DUMILAT si Sylve at tumulo ang luha niya. Madilim sa paligid. Kinapa niya ang unan, basang basa iyon. Parang may lumamutak sa puso niya nang maalala ang napanaginipan. Muntik na naman siya mapahikbi. Maraming taon na ang lumipas mula nang huli siya dalawin ni William. Ni hindi niya inakala na magiging malinaw pa sa memorya niya ang hitsura nito. Pero bakit bigla niya ito napanaginipan? Takatak. Takatak… Napakurap si Sylve nang marinig mula sa labas ng kuwarto ang tunog na mukhang dahilan kaya siya nagising. Bumangon siya, pinahid ang natitirang luha sa mga pisngi at saka naglakad papunta sa pinto. Nang buksan iyon nakita niya agad si Keith. Nakaupo ito sa dulo ng mahabang sofa at nakatutok ang atensiyon sa screen ng laptop na nakapatong sa kandungan. Tunog pala nang pagtipa nito sa k

