[Chapter 12]:Cupcake

2387 Words
Shara Pov: " Oh sige anu bang pakay mo nanaman sakin? ". Mataray talaga niyang pagsasalita. Bakit ganiyan siya. Porke crush ko lang siya sinusungitan na niya ako. Dapat nga matuwa pa siya kasi mayroon nag aadmire sa kaniya e. Dibale kapag nakain niya na itong cupcakes ko na handmade ko pa mismo ay mapapawi ang galit niya. But don't get me wrong a walang gayuma ito o kung anu pa man. Hindi naman ako ganun kadesperada. Di nga ba haha. " Aalis din agad ako, gusto ko lang ibigay sayo ito ng personal ". Sambit ko sabay labas sa kaniya ng hawak kong box. Pinasadahan niya lang ito ng tingin sabay tuon ng atensyon sakin. " What's that? ". Taka niyang tanong. " Cupcakes! Gawa po yan ah kaya talagang maaasahan mong masarap yan ". Ani ko sabay taas-taas kilay with matching sweet smiles. Inirapan naman niya tapos akmang aalis na sana. Anu ito iiwan niya lang ako basta. Hindi pa nga niya tinatanggap itong ibinibigay ko sa kaniya e. " Sandali! ". Awat ko sa kaniya. " Ouch! ". Daing ko ng palihim nung kumirot bigla ang sintido ng ulo ko. Hindi ko ipinahalata sa kaniya na mayroon sumsasakit sakin. Tinignan niya ang kamay kong nakahawak sa braso niya. Pinanlisikan niya ito ng tingin upang bawiin ko ang pagkakahawak sa kaniya. "Sorry! Wait lang kasi. Tanggapin mo muna ito ". Wika ko. " And why should I? Ghurl di mo pa din ba gets. Di tayo talo. And also I'm not straight. Hindi mo ba talaga ako titigilan??? ". Naguumpisa na siyang mainis sakin. Sige lang Sevix mainis ka lang sakin dahil habang nanggagalaiti ka sa inis e tumatalon-talon naman sa tuwa ang puso ko kasi nagagawa mo na akong pansinin hehe. " Hindi. Kaya tanggapin mo na ito. Hindi mo ba nagustuhan ang boxing. Ang cute oh si Sofia pa! Pinacostomize ko pa talaga yan sa bakery shop ". Bumuntong hininga siya dahil hindi ko binibigyang pansin ang mga sinasabi niya. Well nilalabas ko nalang talaga yun sa kabila ng butas ng tenga ko para di ganun kasakit. " Puwes ayoko din. Busog pa ako. Ibigay mo nalang yan sa iba ". Utos niya. " Hindi puwede dahil ginawa ko talaga ito para sayo. Kaya tanggapin mo na. Sige kapag hindi mo ito tinanggap hindi kita titigilan ". Pananakot ko bigla sa kaniya. Sinamaan niya ako ng tingin. " Namblock mail ka ba! ". Ungkat niya. Kung diko alam e gusto naman niya ang sinabi kong kundisyon. Ngiti lang isinagot ko sa kaniya. Kumirot nanaman kasi ang ulo ko. Pakiramdam ko nga ay nahihilo na ako. Medyo umiikot na din kasi ang paningin ko habang nakatingin sa kaniya. Gusto ko pa naman mawangis ang kagwapuhan niya kaso diko masyadong mamemorya kasi ang likot ng paningin ko. Kinurap ko ang mga mata ko para huminto ang pag-ikot ng paningin ko. Hindi puwedeng malaman niyang masama ang pakiramdam ko. " Okay fine! I'll take this pero diko ito kakainin. Huwag mo ng asahan! ". Giit niya sabay hablot mula sa kamay ko ng box nitong cupcake. Todo ngirit naman ako sa kaniya dahil sa tuwa. " Hindi mo na ako guguluhin okay. Titigilan mo na ako ". Ani niya. " I'm not so sure!!! Ang mahalaga e tinanggap mo na sweety (Wink*) ". Nandiri yung itsura dahil sa sinabi ko. " Sus arte! ". Sambit ko pero sa isipan lang. " Sige na aalis na ako dahil tinanggap mo na. Iyan lang naman talaga pakay ko sayo. Thank you again for accepting sweety (Wink*) ". Dagdag ko pa. Sinimulan ko na siyang