni Naomi. " Mabuti kamo, hindi tinakay ni Shara yung Jersey ni Sevix. Kulang nalang singhutin e kakaamoy ". Giit sakin ni Alola. Inilingan ko nalang sila sabay subo ng pagkain kong burger. Tawa kami ng tawa sa katangahan namin ni Alola kanina. " Ahmmm excuse me! ". Sabay-sabay kaming natigilan sa biglaang pagsabat nitong lalaki na nakatayo ngayon sa gilid nila Naomi. Yung ngirit kong labi kusang kumuyom. Sumama kasi araw ko bigla. " Hi girls, hi Ms. Valtocris! ". Hindi niya ba kayang bigkasin ang pangalan ko at palagi nalang Ms. Valtocris naririnig ko sa kaniya. Never mind diko na problema yun. " Anu naman ginagawa mo dito? ". Irita kong tanong kay Yanson. Yuppp! Si Yanson lang naman itong extra at sumisira sa mood ko makita ko palang ang pagmumukha niya o marinig ko palang boses niya. " Hindi ka ba masayang makita ako? ". Like hello ewww. Asa siya na masisiyahan ako na makita siya. Kung puwede nga lang na di ko na siya makita gagawin ko. Kaso friend siya ni Kuya kaya talagang makikita at makikita ko siya. " Mabuti at alam mo! ". Sambit ko into sarcastic way. Naiinis kasi talaga ako sa kaniya. Ewan ko ba. Daig ko pang pinaglilihihan siya e. Paano bukod sa nakakainis yung gwapo pero mayabang niyang pagmumukha e the way na ngumisi siya madaming babae ang naaakit sa kaniya. Ayaw ko pa naman ng mga ganun, yung itsurang katulad ng sa kaniya. Malandi na mayabang ganun. Hindi ko maexplain. Siniko ako ni Alola dahil sa sinabi ko. Hindi ko siya pinansin. Huwag niyang sabihin na bet niya si Yanson like ewwww! No way! " Ang aga! Aga! Sungit mo Ms. Valtocris ". Wika ni Yanson. Salubong na ang kilay ko dahil sa kaniya. " What ever! So bakit ka nga nandito? ". Pagsusungit ko na balewala lang sa kaniya. " Haha sige na nga baka mahigh blood ka pa. Ayaw ko pa naman nastress ang crush ko. By the way I'm here because of these! ". Inilapag niya sa table namin ang familiar na mga gamit. Nandito lang ang atensyon namin lahat. " Ghurla diba yan yun———— ". Di ni Alola naituloy ang sasabihin niya dahil ako na ang nagtuloy. " Lunch box ko, pati towel ". Wika ko. Tinignan ko si Yanson. Naka lip bite siya ngayon. " Bakit nasayo yan? ". Tanong ko sa kaniya. " Naparito ako kasi ipinapahatid yan sakin ni Trixie. Ibigay ko daw sayo! ". Literal na umawang ang bibig ko dahil sa sinabi niya. Ipinababalik ni Sevix ang mga binigay ko sa kaniya. " Seryoso ka ba? ". Tanong ko. " Itong gwapong mukhang ito magloloko Ms. Valtocris! Nagsasabi ako ng totoo actually ayun siya oh! ". Itinuro ni Yanson sakin ang table kung saan nakapuwesto si Sevix kasama si Ara at si Kuya Shekel. Nagtama ang mga mata namin ni Sevix at inirapan niya ako. " Ouch! ". Daing ni Naomi at Alola. Ibinalik ko ang tingin sa mga gamit papunta kay Alola at Naomi, last ay kay Yanson. " Sabihin mo di ko tatanggapin yan, para sa kaniya talaga yan ". Giit ko. " I'm sorry Ms. Valtocris pero hindi ako messenger (Smile) ". Siningkitan ko siya ng tingin. " Kung ayaw mo ako nalang ". Kinuha ko ang mga gamit sa lamesa at akmang nakatayo na ako at hahakbang na papunta sa direksyon nila Sevix ng awatin ako ni Yanson. Hinawakan niya ako sa braso para mapatingin ako sa kamay niya. Agad niyang inialis yun ng mahalata niyang nakatingin ako dito. " S-Sorry! Huwag mo ng ituloy Ms. Valtocris. Sa oras na ayawan na ni Trixie ang isang bagay ayaw na talaga niya dito ". Sambit niya. " Well I don't care. Para sa kaniya talaga ito at pinag hirapan ko. Ayaw ko naman masayang lang ito sa wala... Kaya if you excuse me. May gagawin pa ako! ". Ani ko. Hindi pa ako nakakahakbang ng awatin nanaman niya ako. Susungitin ko palang siya ng hinablot niya sa kamay ko yung mga gamit. " Kumain ka na. Ako na ang magdadala sa kaniya.... ". Wika niya into a husky tone of his voice. Kalmado ang boses niya pero nakakapanindig balahibo. " Maupo ka na ulit at ako ng magbibigay sa kaniya! Sige na ". Utos niya at hinigit nga ako ni Alola pabalik sa pagkakaupo sa tabi niya. Nakatalikod samin si Yanson at hindi kumikilos. Akala ko ba siya na ang magdadala ng Lunch box kay Sevix. Bubuka palang ang bibig ko nung lingunin niya ulit ang table namin. Nakangiti siya habang nakahawak ang isang kamay sa batok nito. " Puwede bang kapag tinanggihan niya ulit, ako nalang ang kakain. Sayang kasi yung effort kung babaliwalain lang niya! ". Pagkasabi niya nun hindi ako nakasagot. Ang seryoso kasi ng tono ng boses niya. " Tatanggapin niya yan ". Kumpyansado kong tugon. Tumango naman siya. " Sabi mo e (Smirk*) ". Tuluyan na siyang tumalikod at umalis. Nakasunod tingin lang ako sa kaniya hanggang sa nakikita kong inaabot na niya ulit kay Sevix yung pagkain na para naman talaga kay Sevix. Tatlong beses ipinagduldulan ni Yanson kay Sevix yung Lunch box subalit pilit ni Sevix tinatanggihan ito hanggang sa mag walk out na si Sevix kasama si Ara. " Hindi niya talaga tinanggap Ghurla! ". May lungkot na tono ng boses ni Alola. " Okay lang yan Shara may next time pa ha okay ". Cheer up naman ni Naomi. " G lang ng G Shara! ". Wika pa din ni Dana. Nadismaya naman ako sa nasaksihan ko. Tumayo ako sa kinauupuan ko at lumapit sa table nila Kuya Shekel. " Ms. Valtocris hindi tinaggap ni Trixi——— ". Diko na hinintay pa na matapos niya ang sasabihin niya. " It's okay. Kaso busog na ako kaya diko na yan makakain. Sayo nalang ". Sambit ko pagkatapos ay ang walk out na. Ni di ko man lang narinig ang kumento ni Kuya Shekel. Malinaw sa kaniya ang nangyari pero kilala niya ako. Hindi ako basta susuko. Nauna na ako kay Alola sa room. Chinat ko nalang siya na dito na kami magkita kasi nawalan na ako ng gana sa pagkain. Kailangan ko din muna mag-isip ng gagawin ko para mapansin pa lalo ni Sevix. Hindi dito matatapos ang lahat. Kahit ilang beses niya pa ako ireject. Babangon at babangon ako para mapatunayan na darating ang araw na mapofall din siya sakin. Sethrevix Ezadera mapapasakin ka din!!!!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD