[Chapter 15]:Mahal ko na siya!

2692 Words
Shara Pov: Kahapon ay muntikan na akong mawalan ng pag-asa para kay Sevix. Masyado ko kasing kinimkim ang sinabi niya nung nakaraang araw subalit ngayon wala na yun. Deleted na siya sa isipan ko dahil napalitan na siya ng mas masaya at mas nakakakilig na scene kahapon din. Ako lang ata kinikilig, kasi naman. Kahit simple lang yun at aksidente pa ay nakakakilig pa din. Hindi niya ako hinayaan mapadapa sa tiles bagkus sinalo niya ako agad at grabe ang bango niya sobra at dikit na dikit pa ang katawan ko sa kaniya. That's too much nakakakilig yiiiiieeee super!!!! Ngayon nga ay nasa field kaming lahat. Nagkaroon kasi ng short activity from secondary to Collage. May isinagawang fire drill at dito ang pinakang safe na lugar sa school, mayroon din dumating na mga bumbero tapos may short na play din silang ginawa para samin. Samples ng puwede naming gawin sa oras na magkaroon ng sunog o malagay kami sa ganung sitwasyon. Nakaupo kami ngayon lahat sa damuhan. Magkakasama syempre ang bawat magkakasection at year level. " Shara kapag nagkasunog tapos nastuck ka sa isang lugar kasama si Sevix anung unang gagawin mo? ". Tanong ni Alola sakin. Nginitian ko siya ng nakakaloko. " Syempre isi-cpr ko siya ". Sagot ko na ikinatawa ng Ate niyo. " Gaga pananantsing yan e haha ". Tumatawa niyang pagbatok sakin. Natawa nalang din ako sa reaksyon niya. " Pagkakataon na yun anu haha ". Ani ko sabay tawa ulit namin. Tawa kami ng tawa hanggang sa matapos na ang fire drill at pinabalik na sa kaniya-kaniyang room ang mga estudyante. Bali ten minutes lang yun naconsume namin oras. As usual mayroon klase pero walang teacher kasi masyado nilang pinaghahandaan ang ika 25th years Foundation ng E.S.A. (Tok* Tok* Tok*) sabay-sabay kaming napalingon lahat sa pintuan ng room namin nang may kumatok rito. Nag kaniya-kaniyang paliritan ang mga babae nung makita nila si Kuya Shekel. Shems! Kaya ayaw ko din minsan na nakakasama si Kuya sa isang lugar kasi ganiyan siya kung itrato ng mga babae kahit saan lupalop siya pumunta. " Anung ginagawa ni Shekel dito? ". Bulong sakin ni Alola. Kumibit balikat lang ako kasi wala din naman akong ideya kung bakit nasa room ngayon itong si Kuya. Siya lang mag-isa hindi niya kasama si Yanson o si Sevix pa man. Nagtama ang mga mata namin Kuya dahilan na ikinangiti niya. Lumapit naman agad sa kaniya at kasunod ko si Alola. " And why you here? ". Tanong ko. " Pinapatawag ka ni Mrs. Jana sa music room. Pumunta ka na dun! ". Sagot niya. Hindi na ako nagtanong pa ng kung anu. Panigurado kasing tungkol ito sa Pageant na sasalihan ko. Tinanguan ko lang si Kuya tapos ay umalis na siya. " Good luck Ghurla ha!! ". Cheer ni Alola. " Haha mag practice palang ako, di pa naman ako lalaban ngayon ". Ani ko sa kaniya. Tinapik niya lang ako sa braso ko. Alam na kasi nilang ako representative ng section namin for the Mr. Ms. Foundation day na mangyayari din mismo sa huling araw ng Foundation. Ang hindi nila alam ay ang price na matatanggap ng section namin kung papalarin kaming manalo. At sana nga ay manalo kami. Hindi ko din sila ilalaglag, I will do my best para maipanalo ang section namin. " Ayan Ate Shara come here dali! ". Nandito kami ngayon sa music room gaya ng sinabi ni Kuya Shekel kung nasaan si Ma'am Jana. Dito ko nga siya natagpuan kasama si Sevix at Ara. Nagulat nga ako kasi nandito sila, hindi ko inaasahan na makakasama ko si Sevix ngayon. At natutuwa naman ako kasi pinag bigyan ako ni tadhana for today hehe. Sana mag tuloy-tuloy na. " Sorry po Ma'am natagalan ako ". Paghingi ko ng dispensa kay Ma'am kasi mabagal talaga ako maglakad. Matangkad naman ako ngunit sadyang hindi lang ako mabilis lumakad. " It's okay Ate Shara kakarating lang din naman kasi ni Sevix at Ara! By the way alam kong magkakakilala na kayo so no need to introductions. I want you to know Ate Shara na sila ang magiging trainer mo for the upcoming pageant. Kaya parati mo na silang makakasama simula ngayon! ". Pagkasabi ni Ma'am ng litanya niya ay nagpaulit-ulit sa isipan ko ang word na " Makakasama mo na sila ngayon! Makakasama mo na sila ngayon! Makakasama mo na sila ngayon! Makakasama mo na sila ngayon!  " Winave lang ni Ma'am Jana sa mukha ko ang palad niya kaya natauhan ako. " S-si Sevix magiging trainer ko po? ". Pagsisiguro ko. Sasagutin palang ni Ma'am ang tanong ko ng umepal agad itong si Sevix. " No Ghurl not me, her ". Itinuro niya si Ara. Nginitian ako ni Ara with matching kaway-kaway pa na parang pang Miss Universe. Tinugon ko nalang din ng ngiti si Ara. " Ara will be you're trainer in way of modeling. Then Sevix will just watch you kung saan ka pa nagkakamali. Sila na din ang magiging stylish mo at Make up artist ". Dagdag ni Ma'am Jana. " It's an honor to be you're trainer Ms. Valtocris.... I do really fan of yours ". Kinikilig na saad ni Ara sakin. Hinawakan ko ang kamay niya. " Shara nalang, nakakailang kapag Ms. Valtocris. Tsaka I know you will do great ". Kumislap-kislap ang mga mata ni Ara nung sabihin ko yun. " OMG! I'll make sure matatalo mo ang department namin! ". Pagbibiro niya para matawa kami. Ganun din si Sevix kaya napa tingin ako mismo sa kaniya. Ang cute niyang tumawa. How I wish someday isa na ako sa mga Razon kung bakit siya tumatawa. " Maiwan ko muna kayo ha. Starting today Ate Shara Excuse ka na sa mga subjects ko sa inyo. Kasi mayroon pa din naman kayong mga schedule na ibang subjects kaya sa oras ko lang kayong tatlo magkikita-kita! ". Sambit pa ni Ma'am. Pare-pareho kaming tumango sa kaniya. Pagkatapos ay nag walk out na siya papalabas ng music room. Binalot naman kami dito nang katahimikan. Ang awkward nga e mabuti nalang binasag yun ni Ara. " Ms. Val——— I mean Shara. For sure magkakasundo tayo.... bukas pa ang start nang practice natin. For now is iinterviewhin kita sa mga ayaw at gusto mo para alam ko ang bet mo sa fashions and make ups ". Sabi ni Ara. Hindi siya mahirap pakisamahan dahil madaldal si Ara tsaka medyo kalog, nakakatuwa din siya kasi ang dami niyang chika sa life kaya habang nagkukuwentuhan kami ay naeetchapuwera itong si Sevix. Kasalanan din naman niya kasi porke  nandito ako ay di na nagsalita miske isa magbuhat na umalis si Ma'am Jana. " Uyyyy beks mapanis laway mo diyan! Ikaw ha nanahimik ka kasi alam mong nandito si Shara ". Pagkasabi nun si Ara ay kinindatan niya ako. Sinipa naman siya at sinamaan ng tingin ni Sevix. " Araaay sakit nun trix ah! ". Reklamo ni Ara sa pag-sipa sa kaniya ni Sevix. " Dami mo kasing alam! ". Ani ni Sevix. " Talaga lang. Gusto mo po spill ko jowa mo! ". Yung ngiti ko na di na maipinta ay biglang nabura. Mali ata ako ng narinig. Jowa? May jowa na si Sevix?  Nahalata naman yata nila na nandito pa ako at narinig ko ang sinabi ni Ara. " Ayyy Shara ang tinutukoy kong Jowa niya is yung friend din namin bakla. Jowa-jowain kasi namin siya kasi igop! pogi! ". Paliwanag agad ni Ara na akala mo ako ang Jowa nitong si Sevix. " Ah hehe di mo naman kailangan magpaliwanag! ". Wika ko. Napakamot si Ara sa likuran ng ulo niya sabay tayo sa pagkakaupo. " Anung gusto niyo? Treat ko. Alam kong gutom na kayo e ". Tanong ni Sevix samin ni Ara. " Ah ako beks alam mo na gusto ko! Si Shara nalang ask mo! ". Tumingin sakin si Sevix. " Ah kahit huwag na ako busog naman na ak———— ". Diko naituloy ang sasabihin ko dahil pinutol niya ako sa pagsasalita. " Fries favorite mo