talikuran. Baka biglang magbago pa ang isip niya ibalik pa sakin yung box ng cupcakes kaya mabuting takasan ko na siya. Hahakbang palang ako ng biglang sumirko ang paningin ko. Mabuti nalang mabilis akong nakahawak sa railings nitong Fire exit. " O my gosh Ghurl!!!! Are you okay? ". Maarti niyang pananalita but on the way he delivered the words is too concern. Sarap sa ears. Hinawakan niya ako sa braso ko at tinulungan makatayo ng maayos. Grabe yung puso ko kumakabog sa kilig dahil sa hatid niyang kuryente sa sistema ko ng hawakan niya ako. Nagulat kasi ako kaya nakuryente ako. Di ako naorient sa paghawak niya sakin. Hinarap niya ako sa kaniya ulit. " Are you okay? Namumutla ka. Masama ba pakiramdam mo! ". Umooooh! Sabihin niyo ngang panaginip lang ito. Concern to the Max talaga siya sakin. " O-Oo. Ikaw ha. Crush mo na ako noh. Why so concern sweety ". Pag-iiba ko nalang ng topic kasi baka mahalata niyang nahihilo na ako. Umiikot na nga siya sa paningin ko. Nakakakita na din ako ng stars haha. Binitawan niya ako bigla. " Like ewwww Ghurl!!! I was just concerned because you're my bestfriend's sister. Don't be so malicious.... tsaka putla ka nga! ". Dahilan niya. Asus nahiya pa siya. Ang sabihin niya nahuhulog na siya sakin. " I'm okay no need to be worry sweety. Sige na pumasok ka na sa room niyo. Baka dumating pa next subject niyo. Una na ako! ". Inumpisahan ko na ulit ang paglakad ko. Naglakad lang ako ng naglakad subalit nakakailang hakbang palang ako e sumisirko nanaman ang paningin ko. Tapos mas lalo pang kumikirot ang ulo ko. Napahawak ako sa railings ng corridor.  Para dito sandali ay mamahinga. Sinikap kong tumayo ng maayos dahil kailangan kong pumunta ng Clinic at doon sana magpalipas ng sama ng pakiramdam. Nagawa ko naman makatayo ulit kaso nung gagalaw na ako ay hindi ko inaasahan ang biglaang pagbigay ng katawan ko at nanghina na nga ako. Bumagsak sa sahig ang buo kong katawan. Kusang nanlambot ang mga katawan ko at nawalan ako ng lakas para maitayo pa ang sarili ko. Maging ang talukap ng mga mata ko ay gusto na din pumikit. Pilit ko lang itong nilalabanan. " Sh*t Shara!!!! ". Rinig ko na sigaw ng isang familiari na boses. Alam kong siya yun, hindi ako magkakamaling kay Sevix ang boses na yun. Hindi nga ako nagkamali. Hagas ang mukha niyang nilapitan ako. " You said you're fine! Anung nangyari ". Tanong niya pa. Sasagot pa ako subalit inawat niya din ako. " No need to explain. Kailangan kitang madala sa Clinic! ". Ani niya. Tututol pa sana ako kaya lang hindi ko na nakayanan pa. Tuluyan na din bumigay ang sa pagpikit ang mga mata ko. Ang tangi ko nalang naririnig ay ang boses ni Sevix na humihingi ng tulong....... Malas naman bakit ngayon pa. Bakit kailangan ganito parati ang scene namin. Well okay na din kasi masosolo ko nanaman siya sa Clinic but sana naman next time tadhana ay yung okay ako. Kasi di ko din naeenjoy ng sobra e. Sangayunan mo naman ako minsan tadhana!!!!! " Doc how is she? ". Rinig kong boses ni Sevix. Siya yun alam ko. Hindi ko siya nakikita kasi nakapikit pa rin ako. Kumikirot pa din kasi ng kaunti ang ulo ko. " Don't you worry Mr. Ezadera. You're girlfriend is safe. Hindi naman siya buntis kaya siya nahilo ". Pagbibiro ni Doktora Suarez. Obvious na nagbibiro siya because I heard her laugh a bit. " Doc! it's not a good