“SAAN tayo pupunta? Baka naiinip na si Yona. Dapat puntahan na natin siya,” nanginginig ang boses na sabi ni Sylve, hindi pa rin nagagawang kalmahin ang sarili. Inakay siya ni Keith papasok sa elevator bago ito nagsalita, “Hindi ka puwede magpakita kay Yona na ganiyan ang hitsura mo. Magpapahangin muna tayo.” Sumara ang pinto ng elevator at pinindot nito ang button para sa top floor na ayon sa directory sa ground floor lobby ay para sa mga super VIP patients at opisina ng matataas ang posisyon sa ospital na iyon. Humigpit ang hawak ni Keith sa kamay niya nang makalabas sila sa elevator. “This way.” Namangha si Sylve nang akayin siya nito papunta sa kung saan. Sigurado ang bawat hakbang nito na para bang kabisadong kabisado ang floor na iyon