diba, tapos milk? so Milktea nalang ibibili ko sayo. Hintayin niyo ako dito babalik din ako ". Walang lingon na siyang lumayas at iniwan nga kaming dalawa ni Ara dito sa loob ng music room. Hindi na ako nakaangal pa at wala na din nagawa pa para pigilan siya. Naupo ulit si Ara sa harapan ko. Kesa sa mapanis ang mga laway namin ay nagchikahan kaming dalawa. Kahit anu na at walang kinalaman sa pageant. " Shara ahmmm dahil Close naman tayo at friend diba, puwede ba akong magtanong? ". Umoo ako agad sa kaniya. Napapalakpak siya ng bongga sa pag payag ko. Natawa naman ako sa simpleng gesture niya. " Anu bang itatanong mo? ". Pag-uumpisa ko sa balak niyang itanong sakin. " Uhmmm matagal mo na bang Crush si Trixie, ay Sevix nalang dahil yun ang tawag mo sa kaniya alam ko ". Umawang ang bibig ko pansamantala dahil sa tanong niya. Kahit kailan e walang nagtanong sakin ng ganito dahil ako mismo ang nagsasabi sa kanila kung sino ang crush ko. For the very first time mayroon nagkainterest alamin ang love life ko. " O-okay lang kung di mo sagutin masyado atang private y——— ". Inawat ko siya " N-no. It's okay. Hindi ko lang inexpect na mayroon magkakainterest na alamin ang lovelife ko ganun walang kuwento ito para sa iba kasi nga bakla ang kinababaliwan ko! ". Wika ko. Mas lumapit pa siya sakin dahil dun. " So totoo ngang crush mo si Sevix??? ". Tumango ako naman ako. Napahawak siya sa bibig niya na wari bang nakakita ng multo. " Haha alam na nang lahat yun, Bakit parang ikaw ngayon mo lang nalaman ". Ungkat ko. Tumawa siya ng mahina. " Alam ko din naman kaya lang di ako sure. Syempre diba ang ganda mo yang mababaliw lang sa isang bakla. Sayang naman! ". Wika niya. " So pati ikaw hindi ka naniniwalang makacrush back ako ni Sevix? ". Balik kong tanong naman sa kaniya ngayon. Nag-isip muna siya sandali. " Well, Kung si Sevix ang usapan anu kasi alam mo yun.... baklang-bakla e. Hindi ka ba nag kacrush sa iba? ". Tanong ulit niya sakin. Umiling ako. " As in? ". Ayaw niya pang maniwala. Itinaas ko ang kanang kamay ko into a promise sign. " As in, never. Siya lang! Wala ng iba. Tanga ko anu? ". Ani ko sabay baba ng kamay, tinanguan niya ako agad. At least diba honest siya. " Well You know I understand you. Hindi katangahan ang tamang term diyan beacuse nagmamahal ka lang! ". Wari bang nabinge ako sa sinabi niya at diko ganun naintindihan ito. " Anu? N-nag mamahal? ". Umoo si bakla to confirm na tama ako ng narinig. " Yup! Pagmamahal na ang tawag diyan. Kasi kung crush lang talaga yan hindi aabot yan ng almost 14 years kung magkababata kayo ". Wika niya upang mapaisip ako. Si Sevix mahal ko na? Pagmamahal na itong nararamdaman ko sa kaniya? " Kaya ba nasasaktan ako sa tuwing irereject niya ako kasi mahal ko na siya? ". May kasamang pagturo sakin ang pag sang-ayon niya. " Tumpak ka diyan Ghurl! ". Sambit niya. " Uhmmm puwede din ba ako magtanong? ". Nag thumbs up siya sakin so means puwede. " Anything Ghurl for you ". Sweet niyang sagot. Napangiti naman ako sa kabaitan niya na ipinapakita sakin. " May times ka ba na nakikita o nahuhuli si Sevix na naaattract sa babae? ". Ungkat ko. Medyo masyado ng pang desperado ang tanong but carry lang sa ito gusto ko malaman e. " Si Sevix? Naattract sa babae. Ahmmm wala e. But wait! Parang Oo. Remember nung mayroon party sa bar. Yung babaeng pinatawag mo sakin dahil ginigilingan si Sevix. Yun naattract siya dun kasi sexy daw yun. Umamin siya sakin na medyo nabuhayan siya dun sa babae ". Medyo na samahan ako sa term na nabuhayan but go lang. But wait. " Wait sinabi mong ikaw yung bakla sa bar na nakausap ko! Ikaw yun? ". Tanong na tinanguan niya. " Yessss. Akala ko nga nakilala mo ako kanina di pala. By