Racelle POV Nang nagising ang diwa ay unang nararamdaman ang lambot ng kama at ang lamig na dumadaplis sa aking balat. Dahan-dahang nagmulat ng mga mata at puting kisame ang bumungad. Unti-unting ibinaba ang tingin at nakita ang mga pamilyar na taong nag-aalala. Nakaupo si Mike sa sofa habang nakahiga naman sa balikat nito ang fiancee. William at Justin ay magkayakap na nakatulog din sa sofa, Jerome and Yvonne are sitting at the monoblock, parehas din silang tulog na magkapatong ang ulo. Iginala pa ang paningin at nakitang nakaupo si Melissa sa aking paanan at doon natulog nang nakasubsob ang mukha sa kaniyang braso. Naramdaman ang tila mabigat na pumatong sa aking kanang kamay at nakitang hawak-hawak ni Estella ang aking kamay habang nakatigilid na nakatulog. Inalala ang nangyari at

