Shara Pov:
" Good morning Shara Ghurla!!!! ". Hype na hype na bati sakin ni Alola. Kakapasok niya lang at himalang naunahan ko pa. " Bakit late ka? ". Tanong ko kagad sa kaniya. " Hindi pa kaya, may five minutes pa oh ". Ipinakita niya sakin orasan niya. Tinabig ko naman ito, anu tingin niya sakin di ko alam ang oras. Kaya nga nasabi ko na late siya.
" I mean himala kasing nauna pa ako sayo. Saan ka galing? ". Tanong ko ulit. Ibinaba muna niya ang bag niya bago ako sinagot. Nakasandal siya sa nasa-unahan niyang bangko. " Dumaan pa kasi kami kanina ni Dana sa bookstore. Sinamahan ko siyang bumili ng bagong comics niya. Alam mo naman yun ". Paliwanag ni Alola.
Naningkit ang mga mata ko ng mapansin ko na mayroon kakaiba sa mga ngiti niya. Hinawakan ko ang pisnge niya pero pinalo niya ang kamay ko upang alisin ko ito at bawiin. " Anung ginagawa mo sakin? ". Ungkat niya. Inirapan ko siya saka sandal ng likod ko sa upuan ko. " Wala lang, blooming mo kasi. May nangyari ba na di ko alam? ". Tanong ko para mapakuyom ang bibig niyang nagpipigil sa ngumiti. Yung parang pabebe.
Tinignan ko lang siya. Hinihintay na magpaliwanag kasi obvious na mayroon ngang nangyari na di ko alam. Hindi naman siya malelate kung wala e. " What's the catch Alola? ". Ungkat ko ulit, ayaw pa kasi magsalita. " Wala! ". Kinikilig niyang sagot. Pabebe ang Ate niyo. " Wala pero ngiting-ngiti? Huwag ka ngang pabebe diyan hambalos ko sayo itong bag mo e ". Ani ko sa iritang way.
" Haha masyado kang high blood. Kung anung saya ko siya naman ikinahighblood mo. May nangyari nanaman bang di maganda! ". Iniiba niya ang usapan. " Sagutin mo muna tanong ko bago ko sagutin ang tanong mo ". Ani ko. Mautak ako e haha. " Okay fine. Kasi kanina sa bookstore nameet ko si Harui ng section B sa Criminology Department. Nandun siya at Gosh Ghurl ang gwapo niya ". Umuusok ang puwet na kuwento ni Alola.
Halatang inlove na inlove siya dun sa Harui na sinasabi niya. Nababanggit na niya ang guy nayun sakin. Once ko na din nakita pero kagaya ko tamang tingin at hanga lang ang nagagawa niya. Paano bagsak din siya sa Standard ni Harui parang ako kay Sevix. Mag bestfriend talaga kami. Same situation ng lovelife.
Napapout ako imbis na matuwa samantalang siya tawa ng tawa sa sobrang saya. Mapapa Sana all ka nalang sa kaniya. Wala kasi ako sa mood ko ngayon e. Iniisip ko pa kasi yung nangyari sakin noong isang araw. Remember dumalaw ako sa House nila Sevix tapos nakatanggap ako ng masasakit na salita galing sa kaniya.
Well di naman ganun kasakit but as her admirer masakit talaga, nakakadown ng self steam kaya ganito ako ngayon e. Dinaig ko pang pinag sakluban ng langit at lupa. " Uyyy, tumawa ka naman diyan. Be happy for me Ghurla! ". Atas niya. Haaay naku Alola kung alam kung gaano ko kagustong magbunyi para sayo ngayon kaso sorry wrong timing ka. Wala ako sa mood.
Gustuhin ko man maging masaya para sa kaniya nanlulumo talaga ako ngayon. Alam niyo yung pakiramdam na para kang lalagnatin. Yung parang nalantang gulay ganun. " Haaayst thank you Shara sa response..... anu ba kasi nangyari at daig mo pang namatayan diyan? ".
Baling na ng topic namin sakin. Umiling ako at umubob nalang sa arm chair ko. " Huwag mo nga akong pagsinungalingan. Obvious sa estruktura ng pagmumukha mo na di ka okay. Dahil nanaman kay Sevix iyan anu? Siya lang naman parati ang dahilan ng mga emosyon mo e. Bakit anu nanaman ang nangyari? ". Mahabang litanya niya.
