Shara Pov:
Kinaumagahan pagpasok ko antok na antok ako. Ni hindi ko nga naintindihan ang klase ni Sir Bautista sa Science subject namin. Panay kasi ang pagbagsak ng mga mata ko subalit pilit ko pa rin nilalabanan. Hanggang sa mag break time na nga.
" Ghurla anu bang ginawa mo kagabi at napuyat ka? ". Tanong ni Alola habang naglalakad kami ng mabagal sa corridor. Ang sakit kasi ng ulo ko. Dala ng kulang sa tulog. Napuyat lang naman ako dahil sa pag gawa ng cupcake na plano ko nanaman ibigay kay Sevix. Mahilig siya sa mga sweets alam ko lalo na kung cute yung itsura nito.
Nanuod pa talaga ako ng YT para lang magaya yung favorite cartoon character niya na Sofia the first. Ang pagirl diba. Dinaig pa ako ng Kuya niyo. Imbis na sagutin si Alola ay inabot ko nalang sa kaniya yung dala kong box. Maliit lang naman siya kasi Six pieces lang ginawa ko na cupcakes. " Wow! Cupcakes.... ang sharap nito Shara! ". Excited na wika niya.
" Hindi sayo. Para yan kay Sevix ". Giit ko. Yung kumikislap niyang mga mata nagliyab bigla. " Nagpuyat ka para lang gawin ito? buwis buhay Shara? ". Ayan porke dahil kay Sevix yun cupcake nagalit na siya. " Huwag mo na ako sermonan Alola Please! Igagawa nalang din kita mas masarap pa diyan. Punta muna tayo canteen. Gutom na talaga ako e sumasakit pa ulo ko ". Daing ko sa kaniya at palusot nadin.
Sa sakit ng ulo ko di ko na kaya pang pakinggan ang isesermon sakin ni Alola. I want peace and quite environment pero malabo yun lalo na nandito kami sa canteen. " Oh may gamot ako sa sakit ng ulo but go eat first para may laman yang tiyan mo ". Suhestiyon niya sabay abot sakin ng inorder niyang mga tinapay.
Kumuha na ako ng tinapay. Kinuha ko na din yung gamot na inaabot niya sakin. " Thanks Alola, sweet mo talaga sakin bestfriend ". Pagpapacute ko sa kaniya. " Ewan ko sayo Shara. Magpapakamatay ka na ata para lang diyan kay Sevix e. Kung ako sayo dun ka nalang kay Yanson. Atleast yun kaya kang iappreciate di gaya ni Sevix. Almost 14 years mo na siyang crush. Five years old ka palang ay di ka na niya pinapansin. Kung talagang di pa ako makapagtimpi. Ibabagok ko na yang ulo ni Sevix at ng matauhan naman na nagpapakatanga ka sa kaniya ".
Sweet niya talaga. Kaya ayaw kong naririnig sermon niya sakin kasi sumasapol talaga ito sakin. Napopoint out niya kasi talaga yung issue sakin. Huminga siya ng malalim sabay tuon ng atensyon sa pagkain. " Kailan mo balak ibigay yan? ". Pag-iiba na niya ng usapan.
Haha kung magalit siya kanina willing to help pa din naman pala. Kaya love na love ko ito si Alola e. Suwerte ko at bestfriend ko siya pero mas masuwerte siya sakin haha. " Ubusin mo na muna yan food mo tapos uminom ka ng gamot ". Utos niya ng di ko masagot ang tanong niya. Sinunod ko nalang si Doktora Alola kesa magalitan pa ako ulit.
Habang kumakain kami ay dumaan si Ma'am Jana sa harapan namin. Nung makita niya kami ay binalikan niya pa talaga kami sa table namin. " Nandiyan ka pang pala Ate Shara kanina pa kita hinahanap. Come with me dali!!! ". Di pa man ako nakakasagot ay hinatak na ako ni ma'am papaalis sa canteen.
Wala na din nasabi pa si Alola dahil nakalayo na kami sa kaniya. Hindi ko pa naman naiinom yung gamot na bigay niya sakin. Ang masaklap pa e naiwanan ko sa table dahil sa biglaang pangangaladkad nitong si Ma'am Jana. Umakyat kami sa department ng Juniors sa second floor kung saan ang music room.
