NAGDESISYON si Sylve na kinabukasan na magpunta sa ospital. Ayaw na niya patagalin kasi hindi rin naman siya mapapakali. Katulad nang napag-usapan nila ni Keith, isinama nila si Yona. Nang magtanong ang bata kung saan sila pupunta sinabi lang nila na may dadalawin silang kaibigan. Hindi pa kasi siya ready ipakilala ang anak sa kanyang ina. Pagpasok nila sa ospital sinalubong agad sila ng isang guwapong lalaki na nakasuot ng puting coat. Nanlaki ang mga mata ni Sylve nang makilala ito. Si Apolinario Montes, ang asawa ni Sheila. Kinasal ang mga ito kailan lang kaso hindi siya nakapunta kasi nagkataong may sakit si Yona noon at hindi niya kaya iwanan. Pero nakita niya ito sa wedding pictures at video na pinanood sa kaniya ng kaibigan. Ngumiti si Apolinario at sandaling nakipagtapikan ng bal