joke! ". Giit naman ni Sevix. Mas lalong napatawa si Doktora ako naman ay napamulat na. Nasa paanan ko silang dalawa nakatayo at ako nga ang pinag uusapan. " Uhmmm Doc! ". Sabay silang napatingin sakin ng magpansin nila akong magkamalay. Lumapit agad sakin si Sevix at inalalayan ako sa pagupo ko. " Di kapa okay you should rest more ". Wala naman akong sinabi na aalis na ako. Aayos lang ako ng upo e. " I'm okay! Doc okay na nga po ba ako. Anu pong nangyari sakin? ". Pagbabaling ko kay Doktora. " Well Ms. Valtocris, you're fine pero need mo munang mag stay dito para makapagpahinga. Ayun sa obserbasyon ko ay dala lang ng labis na gutom kaya ka nahilo. Kulang ka din sa tulog kaya ganiyan tama ba ako? ". Napakamot nalang ako sa ulo ko sa tanong niya sakin. " Silents means Yes! ". Umiling-iling siya. " Mga kabataan talaga masyadong tutok sa gadgets. You should sleep earlier. Around eight dapat tulog ka na! Anu pa bang certain activities ang ginawa mo kagabi at napuyat ka ". Interview pa ni Doc. Seriously kailangan sagutin ko siya. Dito mismo e nandito si Sevix. " A-anu po. Honestly I almost sleep at One Am dahil nagbake pa po ako. Tapos nagising ako ng six Am kaya kulang po ako sa tulog at napuyat po ako ". Paliwanag ko sabay tingin kay Sevix. Yung itsura niya medyo may ekpresyon na parang naguguilty siya ngayon. Balak niya pa kasing tanggihan ang cupcakes ko na talaga naman pinaglaanan ko ng oras. " Ulitin mo pa yan Ms. Valtocris at baka hindi na ito lang ang abutin mo! Kumain ka muna and after that inumin itong gamot na ito ". Itinuro ni Doc sakin yung gamot at pagkain na nakapatong sa table malapit dito sa kama. Mayroon na din siyang kasamang tubig. Nanahimik naman yung isang tao dito sa gilid ko. Binuksan ko ang pagkain na nakalagay sa stiro pone. " Gusto mo? ". Alok ko sa kaniya. Susubuan ko pa nga siya kaso sinamaan niya ako ng tingin kaya di ko itinuloy. Kumain lang ako ng kumain. Samantalang si Sevix walang kibo. Tulala sa kama at mukhang malalim nanaman ang iniisip. Parang nangyari na din ito ah. " Ayaw mo talaga? ". Alok ko pa ulit sa kaniya. Tinignan niya na ako. " Busog na ako ". Sagot niya. " Ha? Paano ka nabusog ". Ungkat ko. " Dahil sayo! ". Sagot niya na ikinatigil ko sa pagkain. Nasamid pa nga ako kaya madali siyang tumayo at inabutan ako ng tubig. " Hinay-hinay lang kasi Ghurl!!!! ". Ani niya. Umuubo-ubo akong uminum nitong tubig. Siya din ang nagsara after kong mahimasmasan sa pagkakasamid. Pabigla-bigla kasi siya ng pagbanat. " K-kailan pa ako naging nakakabusog? ". Natatawa kong tanong para mawala ang tensyon ng sinabi niya. " Like ewwww di literal na ikaw. I mean dun sa cupcake na binigay mo ". Nandidiri niyang giit. Napa " Ahhhh " nalang ako nung marealize ko na sobrang advance ng utak ko at nangangasamid na ako sa kagagawan ko. " Sandali! Kinain mo? ". Gulat kong tanong. " Oo. Nagutom ako e. Walang pagkain dito maliban nalang kapag pasyente ka mayroon. Kaya naisipan kong kainin na yung cupcakes! Pero huwag kang magsaya diyan no choice lang ako kaya ". Sambit niya. I don't care atleast kinain niya pa din. Umoooh! Kilig much hehe. " Anung lasa? ". Inilapag ko na sa tabi ang pagkain kong naubos ko naman. Habang umiinom ng gamot ko ay hinihintay ko ang sagot ni Sevix sakin. " Well okay na din. Kahit di masarap ". Asus! Ookrayan niya pa