Walang tao rito kundi kami lang ni Ma'am Jana. " A-anu pong ginagawa natin dito ma'am ". Tanong ko agad sa kaniya kasi nakakapagtakang kami lang dalawa ang nandidito. " Because I want to talk to you alone. Walang puwedeng makaalam ng sasabihin ko sayo ". Sagot niya.
May ganun? Nakakasuspense naman yung pagkakasabi ni Ma'am. " Tugkol po ba saan ang sasabihin niyo sakin? ". Tanong ko pa. Hindi kasi ako mapakali dahil kumikirot yung ulo ko. Hindi enough na nakakain lang ako. Need ko ng gamot pero naiwan ko yun kanina dun sa table sa canteen ng higitin ako ni Ma'am papunta dito. Kapag minamalas nga e.
Malas na nga sa lovelife malas pa din sa buhay haha hugot lang. Pero promise ang sakit ng ulo ko. Pinipilit ko lang magmukhang okay sa harapan ni Ma'am Jana dahil ayaw kong mag-alala siya. Lalo na mukhang importante pa itong sasabihin niya sakin. Dahil kung hindi ay di naman niya ako dadalahin sa ganitong lugar ng kami lang dalawa. Ang weird naman nun diba.
" It is about for the upcoming Foundation Day of our school.... naatasan kasi kami na kumuha ng mga candidates para sa gaganaping pageant for Mr. Ms. Foundation day e ikaw agad yung naisip ko na ilaban sa Section natin ". Umpisa ni Ma'am. Kung tungkol lang ito sa Foundation bakit kailangan secret pa.
Hinintay ko na dugtungan ni Ma'am paliwanag niya para malinawan pa ako lalo.
" Tsaka may sasabihin pa ako sayo. Shara, need nadin manalo. Dahil ang mananalo sa contest na Section ay magkakaroon ng Special gift mula sa may-ari mismo school.... Alam mo naman si Mr. Julion magandang magpapremyo yun! Kaya Ate Shara please inaasahan kitang ipapanalo mo ang section natin..... surprise kasi yung gift kaya kailangan walang makaalam na iba ". Obvious nga kay Ma'am hehe kasi halos pabulong na siyang magsalita e dalawa lang naman kaming nandito.
Hinawakan niya pa ako sa mga kamay ko, diretso siyang nakatingin sa mga Mata ko. " Please Ate Shara don't say no please! ". Sambit ni Ma'am na wari bang nagsusumamo sakin na huwag ko siyang hindian. Sa tono niyang iyan makakahindi pa ba ako tsaka para ito sa section namin. Anung magagawa ko, grades ko din nakasalalay dito. Sayang din opportunity. Magagamit ko ito para magpa empress pa lalo kay Sevix.
" O-opo naman Ma'am! Maaasahan niyo po ". Kumpyansado kong sagot sa sobrang ikinatuwa niya dahil napayakap pa siya sakin sa labis na tuwa. " Naku I'm sure mananalo tayo.... Basta get ready ha. Iaupdate nalang kita sa mga bagong balita ". Ani ni Ma'am tapos lumabas na kami mula rito sa loob ng music room.
" Oh paano Ate Shara. Thank you talaga ha. By the way sabay ka na ba sakin pababa? ". Umiling naman ako. " Hindi na po Ma'am. Pupunta po din kasi ako sa Collage department ". Sagot ko. Tinanguan niya naman ako. " Ah dadalawin mo si Mr. Ezadera! ". Ika niya na ikagulat ko.
" Po? ". Tangi kong reaksyon ay nagtataka. Tumawa si Ma'am. " Bilang adviser mo Ms. Valtocris dapat alam ko ang mga nangyayari sa inyo dito sa loob ng campus. Dahil dito sa school ako ang pangalawang Ina ninyo.... sige na puntahan mo na siya. Mukha kasing mayroon kang ibibigay. Ang good luck! ".
Literal akong napaanga kay Ma'am. Habol tingin nakasunod ako mga mata ko sa kaniya na lumalakad na nga palalayo sakin. " May alam si Ma'am? ". Pakikipag-usap ko sa sarili ko. Inalog ko ang ulo ko upang manumbalik sa sarili ko. Tumalikod na din ako kasalungat ng direksyon niya. Bumaba na ako ng building ng Juniors. Nagtungo ako agad sa department ng Collage.
Ibibigay ko lang talaga kay Sevix itong cupcakes tapos aalis na din ako kasi diko na kaya yung hilo na nararamdaman ko. Sobrang sakit na ng ulo kaya gusto kong pumunta ng Clinic after giving my gift for Sevix. Walang klase sila Kuya ng marating ko ang mismong pintuan ng room nila.
Nasa loob silang lahat ng classroom nila. Mga magugulo as usual. Puro tawanan, mga nagkukulitan, harutan tsaka mayroon pa ngang nagtitiktok e lalo na si Sevix. Kung makasagiling sa isang tabi ay sobrang lambot ng katawan dinaig pa ako at ang hot babes.
Kumatok ako sa pintuan nila. Walang nakarinig noong una kaya kumatok ulit ako. At sa pang-apat na beses na katok ko sa wakas naagaw ko din ang atensyon ng isa sa mga classmates ni Kuya. Wala siya rito kasi di ko nakikita pagmumukha niya lalo na yung parati niyang kasama na friend niya si Yanson.
" Oh Shara, hinahanap mo ba si Shekel? wala siya rito e. Nasa basement nagpractice kasama banda niya. Wala nga din si Yanson e ". Kilala talaga ako ng mga classmates ni Kuya dahil sino ba naman di makakakilala samin diba. The Valtocris Clan. Pero diko kilala itong nasa harapan ko ngayon at nakakausap.
" Ah anu. Hindi si Kuya ang ipinunta ko dito. Andiyan ba si Sevix Ezadera? ". I'll never recognize Sevix as Trixie kung tawagin nila. Dahil para sakin hindi siya bading at hindi siya si Trixie dahil siya si Sevix. Sethrevix Ezadera. " Trixie? Is she your talking about? ". Napabusangot ako sa isipan ko dahil sa pag cocorrect niya sa pangalan ni Sevix.
" Oo siya nga! Andiyan ba siya ". Kahit alam kong nandito si Sevix basta may maichika lang ako ay tinanong ko na din. " Ah Oo. Wait lang ha! Tawagin ko...... ". Tumango naman ako. Umalis yung lalaki na kausap ko pagkatapos nakita ko siyang nilapitan si Sevix na sumasayaw pa din habang vinivideohan ni Ara. Close na Close talaga sila nung bakla din niyang friend. Sana ako na lang yun para close din kami.
Napahinto sa pagsayaw si Sevix ng makalapit na sa kaniya yung lalaki na kausap ko. Itinuro pa nga ako ni Kuya kaya napalingon si Sevix at Ara sa gawi ko. Yung Aura ni Ara mapang-asar. Wari bang inaasar niya si Sevix sakin samantalang si Sevix umambang kunwari e susuntukin si Ara pati yung lalaki na tumawag sa kaniya dahil inaasar na siya ng mga ito sakin.
Remember alam nilang crush ko si Sevix dahil sa eskandalong ginawa ko dito rin mismo sa department nila. Todo ngirit pa si Sevix ngunit ng lumalakad na siya papalapit sa direksyon ko ay umiba na ang aura ng mukha niya. Seryoso na ito at halata mong irita siya kasi naestorbo ko sa pagsasayaw ng t****k.
" What? ". Nakataas kilay niyang tanong. Sinusungitan niya na ako ngayon. But I don't mind. Ang importante kahit galit siya napapansip niya pa din ako. " Puwede ba kitang makausap, pero hindi dito. Dun oh ". Itinuro ko yung fire exit ng building nila. Nauna siyang maglakad at sumunod naman ako agad.
Nakapout akong sumunod sa kaniya sa fire exit. Kahit na masungit siya ang cute pa din niya hehe.
Crush nga talaga kita Sevix!!!!!