Wala pa nga akong naiikuwento nagmimisa na siya agad. " Wala nga, okay lang ako. Ganun pa din naman estado namin e at kahit anung gawin ko Wala na atang magbabago ". Ani ko saka subsob pa lalo ng pagmumukha sa arm chair. " Hala nyare sayo? Nabagok ba ulo mo at ganiyan ka magsalita. Ang dating e nawawalan ka na ng pag-asa. Umayos ka nga! ". Inangakat niya ako tapos isinandal ang likuran ko sa bangko ko.
Walang gana ko siyang hinarap. " Akala ko ba gagawin mo ang lahat. So sumusuko ka na kung kailan mayroon ka ng nasimulan. Ghurla, kapag nagsisimula tinatapos yan hanggang dulo. Hindi yung mag stop ka na lang kasi nahihirapan ka na. Fight lang ng fight! ". Tinitigan ko lang siya matapos magsalita. Anu kayang nakain niya at biglang sinaniban ng masamang espiruto. Pinupush niya kasi ako ngayon kay Sevix samantalang isa siya sa mga ayaw sa pagkacrush ko kay Sevix.
" Sinong nagsabi na sumusuko na ako? Wala lang talaga ako sa mood ngayon ". Wika ko. Umayos siya ng tayo pagkatapos ay hinawakan ako sa kamay ko at hinila din papatayo. " Tara samahan mo ako! ". Akit niya. " Saan? ". Taka kong tugon. " Sa Collage Department ". Ika niya. " Anung gagawin natin dun? ". Kunwaring nag isip siya saka nag roll eyes. " Malamang pupuntahan natin si Sevix mo. Para magkasigla ka na. Alam ko naman siya lang happy pill mo kaya tara na! ".
Aangal palang ako na huwag na sana kaming pumunta pa ay hinigit niya na ako ng hinigit. Kusa din naman sumasama ang katawan ko sa kaniya kahit na ang sinasabi ng isipan ko ay ayaw ko. Abnormal na ata ako. Bakit magkaiba ang sinasabi ng isip ko sa ikinikilos ng katawan ko. Baka kailangan ko ng magpa check up!
Nakarating kami ng Collage Department ni Alola nang wala siyang kahirap-hirap. Hindi nga siya napagod sa pangangaladkad sakin. " Andito na tayo! Puntahan mo na si Sevix dali ". Utos niya sabay tulak sakin sa tapat mismo ng classroom nila Sevix. Hinarap ko siya at kumibit balikat sa kaniya. " What I'm going to do here? ". Tanong ko sa kaniya. Inirapan niya ako. At inutusan umatras.
Pinapatapat niya ako mismo sa bintana ng classroom nila Sevix para makita ako ni Sevix. So nagpapansin lang ako dito ganun? Umiling ako at humakbang papalapit sa direksyon niya. " Umatras ka ang sabi ko. Hindi lumapit sakin! ". Giit niya. " Ayaw ko! Balik na tayo sa room. Pinagtitinginan na tayo ng ibang section dito oh ". Ani ko.
Nginisian niya ako ng may kasamang mahinang pagtawa. " Ngayon ka pa nahiya matapos mong mag eskandalo dito nung magtapat ka for the second time ng nararamdaman mo kay Sevix.... Uhmmm ipaalala ko pa gusto mo? ". Papaflashback niya sa nangyari few weeks ago na. Hindi ako nakasagot at inirapan siya.
Mula sa kinatatayuan ko, umikot ako papatalikod kay Alola. Naglakad ako papalapit mismo sa mismong tapat ng pintuan nang Classroom nila Sevix. Wala nanaman si Kuya Shekel at yung friend niyang Yanson, siguro nasa basement nanaman sila at doon nag practice. Sumilip ako sa pintuan mismo, dumungaw ako rito habang busy silang lahat na nagsusulat.
Walang teacher pero mayroon pa din silang ginagawa. Busy kasi ang mga teachers ngayon dahil nalalapit na ang foundation day ng school namin. Bali one week din walang klase sa tuwing sasapit ang Foundation kaya todo bunyi ang mga estudyante. Party-party time para saming lahat ang Foundation day.