e buking na siya. " Hayaan mo gagawan pa kita ng madami hehe! Ouch! ". Daing ko ng kumirot ang ulo ko dahil sa pagtawa ko. Nataranta naman si Sevix. " M-magpahinga ka na lang kasi. Dami mong kadaldalan diyan. Enexcuse na kita sa mga subjects mo pati ako. Wala kasing magbabantay sayo kaya ako nalang. Busy si Shekel sa practice ng banda niya ". Hindi niya masayang kuwento. Halata na napililitan lang siya na samahan ako at bantayan. " Kung gusto mo nang bumalik okay lang. Kaya ko na self ko ". Sambit ko sabay higa na ulit ng maayos sa kama. " No. Baka mamaya tumakas pa edi napahamak ka nanaman. Konsensya pa yun ". Giit niya. Aiiisssh mayroon ba siya ngayon at napakasungit niya. Hindi na ako nakipagtalo pa sa kaniya. Mukha naman kahit labag sa kalooban niya ay concern pa din siya sakin ngunit dahil ito sa kapatid ako ni Shekel. Panandalian kaming sinakop ng katahimikan. Tanging tunog lang ng aircon ang naririnig namin lalo na ako. " Anu bang nagustuhan mo sakin Shara? ". Mabilis akong napatingin sa kaniya nung basagin niya ang katahimikan. " H-ha? ". Totoo kahit naintindihan ko ang tanong niya parang nabinge ako. Gusto niya talaga malaman kung bakit ko siya nagustuhan. Well..... " E-ewan ko! H-hindi ko din alam. Basta simula pagkabata crush na kita. Kahit noon pa man di mo na ako pinapansin ". Pagkakataon na ito kaya grab the opportunity Shara. " Diba nga kapag gusto mo ang isang tao dapat wala kang dahilan.... ". Dagdag ko pa. Nagpapalitan kami ng tinginan dalawa. Kahit ang totoo e nakakailang ang mga tingin niya lalo na mas lalo siyang gumagwapo kapag seryoso lang siya. Hindi ko kasi nababakas ang kabaklaan niya kapag ganito siya kaseryoso. " Pero hindi lahat ng gusto mo puwede mong makuha! ". Sambit niya. " Ouch ah! ". Pabiro kong daing pero masakit talaga siya. Umiling siya ng dalawang magkasunod na beses. " I'm serious here Ghurl!!! Mapapagod ka lang, mababalewala lang ang lahat ng ginagawa mo sakin ". Mahinahon lang siya subalit sinasabi ng mga mata niya sakin na ito ang totoo at paniwalaan mo. " Edi tanggapin mo para hindi masayang ". Pumikit siya sabay halukipkip. " I'm not straight Shara. May be I'm a guy as you see in physical but deep deep deep inside of me. Babae ako, pareho tayong naaattract sa mga poging fafa. Baklush ako. Shara! Tanggapin mo na please!!! ". Nagmamakaawa na ang tono ng pananalita niya. Kulang nalang ay umiyak siya sakin para tanggapin lang ang sinasabi niya. " Tanggap ko naman bakla ka Sevix. Tanggap ko na di mo kayang pumatol sa babae. Tanggap ko lahat sayo ". Wika ko na ikinangiti niya ng konti. Siguro akala niya tatanggapin ko talaga yung sinasabi niya ah. " But it doesn't mean na susuko na ako. May be you're a girl deep deep deep inside of yours but it wasn't enough reason for me to surrender! Crush kita at gustong-gusto. Gagawin ko ang lahat para mafall ka sakin. Tandaan mo Sevix, Balang araw magiging baliktad ang sitwasyon natin! ". Ewan ko basta yan nalang ang lumabas sa bibig ko. " Shara naman eeee!!! ". Maktol niya. Kahit maglumpasay ka pa sa harapan ko Sevix di na magbabago ang isip ko. Gagawin kitang straight at mangyayari yun. Naniniwala ako na hindi man ngayon darating sa point na magiging same ang nararamdaman natin. Magkakagusto ka din sakin Sethrevix!!!!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD