“SOBRANG saglit lang tayo nag-usap nang gabing iyon at masyadong maraming nangyari sa mga sumunod na araw dahil ang dami ko inasikaso pagkatapos mailibing ni William kaya nawala na iyon sa isip ko. Naalala ko lang nitong nagkita tayo uli,” sabi ni Sylve. Tumango si Keith, humigop muna ng kape bago sumagot, “Kailan ko lang din naalala. Ang dami rin nangyari sa buhay ko pagkatapos ‘non kaya ang utak ko na-focus na lang sa kung paano ko malalampasan ang bawat araw.” Napangiwi siya at apologetic na tiningnan ito. “Na-realize ko na hindi ko dapat tinanong sa ‘yo noon kung bakit hindi kayo magkasama ni Emerald. Hindi na kayo okay nang mga panahong iyon, ‘no?” “Actually ayaw niya nga ako isama kahit na sinabi niya sa akin ang nangyari sa fiancée mo. Mas gusto niyang mga kaibigan niyo ang kasam