" What are you doing? ". Ayyy kalabaw!!!! Sa pagkagulat ko sa kaniya ay napaligdas ang pagkakahawak ko sa pintuan, Sa bilis ng kaganapan ay hindi ko inaasahan ang sumunod pang nangyari. Sa pagaakala kong babagsak ang mukha at katawan ko sa tiles ay hindi ko inaasahang magagawa pa akong masambot nang gwapong nilalang na ngayon nga ay yakap-yakap ako.
Lapat na lapat ang katawan ko sa katawan ni Sevix. Ramdam ko ang biceps niya na tinutuuan ko ngayon at ang triceps niyang bato na sa tigas chour malambot pa din naman pero medyo matigas na siya. Ang bango nga e. Tiningala ko siya na nakatingin na pala sakin. Nakakunot ang noo niya siguro dahil sa nabibigatan na siya sakin.
" Sh*t! ang gwapo niya umoooh! ". Mas nagsalubong pa ang kilay niya sa sinabi ko. Mabilis kong tinakpan ang bibig ko at pinalo-palo ito dahil nagsalita ako ng bad words. Inalalayan niya ako agad na makatayo lalo na ng mapansin niyang madami pala samin nakakakita.
Ponagpagan niya ang damit niya na ani mo ay puno ako ng bacteria sa katawan. For his information tatlong beses akong maligo sa isang araw. Sa sobrang linis ko sa katawan wala na siyang mababakas na kadiri-diri sakin. " Anung tinitingin niyo diyan! At ikaw naman Ghurla!!! Anung ginagawa mo dito? ". Pagsusungit niya.
Hate niya talagang inaasar siya sakin ng kahit sino. Lalo na ako hate niya akong makita kasi naiirita siya. Si Alola kasi mapilit, well gusto ko din naman talaga kasi makita si Sevix kaso nasasaktan pa din kasi ako sa sinabi niya nung nasa bahay nila ako. " A-anu, akala ko kasi nandito si Kuya Shekel ". Pagsisinungaling ko.
Nagbago bigla ang nakakunot na noo niyang ekpresyon. Umaliwalas ito ng di ko sabihin siya talaga ang pakay ko. Akala niya siguro sa kaniya nalang umiikot mundo ko. Mukha niya gwapo haha. " W-wala siya dito nasa basement! ". Sagot niya. " Ahhhh akala ko kasi nandito. By the way mayroon din akong ibibigay sayo... pinabibigay ni Mommy. Galing yan singapore kasi dumating si Tita, yung sister niya. Pinabibigay niya yan. Hindi yan galing sakin kaya tanggapin ".
Di pa man siya nakakasagot ay kinuha ko na ang kamay niya at inilagay dito ang chocolate na dala ko. " Paano makikisabi nalang kay Kuya dumaan ako dito. Thank you! ". Tinalikuran ko na siya bago pa man ang lahat. Pagkatalikod na pagkatalikod ko ay inilabas ko na ang kilig na itinatago ko dahil sa nangyari ngayon lang.
Todo ngiti at thumbs up naman sakin si Alola. Mukhang nakita niya din ang pangyayari. " Ah Shara wait! ". Natigilan ako agad ng tawagin niya ako. Mabilis ko siyang nilingon. " Yes? ". Pagpipigil ko nanaman sa kilig ko. " Ahhh anu, pakisabi kay Tita thank you ". Tumango ako tapos tinalikuran na siya ulit. Hindi ko na kasi kayang pigilan ang kilig e.
Pagkalapit na pagkalapit ko kay Alola at hinigit ko sa gilid ng hagdanan pababa na sa second floor at dun pumalirit ng pumalirit. Tuwang-tuwa naman si Alola para sakin. " Sabi ko na nga ba si Sevix lang happy pill mo. Kapag pala may sakit ka imbis na sa doktor kita dadalahin ay sa kaniya nalang. Mas mabilis ka atang gagaling kay Sevix kesa sa doktor haha ". Biro niya na tinawanan ko nalang din.
Habang bumababa kami ng hagdanan ay tawa kami ng tawa. Nabuhayan ako bigla ng dugo. Nawala lahat ng sakit na nararamdaman ko ng mayakap ko si Sevix kanina. Umoooh crush ko na talaga siya super! Another best moment ko sa kaniya.
Maiisulat nanaman kita sa Diary ko Sevix ko!!!