the way thank you pagsend sakin nung emails ah love it sis. So pretty and sexy mo dun. Can't wait na mairelease na siya ". Kinikilig nanaman sambit ni Ara. Kanina pa kami magkakuwentuhan pero diko man lang nahalata at nakilala na siya pala yung bakla na nakausap ko sa bar. Kasi naman masyado akong lutang nun at inis dahil sa ugly duckling b***h na yun na nilalandi si Sevix. " Wala yun anytime mabait ka naman sakin e tsaka tinulungan mo ako. So mabalik tayo. Ibig sabihin naattract talaga siya sa babae? ". Hindi ko makapaniwalang pagsisiguro na tanong sa kaniya. Tinanguan niya ako ng dalawang magkasunod. Up and down ganern. Kinagat ko ang lips ko sa pag-iisip. " Kung ganun naattract siya sa babaeng malandi at sexy? So kailan kong maging malandi? ". Ani ko na tinawanan niya. Pinalo niya pa ako ng mahina sa kamay ko. " Haha Sis di ganurn. Nagkataon lang yun pero kung ako si Sevix baka nacrush back na kita. Ganda mo kaya. Ako nga super duper bakla e ina idolize ka, siya pa kaya diba na naaattract sa babae. Hindi kita pinapaasa but sinasabi ko lang no need to change you're self the way na hindi naman ikaw. Just be who you are and stay who you are. Malay mo someday, tomorrow, now any minute e mabagok ang ulo ni Sevix at matutunan ka din niyang maappreciate diba! ". Sa buong buhay ko ay  ngayon lang ako nagkaroon ng kaibigan bakla. Usually kasi kapatid pero si Kuya Shonie kasi Bi yun at lamang ang p*********i niya kaya siguro mabilis din nagawa ni Ate Rana na mapafall sa kaniya si Kuya at maging straight ulit kasi sa 100% ay 45% lang ang kabaklaan ni Kuya Shonie at lamang ang p*********i. How I wish na ganun nalang sana si Sevix para di ganito kahirap na gawin ko siyang straight at mapansin niya ako. " Masaya akong makikala ka Ara. Thank you sa magandang payo. And I'm glad dahil ikaw ang kaibigan ni Sevix ". Pasasalamat ko kay Ara. Nakahawak ako sa kamay niya habang sinasabi ito. Hinawakan niya din pabalik ang kamay ko na nakahawak sa kamay niya. " Anytime Sis. At kung may gusto kang ikuwento, itanong or hingin tulong about you're heart nandito lang ako, always I'm glad to be you're friend Shara. Dream come true talaga ito ". Sambit niya at dahil sa sobrang tuwa ko ay niyakap ko siya ng mahigpit. Kumawala lang ako ng narinig ko na ang yabag ng mga paa papalapit dito sa music room. Si Sevix na siguro yun. Wala pang isang oras ang pagkukuwentuhan namin ni Ara pero pakiramdam ko ay kilalang-kilala ko na siya. Ang gaan niya kasi talaga kausap. " Sorry natagalan gutom na ba kayo? ". Wika ni Sevix pagkarating niya. " Well beks di naman sobra lang.... Mabuti nga diko kinain itong si Shara e ". Kakarating palang ni Sevix pero bwiset nanaman siya kay Ara. Sinipa nanaman kasi ni Sevix si Ara dahil sa sinabi nito tungkol sakin. " Arooouuuch! Di na mabiro! Di naman kita aagawan kay Shara e ". Muling pang-aasar ni Ara. Inirapan siya ni Sevix at di nalang pinansin. Naupo ito sa vacant sit. Hindi ako makasingit sa banat ni Ara at ayaw ko din makisali kasi baka pati ako ay masipa ni Sevix dahil sa inis. " Kumain ka na nga lang diyan bakla. So nakakasira ganda yang sinasabi mo. Here's you're food Ghurl!!! ". Iritang inabot sakin ni Sevix ang food ko. Tignan niyo kahit wala akong gawin irita talaga siya sakin. Iba talaga galit neto sakin. Debale sa susunod yang inis niyang yan magigi na din love kagaya ng nararamdaman ko para sa kaniya. Manlalambing na siya sakin kasi ako naman ang naiinis hehe. Akala ko crush palang itong nararamdaman ko pero hindi na pala. Dahil mas lumala na siya. Kung baga sa sakit e stage four na ito ng cancer. Mahal ko na pala siya! Mahal na pala kita Sevix!!!!!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD