Racelle POV Tahimik lamang na nakatungo si Estella sa binabasang libro. We aren't okay or should I say, we are okay pero hindi kami nagkikibuan. Muli ko siyang binalingan ng tingin na nakaupo ito sa monoblock at abala pa rin ang mga mata sa librong hawak samantalang nakaupo sa kama. Wala na ang dextrose at sa wakas, aalis na rin ako sa puting kuwarto na ito. Humiga sa kama at palibutan ako ng puti ay hindi maganda sa pakiramdam. Ayaw kong naa-admit ako sa hospital ngunit pasaway ako kaya heto, suki madalas ng ospital. Mula pagkabata hanggang ngayon ay dito pa rin ang bagsak ko sa tuwing may katangahan akong ginagawa. Tumingin ako sa pinto nang may kumatok. "Anak," tumingin lamang kay Papa na may hawak na papel. Over fatigue ang resulta ng aking pagkaka-admit, siguro dahil sa hindi pag

